CHAPTER 31.

6K 68 18
                                    

"what the!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw niya ng may animong katawan na basta basta na lang tumalon at dumagan sa kanya habang siya ay mahimbing pang natutulog

nakakunot noo siyang dumilat...sumungaw sa kanya ang nakakaloko't nangaasar na tawa ng kanyang bestfriend 

sa sobrang pagkairita, binato niya ng unan si Fred na hindi pa rin tumitigil sa pag-tawa. umiwas man, ay nasapul pa rin si Fred ng unang binato niya 

"anung ginagawa mo dito, Kumag ka?!!!!" 

"anung oras ka umuwi?" tanong ni Fred sa kanya

"san kayo pumunta?" sunod sunod na tanong ng kaibigan sa kanya 

"wala ka na dun!!!" sagot niya. tinakpan niya ng unan ang mukha 

umupo si Fred sa may paanan ng kamang hinihigaan niya "Bro, binitawan mo na siya. wag mo na siyang pakapitin pa sayo, kung hindi mo rin naman siya hahawakan, dahil may nakakapit na sa mga kamay mo"

napabalikwas naman siya sa pagkakahiga. kunot noo niyang hinarap ang bestfriend "ano?.....ano ba yang sinasabi mo?!!" singhal niya kay Fred

"alam mo kung anung sinasabi ko" tanging nasabi na lang ni Fred sa kanya  

"bumangon ka na diyan. gising na silang lahat, ikaw na lang ang bukod tanging nakahilata pa sa kama. mahiya ka naman!!!!" sabi pang muli ni Fred sa kanya

tila lutang siyang naiwan sa kwarto. iniisip kung anu ba talaga ang ibig ipunto ni Fred sa mga sinabi

~~o~~o~~

Busy day para sa kanila ang araw na ito. last two days na kasi nila sa Baguio at sa susunod na araw nga, ay babalik na silang lahat pa-Maynila

isang buong araw ang inilaan nila para matapos na nila ang kanilang huling eksena sa Baguio. ng sumigaw na nga si Direk Cathy ng "pack up na!!!" animoy parang mga bata silang nagsitalunan..lahat, ay kapwa masasaya na matagumpay nilang natapos ang mga kailangang kuhaan na eksena sa Baguio 

kinagibahan. nagpasya silang lahat na mag-celebrate ng kanilang hardship. well, they really deserve it. they put so much effort in making the movie even better

nirentahan nila ang buong second floor ng Mila's Restaurant. they ordered a tons of barbeque, which is by the way, the best seller of this well known restaurant in Baguio. of course, mawawala ba naman ang beer, kanin, sisig, at iba pang putahe

kain, kwentuhan, tawanan...yan ang first part ng celebration nila

kalagitnaan na ng gabi ng simulan nilang pansinin ang videokemachine na nirentahan nila. and due to public demand, si Kuya Imbo nga ang unang nagpasada sa kantahan

panay ang kantsyaw nila sa kung sino man ang kumakanta. panay ang lait pero alam naman nilang lahat na biro lang ang mga laitan na ito

"o yung kanta ko na ba?" tanong ni Imbo sa ibang kasama "oy Imbo, mag-paawat ka naman, kanina pang boses mo na lang naririnig ko" kantsyaw ni Direk Cathy, natawa naman ang iba nilang kasama. pinagbigyan na nga muna ni Imbo ang ibang kasama na makahawak ng mikropono

siya naman ay tahimik lang na nakaupo sa tabihan ni Gerald. abala siya sa paglalaro ng Candy Crush sa ipad ng binata. si Gerald naman ay nakikipagkwentuhan kay Kuya Imbo, kung anu anu lang ang pinagkwewkentuhan ng dalawa

"paupo, next na yung kanta ko e" sabi ni Ana sa kanya. tumingin siya sandali dito at muling ibinalik ang atensyon sa nilalaro. umupo na nga ito sa tabihan niya habang hinihintay na matapos si Nhila sa kinakanta nito 

sinilip ni Ana ang ipad na hawak niya upang tignan kung anung nilalaro niya "kumanta ka kaya, hindi yang ipad ka lang ng ipad niya"

tinignan niya lang sandali si Ana at ibinalik din ang paningin sa ipad "huy sige na...kanta ka na...dali" 

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon