Chapter 55: Bouquet for Her

162 14 12
                                    

"My sheep hear my voice and I know them and they follow me." ~John 10:27

~

*Summer Carter*

"Dad, Sir Stephen Durfee's assistant called yesterday. He told me that I am hired as one of the executive chef of his bakeshop."

"Is that so son?" Tipid siyang ngumiti at humigop sa kape niya.

Tumango ako at inihalo lang ang kape na nasa harap ko.

Katatapos lang ng family devotion namin at heto kami ngayon, naguusap dito sa living room. A usual bonding of us.

"Tinanggap mo na ba?" Tanong niya.

Ilang minuto bago ako nakasagot.

"Opo. Sinabi ko po na aayusin ko lang ang mga papel ko."

"Kailan ka aalis?"

"As soon as possible daw po dahil kailangan ng manpower lalo pa at may extension shop daw sa New York at kailangan kong palitan si Sir Cullen bilang assistant. Ako po ang napiling assistant ni Sir Durfee."

"Ilang taon ka doon?"

"Sa sinabi po kasing kontrata noong training namin, dalawa hanggang tatlong taon po. Pero kapag nagustuhan daw ni Sir Durfee ang executive chef niya, maaaring kahit ilang taon daw po."

"Eh bakit parang hindi ka yata masaya anak? Diba't matagal mo ng sinasabi saamin yan, matagal mo ng pangarap ang maging executive chef ni Stephen Durfee hindi ba?"

"I don't know Dad. Parang hindi ako handang umalis." Bumuntong hininga ako.

"O baka naman may hindi ka lang maiwanan dito sa Pilipinas?" Ngumiti ng nakakaloko si Dad.

I am really his son. Kilalang kilala niya ako. Ngumisi na lang ako sa isipan ko.

"You really know when to joke Dad." I smiled back.

He patted my head. "Ganyan na ganyan din ako sa Mommy mo noon 'nak. Ayoko talagang napapalayo sa kanya." Pagkatapos ay itinaas baba pa niya ang kanyang kilay. Si Dad talaga.

"It's not about that Dad." Pero alam ko sa sarili kong nagsisinungaling ako. It's all about her. Yeah.

"Kilalang kilala kita Summer. Nakasimangot ka kapag may isang bagay kang hindi maiwanan. Ganyan na ganyan din ang itsura mo noong bata ka pa. Noong ibinigay mo yung paborito mong bola sa isang bata." Nakangiti siya habang sinasabi ang mga 'yon.

I remember that day. May pirma kasi yun ni Michael Jordan noon kaya hindi ko iyon kaagad nabitawan. Napangisi ako sa ala-alang 'yon. Parang ganoon rin ata ang itsura ko ngayon.

"Kung ganoon ay iiwanan mo rin ang coffeeshop mo."

"Ganun na nga po."

Napatango si Dad. Ako naman ay napasandal sa kinauupuan ko at napatingala.

"At maiiwanan mo rin si Winter?"

"Opo."

Natawa ulit si Dad.

"It's okay son. Ang importante ay nasabi niyang you make her heart skip a bit." Inipit niya ang boses upang gayahin ng boses ni Winter. Ako naman ang napatawa. Naikwento ko kasi yun kanina. Sinasabi ko na nga ba at aasarin lang ako ng ama ko. Napapailing na lang ako saaking isipan.

Stairway to Her Heart #Wattys2017Where stories live. Discover now