XX

177 15 4
                                    

"Friendship is not about you spend the most time with, it's about who you have the best time with and who's actually there for you."

Nasa tapat na ng pinto ni Amos si Summer at paulit-ulit na pinindot ang buzzer. Ilang beses na niya itong pinipindot ngunit hindi pa rin siya ipinagbubuksan ng kaibigan. Sa inip ay kinuka niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang number ng kaibigan.

Mag-aalas kuwatro na pala ng umaga. Sambit ng kanyang isipan matapos makita ang oras sakanyang cellphone.

Sa pangalawang subok niyang pagtawag ay sumagot na rin ito sa wakas.

[Hello bro? Bakit ka napatawag?] Bakas ang inaantok na boses ng binata sa kabilang linya.

"Pasensya na sa istorbo bro. Nandito kasi ako sa labas ng unit mo. Pwede bang pagbuksan mo 'ko ng pinto?"

[Ha? Anong ginagawa mo diyan? Saglit bubuksan ko na.] Si Amos na ang nagbaba ng linya. Patakbo niyang tinungo ang pinto at binuksan ito.

"Oh Summer. Anong nangyari sayo?!" Nanlaki ang mata ni Amos nang makita si Summer. Tila nawala ang antok nito dahil sa itsura ng kaibigan. Bakas ang gulat sa ekspresyon nito habang sinusuri ang maruming kabuuan ni Summer.

"Mahabang kwento bro. Pwede na bang pumasok?" Ngumiti siya sa kaibigan. Umalis naman sa harap ng pintuan si Amos at pinatuloy ito. Agad na naupo si Summer sa malambot na sofa at inihilig ang kanyang ulo rito. Itinaas pa niya ag kanyang mga paa sa mesa at bahagyang pumikit.

"Ano bang nangyari sayo? Bigla ka na lang napasugod dito na ganyan ang itsura mo. Di ka naman nakikipag-away ah?" Umupo rin si Amos sa tapat ng kaibigan. Habang puno ng pagtataka ang kanyang isipan.

"Bro mahabang kwento. Tsaka pagod na pagod talaga ako eh. Ikukwento ko na lang sayo sa sususnod." Nakapikit na sagot ni Summer. Iniladlad niya ang kaliwang braso sa sandalan.

Naging matunog ang pagbuntong hininga ni Amos at nagkibit balikat na lang. "Okay." Aniya pa at nagtungo sakanyang closet upang maghanap ng extrang damit ang kaibigan.

"Amos pahiram ng damit ah? Kaya rin ako pumunta rito para makahiram ng damit mo." Mahinang natawa si Summer sa sinabi while thinking about his dingy look.

"No prob bro. Heto nga at hinahanapan na kita." Malakas na pagkakasabi ni Amos upang marinig siya ni Summer.

Ito naman ang maganda sa pagkakaibigan nila dahil palagi silang nandiyan sa'twing kailangan nila ang isa't isa.

"Bandage pa pala bro. Meron ka ba diyan?" Muling tanong ni Summer habang nakapikit pa rin.

"Oo bro. Sandali lang at kukuha ako."

Ilang sandali pa ay may hawak ng malinis na damit at gasa si Amos. Umayos naman ng upo si Summer ng maramdaman ang presensiya ng kaibigan. Walang sabi-sabing nitong tinanggal ang maruming damit at kinuha ang damit na nasa kamay ni Amos.

"Maligo ka na lang kaya? You stink bro." Humihikab na ani ni Amos at iniladlad ang mga braso sa sandalan ng sofa.

"Hindi na. Masyado na akong pagod para maligo." Kinuha niya ang gasa sa ibabaw ng mesa at tinanggal ang madugong gasa na nasa kanang kamay niya.

"Need help?" Tanong ni Amos. Habang pinapanood ng ginagawa ng kaibigan.

"Nah, I can manage." Tipid na ngumiti si Summer. Nais pa sanang magtanong ni Amos ngunit alam niyang masyadong pagod ang kaibigan dahil sa lantang itsura nito.

Napagkagat naman si Summer sa labi dahil sa sakit ng sugat niya. Fresh pa kasi ito at napwersa na niya agad dahil sa pagbuhat niya kay Winter at pagluluto ng meal nito. Bilin pa naman ng doktor na maglagay ng cast. Ilang minuto pa ay napalitan na nito ang malinis na bandage sa braso niya. Tumayo siya at itinapon ang gasa at marumi niyang damit sa basurahan. Dumiretso siya sa kusina at nakiinom ng malamig na tubig sa ref.

Stairway to Her Heart #Wattys2017Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα