II

505 36 41
                                    

"And, ye fathers, provoke not your children to wrath: but bring them up in the nurture and admonition of the Lord." ~Ephesians 6:4

*Summer Carter*

"One order of macchiato at the fourth table Luke." Utos ko sa aking empleyado na nasa counter.

"Boss tignan niyo yung babae na nasa fourth table oh, chix na chix, kinis ng legs. At mukhang type po kayo. Sulyap po ng sulyap sainyo eh." Nakangusong turo niya sa babaeng nasa fourth table. At alam na alam ko kung ano yang mga titig na ganyan ni Luke.

I let out a sigh.

Alam kasi niyang wala akong girlfriend. Tsk.

Nakakapagbiro siya ng ganyan sakin dahil malapit kaming dalawa. At lahat naman ng empleyado ko ay kasundo ko dahil maayos ang trato ko sakanila. Pero si Luke ang pinakamalapit sakin.

"Get back to work Luke. Nandito ka para magtrabaho hindi para pagpantasyahan ang customer ko." Seryosong sabi ko sakanya.

"Eh? Sorry po boss." Napakamot siya sakanyang batok marahil ay dahil sa hiya.

Yeah he called me boss because this is my own shop of Cakes and Coffees.

"Luke ikaw muna ang bahala rito. May aasikasuhin lang ako. Just call me if anything bad happens."

"Yes boss." Nakita ko pang sumaludo siya at ako naman ay lumabas na at nagtungo na saaking kotse.

Sumakay ako sa driver's seat. Sinulyapan kong muli ang dalawang bag ng mga laruan na ibibigay ko sa mga bata at mga cupcakes na binake ko pa kagabi para sakanila. Napangiti ako bigla dahil alam kong matutuwa sila pag naibigay ko ito mamaya.

Sinimulan ko ng tahakin ang daan patungong bahay ampunan. May kalayuan rin ito mula sa shop. Mahigit 30 minutes rin siguro bago ko marating ang bahay ampunan na tinutulungan ko.

Monthly akong dumadalawa roon. Dati ay weekly, ngunit dahil sa abala na rin sa trabaho ay buwan-buwan na lamang kung ako'y dumalaw. Noong nakaraang buwan nga ay hindi ako nakadalaw dahil lumabas ako ng bansa. Pero ngayong araw, I will surely make it up to them. Sabik na rin akong makita ang mga matatamis na ngiti ng mga bata.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na ako sa bahay ampunan. Kinuha ko mula sa loob ng sasakyan ang dalawang bag ng mga laruan at isang kahon ng cupcakes.

Akmang bubuksan ko pa lang ang gate ng bahay ampunan ay nakita ko na ang mga sabik na batang nag-uunahan papunta sakin. Kaya bago pa nila ako salubungin ng kanilang mahihigpit na yakap ay pumasok na agad ako at isinara ang gate.

"Kuya Summer!"

"Yehey meron na si Kuya!"

"Kuya namiss ka po namin!"

"I miss you Kuya Summer!"

Yan ang mga karaniwang naririnig ko sa mga batang nakayakap sakin ngayon. Hindi ko alintanan ang init at mahihigpit na yakap nila sakin. Gumanti naman ako ng yakap sa mga bata. Ngiting-ngiti pa ako habang niyayakap sila isa-isa. Ramdam ko pa ang pawis na pumapatak sa mukha ko.

"Namiss ko rin kayo ng kuya mga bata. Oh kamusta naman kayo?" Nakangiting tanong ko sakanila habang pinupunasan ko ang aking pawis.

"Masaya na po kami ngayon dahil dumalaw na po kayo samin Kuya Summer!" Masiglang sabi ni Ella ang panganay sakanila. 13 na si Ella at pitong taon na siya dito sa ampunan.

Stairway to Her Heart #Wattys2017Where stories live. Discover now