CHAPTER 42.

5.2K 80 18
                                    

"uy?" bati ni Fred sa kanya sabay upo sa upuang nasa kanan niya "bat bigla kang nawala nung Linggo?" tanong nito sa kanya "hinanap kita, umuwi ka na daw e" dagdag pa nito

lahat naman ng mga kasama niya sa lamesa ay napatingin sa kanya

halos buong maghapon na silang nagshoshoot ng eksena, kaya naman nagpasya silang magbreak time muna. sa isang mahabang lamesa, sabay sabay sila nila Direk Cathy at ibang mga staff na kumakain ng pandesal at kape

kumagat siya ng kapiraso sa pandesal na hawak "sumama bigla yung pakiramdam ko e" pagrarason niya, sabay kagat muli sa pandesal 

"pumunta ka pala?" napaangat ang kanyang ulo ng marinig niya ang boses ni Imbo. "Kuya?" bati niya rito "kain?" aya pa niya. hinila ni Imbo ang upuang nasa kaliwa niya at ito'y inupuan 

"pumunta yan" pagsisingit ni Direk Cathy. "pumunta pa nga yan sa table natin e" dagdag na tugon pa nito

bumaling naman muli si Imbo sa kanya "o bat di ka nagpakita samin?"

"e nagsasayawan kayo dun sa gitna e"

"kami sumasayaw lang. si Jess nagwawala na sa gitna e" natatawang pangaasar ni Imbo. kumurot naman ng kapiraso si Jess, sa pandesal na hawak at ibinato ito kay Imbo. nagtawanan tuloy ang kanilang mga kasama 

"pero bigla ka nga ring nawala dun sa table e. sumi-R lang ako saglit, pagbalik ko wala ka na dun" sabi ni Direk Cathy sa kanya 

"pasensya na talaga Direk! medyo nahilo ako e. nasobrahan ata ako sa wine" pagrarason niyang muli

"sayang tuloy!!!" komento ni Jess "hindi mo nakilala yung boyfriend ni Ate Ana" dagdag pa nito. napakunot naman ang noo ni Cathy "boyfriend? andun ba?"

"oo Direk. yung kasama nilang dumating" sagot ni Jess habang nakababad ang kanyang pandesal na hawak sa baso ng kape 

"hindi ba date ni Sarah yun?" tanong ni Direk Cathy

"date?!!! bat naman magdadala ng date si Sarah. e di pinagpyestahan lang siya ng mga press na naduon" 

"akala ko talaga, kasama ni Sarah yun"

"kasama nila. pero boyfriend ni Ate Ana yun" paglilinaw ni Jess "gwapo no!" komento pa nito sabay subo ng pandesal

siya naman ay tahimik lang na inuubos ang kanyang pandesal. pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil sa nalaman

ngunit bakit nga ba naging mabigat sa kanyang puso ng makita niya si Sarah sa kamay ng ibang lalaki?

bakit naging mahirap sa kanyang damdamin na makita itong ngiting ngiti habang katitigan ang ibang lalaki?

bakit kahit na sabihin niyang masaya siyang makitang masaya ang dalaga nung gabi yun, bakit iba ang nararamdaman niya sa pinakaibuturan ng kanyang pagkatao?

bakit taliwas ang utak niya sa puso niya?

bakit hindi magkatugma ang dinidikta ng isipan niya at ng nadarama ng kanyang kalooban

alam niyang may mali sa kanyang nararamdaman...

hindi siya dapat napapaisip 

hindi siya dapat naapektuhan

hindi siya dapat nasasaktan 

pero bakit ganun?

hindi niya maiwasang hindi maramdaman 

ang mga bagay na hindi nga dapat niyang...nararamdaman

~~o~~o~~

"Cut!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

sigaw ni Direk Cathy sa kanilang dalawa. napatigil naman silang dalawang bigla sa pagpapalitan nila ng diyalogo. pang-ilang take na nila ito ngunit nakukulangan pa rin ang si Direk Cathy sa kanilang rapport. halata nito ang matinfing ilangan na namamagitan sa dalawa. hindi naman niya maintindihan kung bakit bigla na lamang naging ilag ang dalawa sa isa't isa. lalo na si Sarah 

lumapit ang kanilang direktor sa kinatatayuan nilang dalawa "okay lang ba kayo ha?" tanong nito sa kanilang dalawa "may problema ba? ha Sarah?" sabay baling nito sa kanya. umiling naman siya bilang tugon. tumingin siya sandali kay Gerald ngunit bigla rin siyang umiwas ng tingin sa binata ng makita niyang nakatingin ito sa kanya

"siguro mas maganda kung magbreak muna tayo sandali" sabi nito sa kanila "mag-usap muna kayong dalawa" bilin pa nito sa kanila

"guys!! everyone!!..." tawag ni Direk Cathy sa ibang mga kasama "break muna tayo!" sabi nito sabay lapit sa mga kasama

"break ulit?" komento ng isang staff. Direk Cathy gave them a look of just-do-what-I-say

nagets naman ng lahat ang ibig sabihin ng direktor. kapwa ang lahat nga ay nag-evacuate sa kani kanilang mga ginagawa at isa isang nagsipuntahan sa tinatawag nilang eating tent. silang dalawa ay naiwan pa rin sa kanilang kinatatayuan habang pinapanuod ang mga kasama

sandaling napalingon siya sa binatang nasa kanyang harapan. ng lingunin siya nito ay agad naman niyang iniwas ang mata. akmang lalayasan na niya nito ng banggitin nito ang kanyang pangalan "Sarah?"

wala siyang choice kundi lingunin ang binata "hmm?"

dahan dahan itong lumakad papalapit sa kanya, habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa batok "may problema ba tayo?" tanong sa kanya ng binata 

"ha?" takang tanong niya  

"may problema ba tayo?" tanong muli nito sa kanya "...kasi nung huli tayong magkasama, okay naman tayo diba?" dagdag pa ng binata 

pilit na nagpakita siya ng ngiti "anu ba yang mga sinasabi mo?" sabi niya sa binata, tinapik pa niya ang ilalim ng baba nito 

"wala tayong problema" pagkukumbinsi niya sa binata

pati na rin sa sarili 

~~o~~o~~

hawak niya sa kanang kamay ang bowl ng popcorn habang sa kabila naman ay isang bote ng apple juice habang ang kanyang cellphone ay nakaipit sa pagitan ng kanyang balikat at tenga

"hindi pa ba tapos yang shoot niyo?" tanong niya sa kausap. maingat siyang umupo sa isang malaking upuan sa entertaiment room ng kanilang bahay 

hindi pa e. pero malapit na ata. ilang takes na lang siguro sagot naman ng kanyang kausap sa cellphone

maingat niyang inilapag ang mga hawak sa katabing upuan "kumain ka na?"

hindi pa

"o bat hindi ka pa kumakain?! diba sabi ko naman sayo wag kang nagpapalipas ng gutom. masama yun!!!" 

A Bie, tinatawag na ko ni Direk, sige na

"A..sige. basta magtext ka pagpauwi ka na ha?"

okay

"ingat ka sa paguwi mo ha?" dagdag na bilin pa niya "saka Bie...."

"I love You......" sabi niya mula sa cellphone. isang segundo rin namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa

sige na Bie...bye

ang sunod na niyang narinig ang ang dial tone ng kanyang cellphone. nanghihina niyang inilayo ang hawak hawak na cellphone mula sa kanang tenga. napalunok siya sa lalamunan at tumingin sa itaas, habang ang mga mata ay unti unti ng namamasa

----------

pasensya na talaga guys, kung bitin ako kung mag-update 

pero ang sarap din kasi sa feeling kapag nabibitin kayo XD

at ang sama ko dun!!!

pero sana kahit bitin, kahit papanu like niyo yung chap na to

assual...comments/votes MAS MARAMI...ALAM NIYO NA!!

happy sunday though its a rainy one

goodnight!!

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon