XIV

182 21 5
                                    

Maagang gumising si Summer para maaga rin siyang makapunta sa coffeeshop niya. Lunes kasi ng umaga ang araw at ayaw niyang magpadala sa Monday laziness dahil dedicated siya sa trabaho niya. Hindi na niya inabala pang gisingin ang kanyang matalik na kaibigan na si Amos na nag-sleepover kagabi sa bahay nila dahil napuyat ito sa pakikipagusap sa Mommy niya.

Suot ang kulay yellow na apron ng mommy niya, puting sando, kulay asul na pajama at tsinelas na pambahay ay nag-prepare na siya ng breakfast para sa kanyang pamilya. Samantala, habang siya'y nagluluto ng almusal ng kanyang pamilya ay naagaw ng atensyon niya ang supot ng cookies na nasa taas ng ref. Binuksan niya ito at kumuha ng isa.

"Hmmm masarap nga." Napangiti pa siya ng isinubo ang isang buong chocolate chip cookie. Muli niyang naalala ang masungit na pakikipagusap sakanya ni Winter sa mall kahapon. Wala sa sarili siyang napangiti. Pakiramdam yata niya ay binigyan siya ng masayang mood ng cookie.

Nagprito siya ng bacon, eggs, hotdogs, at ham. Nag-toast din siya ng bread at nag-sangag ng kanin. Gumawa pa siya ng chicken salad, spicy chicken noodle soup at beefy vegetable soup gaya ng nakasanayan nilang breakfast na palaging may hinihigop na sabaw. Hindi rin nawala ang mga ngiti niya habang niluluto ang mga ito which is very unusual for a Summer Carter.

Pagkatapos niyang magluto ay nauna na siyang kumain. Inayos niya ang kanyang nilutong agahan at hinugasan na na rin niya ang kanyang pinagkainan.  Dumiretso siya ng banyo pagkatapos. Mabilis siyang naligo at nagbihis ng simpleng get-up.

Fitted white t-shirt na mas mag nagpahulma pa sa matipuno niyang katawan at tight blue jeans na mas nagpakita pa sa sturdy legs nito. Pinaresan lamang niya ito ng puting rubber shoes at g-shock watch sa kanyang left wrist.

Sinuklay pa niya ng bahagya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri habang papunta sa kotse. Hindi kasi siya palaayos ng buhok kaya madalas itong nasa messy hair style na lalong bumagay sa guwapo niyang mukha.

"Hi Summer!"

Napaligon siya sa pinanggalingan ng boses. Napansin niya ang dalawang pamilyar na babae na nasa labas ng gate nila habang walang tigil ang paghahayo ng kanyang bangs sa tainga at ang isa naman ay kasalukuyang nagpapa-cute sakanya.

"Hi. Have a great day."

Ngumiti siya na mas lalo pang nagpatili sa dalawang babae.

"Ang hot niya best!"

"At ang bait pa!"

Nilagpasan lang niya ang mga ito at tuluyan ng pumasok sa white Audi car niya. Pinaandar niya ang kanyang kotse at tumungo sa coffeeshop.

"Good morning sir! Early bird since forever." Humahagikhik na untad sakanya ni Jade na kasalukuyang nagpupunas ng mesa.

"Good morning Jade. But you're earlier." Naging malaki ang pagngiti niya rito nagtungo sa lalagyan ng cleaning tools nila.

"Jollier po yata kayo ngayon sir ah." Rinig niya ang boses ni Jade na di naman kalayuan sakanya.

"Kaylan pa hindi Jade? Ikaw talaga, lagi naman akong jolly."

"Sus! Iba kaya aura mo ngayon sir. Iba po mga ngiti niyo ngayong araw kaysa noong nakaraan."

She's teasing him.

Agad siyang nagsuot ng gloves at tumungo sa transparent window glasses ng shop at sinimulan itong linisan.

"Dati na akong jolly Jade." Nakangiting tugon niya rito.

Masaya niyang nilinisan ang transparent glasses ng shop.

"Naku sir Summer, kami na po ang gagawa niyan. Nakakahiya naman po sainyo." Kapapasok rin ng isa pa niyang empleyado na si Lilian na agad inilagay ang kanyang mga gamit sa sarili nilang mga lockers at kumuha ng sponge at gloves.

Stairway to Her Heart #Wattys2017Where stories live. Discover now