IV

318 29 13
                                    

"Thy wife shall be as a fruitful vine by the sides of thine house: thy children like olive plants round about thy table." ~Psalms 128:3


*Summer Carter*

Maaga akong gumising para makapag-jogging at work out sa gym. Syempre dapat healthy lifestyle pa rin para sa future family ko. 

Naligo na ako at nag-ayos. Isinuot ko ang aking jogging shoes, pants, at itim na sando.Tinanggal ko sa pagkaka-charge ang aking cellphone at  ipinasok ito sa bulsa ko. Saka ko kinuha sa bedside table ang headset nito. Nang makuntento ay lumabas na ako ng kwarto.

Maingat akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina.

"Ang aga mo namang lumabas iho, alas singko pa lang ng umaga ah." Usal ni manang Fe habang nagluluto ng agahan. 

"Tama lang ho manang para maaga rin ho akong matapos at makatulong sainyo sa gawaing bahay." Nakangiting tugon ko.

Kumuha ako ng bottled water sa ref at uminom.

"Naku ikaw talagang binata ka, napakamatulungin. Kayang kaya ko naman ang mga ito. Ang sabihin mo ay baka pagkaguluhan ka na naman ng mga kababaihan diyan sa labas kaya ka napaaga. Baka nga hinihintay ka na diyan sa labas ng bahay." Medyo natatawang sabi ni manang. Naikwento kasi ni manang na madalas  may mga babaeng hinihintay akong lumabas ng bahay. Hindi ko naman napapansin yon dahil nasa condo ako madalas.

"Manang talaga nambola pa. Basta ho mamaya pag-uwi ko ay tutulungan ko ho kayo sa paglalaba. Hindi na ho kayo nasanay sakin. Alam niyo namang hong tuwing Sabado ay tinutulungan ko ho kayo rito sa bahay. Para naman ho hindi kayo masyadong mapagod." Nakangiting pagpapaliwanag ko. "Sige ho manag Fe, mage-ehirsisyo ho muna ako. Uuwi rin ho ako agad." Nakangiting paalam ko kay manang.

"Sandali lang iho, bakit di ka muna kumain ng may laman naman iyang tiyan mo bago ka lumabas?"

"Mamaya na ho ako kakain manang." Kumuha ako ng sandwich na nakahain sa mesa at agad na kumagat rito. "Sa ngayon eto muna." At saka ko ito isinubo lahat.

"Ikaw talagang binata ka. Mag-iingat ka dine." Nakita ko pang sumenyas ng paalam si manang.

"Opo." Sigaw ko habang nginunguya pa rin ang sandwich.

Nang tuluyan na akong nakalabas ng bahay ay may narinig akong ingay na nanggagaling sa kaliwa ko. Nakita ko ang dalawang pamilyar na babae na mukang hindi magkandamayaw sa pag-aayos ng kanilang buhok.

Last week ay sila rin yata iyong nakita ko.

"Hi Summer." Sabay nilang sabi at saka nagpa-cute pa sakin.

Ngumiti na lang ako sakanila bilang sagot.

At gaya nung nakaraang linggo, pinag-aawayan na naman nila ang isang ngiti. Sinamantala ko ito at nagsimula ng mag-jogging.

"Wahhh! Saakin siya ngumiti!"

Napangisi pa ako dahil biglang malakas na niyugyug nung babae yung kasama niya. Bakit ba ganun ang mga babae kung kiligin parang bubugbugin na katabi eh?

"Hindi! Wag ka ngang assuming! Ako ang nginitian ni Summer!"

Dinig ko pa ang pag-aaway nila bago ako tuluyang nakalayo sa gawi nila. Mabuti na lang talaga at hindi masyadong gumigising ng maaga ang mga tao dito sa subdivision at wala pang araw.

Nakinig lang ako ng musika saaking headset habang nagjo-jogging. At ng matapos ang bente minutos na pagjo-jogging ay dumiretso na ako ng gym. Mabuti na lang din at may gym na dito sa loob ng subdivision.

Stairway to Her Heart #Wattys2017Where stories live. Discover now