CHAPTER 75.

3.6K 107 18
                                    

"pasensya ka na ha?..." sabi ni Shine sa binata. bahagyang humigop pa ang babae sa baso ng kapeng hawak hawak nito "...nasira yung plano nating breakfast. si Pot kasi, ang hirap gisingin e"

"okay lang yun" nakangiting tugon ng binata "...okay naman tong kape na tinimpla mo e. para ngang Starbucks e"

"kaya pala nainlove sayo yung kapatid ko e...bolero ka e!!!!"

"hindi a..." kontra ni Gerald "....masarap talaga. swear" itinaas pa ng binata ang kaliwang kamay na agad din nitong pinalitan ng kanang kamay "...kanan pala dapat"

"o tignan mo na. sabi na e, nambobola ka lang e"

ngumiti ang binata "masarap talaga siya. totoo" sabay higop nito ng baso ng kapeng hawak hawak. ang babae naman ay nanatili lang na pinapanood siya 

ng mailapag ni Gerald sa lamesa ang basong hawak, muling nagsalita ang dalaga 

"minahal mo ba siya?"

"ha?"

"minahal mo ba siya?"

napakunot naman ang noo ng binata. tila hindi nito makuha kung anu ba ang ibig ipakiwari ng kausap 

"si Maja...minahal mo ba siya?"

sandaling hindi nakaimik ang binata

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon