Chapter 44: Simon's Birthday

134 11 3
                                    

"The beauty of letting go is not about forgetting at all. It is all about remembering what happened without any hurt, it is about accepting things as they are, and it is about freeing yourself. The thing is, if you don't learn to let go, it will only anchor you down for as long as you hold unto it." ~ L.W.

~

"Kung hindi mo ako hinila noon. Sana nakapagdate kami ni Snow!"

"Eww Timothy! Pwede ba wag mong sabihin yang date na yan. Mas gusto ko si Kuya Summer para sakanya."

"Di hamak naman na mas gwapo ako dun!"

"Mahiya ka nga sa mukha mo Timothy! Mas guwapo siya sayo sa mukha, katawan at ugali!"

Rinig ni Winter ang bangayan sa office niya habang papalapit siya dito. Tumaas ang kilay niya bago pinihit ang doorknob. Naabutan niya ang dalawa na masama ang tingin sa isa't isa. Si Timothy ay nakaupo sa sofa at si Sabrina naman ay nakatayo ilang metro ang layo sa lalaki. Kung nakakamatay lang ang tingin, siguro ay kanina pa nakabulagta ang lalaki.

"What's the matter?" Blangkong tanong niya sa dalawa pagkapasok sakanyang office.

"Si Sabrina kasi!"

"Yang Timothy na yan!"

Sabay nilang sambit at itinuro pa ang isa't isa.

"You are acting like kids." Komento ni Winter saka dumiretso sa office table niya at ibinaba ang shoulder bag.

Sinamaan nila ang tingin sa isa't isa bago umawat. Umirap si Sabrina kay Timothy. Si Timothy naman ay sumandal na lang sa kinauupuang sofa at ngumiti kay Winter. Kumulo na naman ang dugo ni Sabrina sa nakita.

"Good morning Snow." Timothy flashed a playful smile.

"Good morning Ma'am Winter." Ngumiti rin ng matamis si Sabrina. Pinandiinan ang pangalang Winter.

"Sab can you please make me a cup of black coffee?" Ani Winter habang may hinahanap na files sa table niya.

"Ako na lang Snow." Akmang tatayo na sana si Timothy ng magsalita si Sabrina.

"Sab ang sinabi, S-A-B. Hindi Timothy." Irap niya rito.

"Thanks."  Winter made a small smile. Nagulat pa ng bahagya si Sabrina at kaagad ring tumungo at yumuko ng bahagya bago nagtungo sa coffee machine.

"Kailan ka pa natutong ngumiti Snow?" Kunot noong tanong sakanya ni Timothy.

"So?" Tinaasan niya ito ng kilay at tinapunan ng tingin.

"Ang sungit sungit mo Snow. Nagtatanong lang naman ako." Ngumuso siya. "Sige nga ako rin ay ngitihan mo." Napalitan ng ngiti ang pagnguso niya habang inaabangan ang ngiti niya.

"Busy ako Timothy. I don't have time for your games." Hindi na siya lumingon dito at nagfocus sakanyang laptop. Napasimangot naman si Timothy sa narinig.

"Here's your coffee ma'am." Sabrina barged in, ipinatong niya ang cup sa table nito.

Tiningnan niya si Timothy at binelatan. "Buti nga sayo." She mouthed.

Umaangat-angat ang labi ni Timothy dahil sa inis sa babae.

"Sabrina."

"Yes ma'am?"

"Naideliver na ba yung toys sa Divine Grace Foundation?" Tanong niya habang nasa laptop pa rin ang tingin.

"Opo ma'am. Kahapon pa po."

Stairway to Her Heart #Wattys2017Where stories live. Discover now