CHAPTER 79.

4.2K 150 72
                                    

"Ate?" tawag niya sa kapatid ng makalabas siya ng kwartong tinulugan

"Ate?"

"Ate?"

"Ate Shine?" usal niyang muli habang papunta siya sa may sala

"o?" biglang litaw ng kapatid mula sa kusina. nakasuot pa ito ng apron at may hawak hawak na spatula sa kamay 

"anung ginagawa mo?" tanong niya sa kapatid ng makita ito

"nag-babake ako ng cookies"

bigla namang sumungaw ang isang ngiti sa kanyang labi sa narinig "ay talaga?" nakangiti niyang tanong "penge ako" usal niya sabay lakad papunta sa kusina upang tignan ang mga nagawa na ng kapatid

"hindi pwede" usal nito sa kanya 

"bakit hindi?" tanong niya 

"may pagbibigyan ako niyan"

"sino?" usisa niya 

"basta. dun ka na nga muna" taboy sa kanya ni Shine "...iniistorbo mo ko e"

"kahit isa lang, hindi pwede?" tanong niyang muli

"hindi!!" madiin na sagot nito sa kanya 

"ang damot mo talaga pag-dating sakin no"

"dun ka na"

"teka lang sandali...." awat niya sa kapatid habang pinagtutulakan siya nito palabas ng kusina 

"anu?"

"anu yung box na nakapatong dun sa kama?" tanong niya "...kanino yun?"

hindi naman sinagot ng kapatid ang naging tanong niya. nilagpasan lang siya nito at nagtuloy ito papuntang sala. siya naman ay sumunod lang sa kung saan ito pumunta. nakita niyang may kinuha na isang maliit na parisukat na papel ang kapatid mula sa pagkakasingit nito sa isang pahina ng magazine

"o..." at iniabot ng kapatid sa kanya ang maliit na papel. agad naman niya itong kinuha mula dito

ONE SEAT IS NOW RESERVE FOR YOU

Laperouse

51 Quai des Grands Augustins

basa niya sa nakasulat sa papel "anu to?" tanong niya sa kapatid

nagkibit balikat naman ang kapatid niya "ewan ko"

"Laperose" basa niyang muli

"Laperouse...." pangongorek naman ng kapatid sa kanyang pagkakabasa "...maganda yang restaurant na yan. very romantic yung athmosphere....actually mahal nga diyan e"

"panu mo naman nalaman?" nakataas ang kilay na tanong niya sa kapatid

"hello??!!! ilang taon na ba ko dito sa Paris" sagot nito sa kanya "...o sya babalikan ko na yung ginagawa ko dun sa kusina" paalam nito sa kanya

muli niyang binigyan ng tingin ang papel na hawak hawak at saka pumasok muli sa kwartong kanina'y pinanggalingan niya

umupo siya sa may paanang bahagi ng kama at sandaling tinignan ang isang napakalaking box na nakapatong duon. huminga siya ng malalim at saka binuksan ang kahon upang malaman kung anung nilalaman nito

naiwan siyang nakanganga ng makita niyang isang simple ngunit napakagandang long gown na kulay asul ang nilalaman nito sa loob at sa ibabaw nito ay may nakapatong na isang hugis parisukat na  papel, mas malaki nga lang kumpara sa kaninang hawak hawak niya 

we never really had a date, did we?

as in date...

wear this tonight

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon