CHAPTER 24.

5.5K 70 14
                                    

nakaka-tatlong araw na sila sa Sagada. may ilan ilan na rin silang natatapos na eksena sa lugar na ito. magaan naman sa set, puno ng pagkain, puno ng kwetuhan, puno ng tawanan... talagang wala silang mairereklamo. lahat ay talagang nagiging malapit na sa isa't isa. miski silang dalawa mismo

ngayon ay ang ika-apat na araw nila sa Sagada. 

ala-sais na ng gabi at katatapos lang nila sa pagkuha ng eksena para sa araw na ito. tulong tulong nilang iniligpit ang kanilang mga gamit. ng matapos, halos lahat sila ay pwumesto sa may likod ng lodge at salu-salung nagkape habang nagkwekwentuhan

bida nanaman si Kuya Imbo sa kanilang kwetuhan at tawanan

"yung asawa ko nga panay ang----------------ano yun?" naputol ang kwento ni Kuya Imbo ng makarinig ito ng isang malakas na gong

tumunog nanaman ng pagkalakas ang gong

"ay...anu po yan gong" singit ng dalagang waitrees "tradisyon po yan dito sa amin. ibig sabihin po niyan may kinakasal" sabi nito habang inilalapag ang mga biscuit na inorder nila "kapag narinig niyo po yan, ibig sabihin po kumbidado kayo"

"so pwede kaming pumunta?" tanong ni Direk Cathy

"lahat po pwedeng pumunta. mamaya nga po pupunta kami ng Mamang ko"

"pwede ba kaming sumama?" tanong muli ni Direk Cathy

~~o~~o~~

hindi rin naman kalayuan mula sa lodge ang pinagdausan ng kasal. isa isa silang sinalubong ng mga tao doon. pinainom pa sila ng tuba bago umupo; tradisyon nila ito sa kasal. pabilog silang umupo sa kung saan silang itinuron lamesa 

"kung kayo talaga...kayo talaga no" sabi ni Kuya Imbo habang nakatingin sa lamesa kung saan nakapwesto ang kinasal

"oo nga" pag-sangayon ni Direk Cathy na nakatingin rin sa kung nasaan nakatingin si Kuya Imbo

halos lahat sila ay iisa ang tinitignan

"bakit ngayon lang sila ikinasal?" tanong ni Kuya Ipe, isa sa kanilang mga crew, kay Nana, ang waitress sa lodge na nagsama sa kanilang lahat sa kung nasaan man sila

"dati po talaga silang magkasintahan, kaya lang ipinagkasundo si Lolo sa iba. kaya nung namatay yung asawa niya, binalikan niya si Lola. tapos pinakasalan niya" 

"true love nga naman" nasabi niya. napatingin naman lahat ng kasama niya sa kanya "bakit?" nakangiti niyang tanong sa mga kasamang nakakaloko ang ngiti sa kanya

"sinong bang true love mo Sars?" nakakalokong tanong ni Kuya Imbo sa kanya

"ako? a---anu---ewan ko. hi--hindi ko alam. hindi ko kilala" nauutal niyang tugon

"hindi mo kilala. o ayaw mong makilala?!!" hirit naman ni Kuya Sid, isa rin sa mga crew

"para kayong--" natatawa siya sa pangaasar sa kanya ng mga kasama "ewan ko sa inyo"

"sino nga Sars?" hirit naman ni Ate Helen, isa naman sa ma staff

"anu ba....para kayong..." panay pa rin ang hagikhik niya "ang ibig ko lang naman sabihin, iba talaga yung true love. yung kahit na harangan kayo ng sibat, hadlangan kayo ng pader, paghiwalayin kayo ng tadhana...yun bang...anu...anu.."

"anu?" tanong ni Direk Cathy

"nasa dulo ng dila ko e..yung bang...."

"....andun pa rin yung nararamdaman ninyo" pagtutuloy ni Gerald. napatingin naman siya sa tabi kung saan nakapwesto ang binata "oo" sagot niya

"..maaring nabawasan, pero hindi tuluyang nag-laho" dagdag pa ng binata, sabay tingin sa kanya at ngumiti. siya rin ay napangiti habang nakatitig mata sa mata sa binata

lihim sa kanilang dalawa, pati ang mga kasama nila na nakatingin sa kanilang dalawa ay nakangiti rin sa nakikita sa kanila

-----------------

sorry talaga kung walang update for sooooooo long!!

at sori rin kung ganito pa lang yung update!! 

pinilit ko lang yan...para naman kahit papanu may bagong chap

pero tom, mag-uupdate ulit ako!!

comments/votes

HAPPY SATURDAYS GUYS!!

#522

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon