Chapter 31 - Always in a compromising position (August 30, 2018)

159K 2.6K 430
                                    

"No hija. It's okay... Everything will be okay..."

Miala knows that what Sonny said has another meaning. Mabuti na lang at hindi ito nagets ng nanay niya.

Deep inside, she's exerting all her efforts to keep calm at hindi lumabas sa mukha niya kahit isang maliit na twitch. Kung totoo man ang movie na Inside Out, nagkakagulo na ang lahat ng emotions niya sa loob. Baka nagpapatayan pa nga.

Lalo na when she felt Lenard walk towards his seat.

Ngayon lang siya sising-sisi na hindi niya pinansin si Lenard. Kung sinagot niya pala ang tawag nito. At kung tinignan niya man lang ito bago pumasok sa resto, baka sakaling nakapagprepare pa siya sa mga pangyayari.

And she still couldn't believe it. Para siyang nasa isang panaginip. Ang tagal niyang naghahanap ng plot twist sa buhay niya, and now that she is faced with it, parang gusto niyang isumpa ang sarili niya na nagwish nito. Paanong si tito Sonny ang bagong boyfriend ng nanay niya. Wala na bang ibang lalaki sa mundo?

And although she has nothing against Lenard's father, hindi niya kayang maatim na makasama si Lenard sa bahay. Hindi niya kayang tanggapin ang sitwasyon. But at the moment, for the sake of her mom, and for the sake of her secret—her past relationship with Lenard at lahat ng kakabit nitong pangyayari, she tried to remain silent.

"Um, this is my son, Lenard." Pakilala ni Sonny sa anak. "Anak, your tita Mindy."

"Hi tita."

And Mindy is pleased.

Gustong masuka ni Miala sa charade na nagaganap. She didn't know how Lenard can act this way.

"Oh. Hi Mia." Biglang bati ni Lenard sa kanya na ikinapanic niya ng todo.

"You two know each other?" Nagulat din ang nanay niya.

Parang umurong ang dila ni Mia. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Dapat na ba siyang magcome clean sa relationship nila dati? Sobrang natatakot siya!

"Yeah. We met at the wedding."

"Ha?" Hindi niya ine-expect ang sumunod na sinabi nito.

"Tom and Jane's wedding?" Mindy again volunteered to speak.

Tumango si Lenard.

"Ano ka ba, Miala, hindi mo ba siya nakita doon? Which side were you?"

"I came for the groom. Si Tom. Best friend kami."

"Yeah. Oo nga. Ikaw nga 'yung best man." Mia finally speaks. It's the first time that she's actually calm towards Lenard.

"I can't believe you guys have met before?!" Sobrang saya ni Mindy.

Nagkatinginan si Sonny at Lenard at napayuko na lang si Mia. She felt bad for her mom na siya lang ang hindi nakakaalam ng totoong sitwasyon. But nobody is brave enough to break the illusion.

"Don't you think it's fate?" Tanong ni Mindy kay Sonny. Talagang tuwang-tuwa ito sa pagaakalang unang pagkikita ni Miala at Lenard sa kasal ni Tom at Jane.

Halos wala silang imik sa pagkain. Nakayuko lang si Mia sa pinggan niya at kahit pinipilit niya na talaga, she can only eat as much. Hindi niya talaga masikmurang makaharap si Lenard and the future possibilities na makakasama niya ito.

All the while, si Mindy at Sonny lang ang pinakanagsasalita. She can actually feel her mom's nudge na parang ineencourage siya to butt in the conversation. Pero wala na talaga siyang gana. She is even finding it hard to have the will to live. Ganoon na kasama ang pakiramdam niya.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon