Chapter 42: Meet the Family

174 12 22
                                    


"One act of kindness may teach more about the love of God than many sermons."

~

"Good morning Mom!" Masigla at masayang bati ni Winter sa puntod ng kanyang ina.

Pagkagising niya kanina ay kataka-takang napakaganda ng gising niya. Pakiramdam niya ay nawala ang bigat sa kalooban niya.

Effetive nga talaga ng prayers niya kagabi!

Ngumiti siya at umaktong ilalagay ang pink roses na binili niya ngunit kunot noo na naman siyang napatitig sa white roses na kasalukuyang nakalagay sa vase.

Ito na ang pang-anim na beses niyang makita ang mga bulaklak na ito.

Iwinaksi na lang niya ay pagtataka at itinabi rito ang mga binili niyang bulaklak.

Umupo siya sa damuhan at nagkwento. She mentioned last yesterday's happening which was, her, totally closing the door for Jacob. Nakangiti lang siya habang nagkukwento. Tila walang dalang kabigatan mula sa pangyayari na yun.

Hindi rin nakaligtas si Summer sa kwento niya dahil binanggit rin niya rito ang mga peklat ng binata.

"I don't know why I feel really energized today Mom. I woke up so happy. I think I murdered all the endorphins!" Nakangiting aniya. Ngunit hindi lang iyon ang dahilan. Masaya rin siya dahil may totoong kaibigan siya at iyon ay walang iba kundi si Summer.

Hindi siya nagtagal doon. Nais lang talaga niyang ipaalam sa Mommy niya na masaya siya. Isa pa, ito ang unang beses na totoo ang mga naging ngiti niya sa Mommy niya.

Nasa loob na siya ng kanyang kotse nang biglang mag-text sakanya ang Daddy niya.
From Dad
Winter, my birthday is 3 days from now. I'm just reminding you. Alam kong may pagkaulyanin ka.

Pagkabasa niya dun ay napangiti siya. Kahit ilang taon rin silang nagkawalay ng kanyang ama ay alam pa rin nitong makakalimutin siya. Siguro nga ay oras na rin para hayaang mapalapit si Daddy sakin. I honestly miss him.

Bahagya muna siyang nag-isip kung ano ang magandang panregalo sakanyang Daddy. She leaned against her seat and let her mind wander.

"Arg!" She screamed frustratedly matapos ang ilang minutong lumipas na wala siyang naisip.

Napabuntong hininga siya. She hold the car's key to start the engine until an idea popped on her mind. Napangiti siya nang makita ang keychain na nasa susi niya. That small thing gave her an instant idea.

You are really a great friend Summer.

Tinignan niya ang oras sa kanyang relo, it reads 8 in the morning. Siguro naman ay gising na siya. Pag-uusap niya sa sarili. Napagdesisyunan niyang tawagan na lang ito para makausap.

It's a good thing dahil hindi siya abala ngayong araw. Natapos na niya ang mga manuscripts at meetings kahapon. Maaari niyang hilingin ang tulong ng kaibigan.

[H-hello?] Bungad ni Summer. Wala sa sariling napalunok si Winter. Bakit napakasexy ng boses nito?

[Winter?] Maski ang pagbanggit nito sakanyang pangalan ay nakakaakit rin. Mukha itong bagong gising at mukhang nagising pa nga niya yata ito mula sakanyang pagtawag.

[Are you still there?] Muling tanong ng kabilang linya. Rinig na rinig ni Winter ang paghikab nito.

She cleared her throat at pulled her senses together.

"Ah, g-good morning Summer." Pilit niyang pina-casual ang boses. Dang it! Why do I even feel this way! She slapped herself mentally. Nag-iibang tao nga talaga yata siya t'wing si Summer ang kausap.

Stairway to Her Heart #Wattys2017Where stories live. Discover now