Chapter 12 - Bonding with the Teen Star (Part 2)

1K 32 14
                                    

**Dedicated sa author ng IM INTO YOU :) ayan na ah! dinedicate ko na sayo :) Sana magustuhan mo :) Papromote na din ng story ko ah! :)  heheh Ang ganda ng story mo :)

ENJOY READING :)

*************************************************************************

" Bonding with the Teen Star (Part 2) "

- Shayne's POV –

Nakaramdam ako ng kilig at bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko nang sabihin niya iyon sa akin. Kung sabagay, may point din siya kung bakit kami naghiwalay ni Kris. Siguro, hindi nga siya yung taong nakalaan para sa akin. Kung hindi nga siya iyon, sino naman kaya yun?

Argh! Ano ba naman tong iniisip ko! Dapat nga matuwa ako kasi may artistang nag-cocomfort sa akin ngayon.

Matagal din niya akong niyakap. Mga 10 minutes siguro. Nang kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin, agad naman niyang inilayo ang tingin sa akin at imbes ay tumingin sa malayo.

Nanatili akong tulala at hindi alam ang nangyari. Parang nakikita ko si Kris sa kanya. Alam kong mali na pagkumparahin ko silang dalawa pero iyon talaga ang sinasabi ng utak ko.

Patuloy lang ako sa pag-swing. Ang lalim pa din nang iniisip ko. Ayaw mag-sink in sa utak ko ang ginawa ni Nicko. Parang kanina lang, iyak ako ng iyak, ngayon naman ang gulo ng pag-iisip ko.

I try my best to smile. Ayaw kong isipin ni Nicko na hindi pa din ako okay kahit na nabigyan na niya ako ng ice cream na alam niyang pain reliever ko.

Nasa kalagitnaan na ako nang aking malalim na pag-iisip nang bigla siyang tumayo. Pumunta siya sa harapan ko at lumuhod. Sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Ngayon ko lang napansin na kapag tinitigan mo nang matagal si Nicko, doon mo lang masasabi na cute siya.    > /// <   Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit napakaraming babae ang nagkakandarapa sa kanya.

Nilingon ko ang paligid. Kagaya kanina, pinagtitinginan kami pero iba na ngayon, dumami ang bilang nila. May naghihiyawan, nagtitilian at nagsisigawan. Ang iba pa nga nag-cheer pa.

" Ang swerte nung girl. Niluhuran pa siya nung guy. " Sabi ng isang babae na nakauniform pa ng FEU.

" Kaso, naka-cap yung guy. Hindi ko makita yung itsura niya. " Sambit ng kasama nung girl na nakauniform.

" Ano naman kung nakacap siya? At least pinapakita niya dun sa girl na mahal nga niya ito. Walang hiya-hiya pagdating sa love. "

Ano ba naman tong pinag-iisip nila! At isa pa tong si Nicko! May sayad na ata to at naisipang lumuhod sa mga damuhan.

Medyo natawa ako sa kanya. Yung reaction kasi ng mukha niya napakaseryoso.

Bigla ko na naman naalala si Kris. Ganito din kasi ang ginawa niya nung nag-away kami. Lumuhod siya harapan ko sa harap ng maraming tao at saka nag-labas ng placard na ang nakalagay ay PATAWARIN MO NA AKO SHAYNE, I LOVE YOU.

Sana hindi din ito alam ni Nicko. May tumulo na namang luha sa mga mata ko. Kahit na si Nicko ang kasama ko ngayon, si Kris pa din ang hinahanap-hanap ko at gusto kong makasama.

" Shayne? "

Bigla ako napatingala. Lalong sumeryoso ang mukha niya. Tinitigan na naman niya ako. Iniiwasan ko ulit ang mga titig niya pero ayaw ng mga mata ko. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

He wiped away my tears using his own fingers.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Bakit ba sa tuwing nagpapacute tong si Nicko ehsobra makatalbog tong puso ko!

After niyang punasan ang luha sa mga mata ko ay agad naman niyang inilapit ang mukha niya at ang labi niya ay itinapat sa aking tenga.

And he whispers,

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now