XXIV

233 16 21
                                    

"There are some things that can never be undone. Such as a false promise and a broken heart."

"Winter can we talk?"

Winter raked her fingers on her hair frustratedly as she put a quick gaze at the man who is pleading infront of her. Ilang beses siyang bumuntong hininga at pilit na pinapakalma ang sarili. Ayaw pa naman niya ang sarili pag naiinis dahil hindi niya maiwasang maging sarcastic sa kausap.

Nanatili siyang tahimik habang naririnig pa rin niya ang boses ni Mr. Dan sa kabilang linya. Hindi na niya inintindi pa ang sinasabi nito dahil sa inis at walang paalam na pinutol ang tawag. She shoved her phone on her jeans' pocket and gave him a nod before she entered Starbucks again. Naintindihan naman nito ng lalaki at sumunod sakanya.

Natigilan sa pag-inom si Timothy ng mapansin na may kasamang pumasok si Winter. Disappointment was visible on his face as he watched them walk near him. Napalitan ng isang inis ang kanyang mukha na hindi niya alam kung saan galing. Agad na kumunot ang noo niya at nagpabalik-balik ang tingin kay Winter at sa kasama nitong lalaki. Pareho silang nagsukatan ng tingin ng lalaki nang makalapit ang mga ito sa gawi niya at naputol lang 'yon ng biglang magsalita si Winter.

"Can you leave us alone for a while Timothy?" Winter asked smoothly.

Magsasalita pa sana si Timothy ngunit agad niyang pinigilan ang sarili at hindi bukal sa kaloobang tumango. "Fine. Just call me if something bad happens okay?" Tipid siyang ngumiti kay Winter at tumayo. Nais man niyang manatili kasama nila ay hindi rin pwede dahil dalawahang upuan lamang ang table nila at medyo isolated ang table na yun sa ibang customers. Mas lalong nainis si Timothy ng biglang ngumisi ang lalaki sakanya at umupo sa inupuan niya kanina.

"I can handle myself. If you want to go home you can go."

"No. I will wait for you outside. Saglit lang naman kayong mag-uusap diba?" Sinadya niyang diinan ang salitang "saglit" at binalingan ng mabilis na tingin ang lalaki. Tumango lang si Winter at naupo na rin sa katapat na silya.

Sino ba yung maangas na lalaking yun. Di hamak naman na mas guwapo ako dun. Inistorbo pa ang almost date namin ni Snow! Tss!

Doon lang lumabas si Timothy at inis na iniisip kung sino ba ang lalaking kasama ni Winter. Bigla na lang itong sumulpot na parang kabute.

"Talk." Malamig na sabi ni Winter habang nilalaro ng kanyang straw ang inuming nasa harap niya. Blangko siyang nakatingin sa lalaki.

"T-thank you for letting me talk to you Winter." Tipid itong ngumiti. "Ilang beses rin akong nagtangkang kausapin ka pero hindi kita mahagilap dahil napaka-busy mo." Napipilitang ngumiti ang lalaki.

"Just be direct to the point Jacob. I don't have all the time in the world to talk to you." Anito at bahagyang humigop sa inumin.

"S-sorry." Sinserong aniya at tinitigan ang mga mata ni Winter.

"For what?"

"Sorry for hurting you Winter."

Agad na tumaas ang kilay ni Winter sa narinig. For pete's sake that was years ago! Apologizing for what happened years ago is so inappropriate. Inis itong tumingin kay Jacob. Ang kaninang kalmadong kalooban niya ay agad na napalitan ng iritasyon. Is he insulting her? Because if yes, he really did insulted her.

"S-sorry din kasi . . . I'm still not over you. I know that- it has been years since we've been together. . . But I know, I still love you-"

What the hell?

Agad na uminit ang bagang ni Winter sa mga narinig. Hindi niya lubos maisip na sa paglipas ng panahon ay ngayon pa niya maririnig ang mga walang kwentang pag-amin ng dating karelasyon. Muling nabuhay ang galit na kinalimutan niya dahil sa pahayag nito. Pinilit niyang maging kalmado kahit na gustong gusto na nitong sigawan ang binata at kung maaari lang ay hindi lang suntok ang maabutan niya. Dahil kating kati na ang kamao niyang dumapo sa makapal na mukha nito.

Stairway to Her Heart #Wattys2017Where stories live. Discover now