Chapter 10 - I'll be there

1K 27 15
                                    

" I'll be there "

- Daniel's POV –

Nagmadali akong bumaba ng hagdan. Hindi ko maexplain ang feeling ko that time. Sa scene na nangyari kanina.

Hindi kasi nag-iingat. Buti na lang nasa likuran niya ako. Hindi naman kami nahulog sa hagdan pero nag-kiss naman kami.

Hindi ko inaasahan na mangyayari iyon.

Aaminin ko, ang lambot ng lips niya. Sarap halikan.

>>     <<     >>

Ano ba itong iniisip ko? Masyado na yata akong obsessed sa lips niya.

Nang nakarating ako ng ground floor. Nagdecide akong pumunta sa library. Itutuon ko na lang sa pagbabasa ng The Little Prince ang attention ko at least mabawasan kahit konti ang temptation ko.

Umupo ako malapit sa mga libro na nakalagay sa shelf. Kinuha ko ang book sa bag ko. Pagkakuhang-pagkakuha ko sa book, may nalaglag na panyo. Kulay puti na may rose printed.

" Kay Shayne itong panyong ito. Sa pagkakaalam ko, eto yung hawak-hawak niya kanina. "

Argh! Naalala ko na naman siya. Ang mga pagkikita namin, unexpected incident at pati na rin ang sa nakaraan, awayan namin sa clan.

Tandang-tanda ko pa ang lahat ng nangyari. Hindi ko naman intensyon na pagtripan siya that time. Sadyang nagkataon lang na masyado ko napapansin ang mga GMs niya.

Hindi ko maexplain sa self ko kung bakit napakasaya ko kahit katext ko lang siya. Sa computer shop ko lang nalaman na siya si Shayne nang makita ko ang Profile Picture niya sa facebook.

* Flashback *

Palabas na sana ako noon sa computer shop. Nagkayayaan kasi kami ng mga kaklase ko nung highschool na maglaro ng dota. Nang napadaan ako sa isang computer, napansin ko naman na umiiyak yung girl na nag-rent ng computer.

Hindi ko naiwasan tignan ang nasa screen. Nasa homepage ito ng facebook.

" Shayne De Leon Fuentes ( Ms. Lonelygirl ) " Bulong ko sa sarili ko.

Shayne? Ms. Lonelygirl? Siya yung –

PINAGTITRIPAN KO DATI SA CLAN.

Lumapit ako ng bahagya sa kanya. Tinap ko ang likod niya. Parang sinabi ko na din sa kanya na " huwag kang umiyak! Be strong. "

Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon. Kusang gumalaw ang mga kamay ko para gawin iyon. Nagulat ako ng bigla siya tumayo. Ningitian ko siya.

Aaminin ko, nasasaktan ako sa ginawa ko sa kanya. Sana sapat na ang pangungulht ko para patawarin niya ako at nasasaktan ako sa nakikita ko. Umiiyak siya.

" Ahm. . Thanks for comforting me. " She tried her best to smile.

" Wala yun. Ayaw ko lang may girl na umiiyak nang dahil lang sa boyfriend. " I smiled her back.

Dumiretso na ako sa pintuan ng computer shop nang bigla akong napaisip. Bakit ako nagsalita? Nakilala tuloy ako. Argh!

* End of Flashback *

Huminga ako ng  malalim. Hinawakan ko ang chest ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Tama na muna na tarayan ko siya. Para at least, makatulong ako sa kanya. Hanggang ngayon kasi, ramdam na ramdam ko ang dinadala niyang pain.

After kong magbasa at mailagay ang libro sa bag ay nag-decide na akong lumabas ng library. Habang naglalakad ako sa pasilyo ng school ay napansin kong magkakasama ang tropa ni Shayne pero wala siya. Nagdecide akong lapitan sila.

" Di ba si Daniel yun? " Sigaw ni Grace habang tinuturo-turo pa ako.

" Oo nga no! Pero teka, bakit siya pumupunta dito? " Pasigaw na sabi ni Christine.

" Nakita niyo ba si Shayne? "

Bigla naman nanahimik itong mga to. Ano naman masama kung magtanong ako kung nasan si Shayne?

Parang mga sira kasi. Mga nag-action pa na shock kunwari.

" Nauna nang umuwe. Nagmamadali kanina eh. Teka, bakit mo ba siya hinahanap? May usapan ba kayong dalawa?" – Camille

" Ano naman usapan un? Wala may nakalimutan lang siya. " Sabay dukot ng panyo sa bulsa ng pantalon ko.

" O kay Shayne yan ah! Panu'ng napunta sa'yo yan?" - Peter

Paano ko nga ba sasabihin sa kanila?

" Ah. . Eh. . Nakaipit ito kanina sa librong binabasa ko. Ibabalik ko sana. " Yumuko ako pagkatapos kong sabihin yun.

" Alam mo, Daniel, mas maganda kung ikaw na mismo ang magbalik ng panyong yan. Im sure matutuwa yun. Kung maging kayo man ni Shayne, naku! Matutuwa kami talaga! " Sabi ni Kiara sabay hawak ng marahan sa braso ko.

Nagtanguan naman ang iba pa nilang katropa.

Meaning, boto sila sa akin kung maging kami man ni Shayne.  \(^o^)/

" Sige ah! Una na ako. "

" Ingat ka Daniel! Nice meeting you! " Pasigaw nilang sinabi sa akin.

Itinaas ko ang kaliwang kamay ko bilang sign nang pamamaalam ko sa kanila. Nagsimula ulit akong maglakad. Napag-isip isip ko, ngayong hindi pa din makamove on si Shayne, kailangan nandun ako lagi sa tabi niya. Para pasayahin siya at higit sa lahat. . .

HINDI NA AKO MAKAKAPAYAG NA UMIYAK MULI SI SHAYNE.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now