CHAPTER 18.

5.6K 66 35
                                    

"Bie?" isang boses ng babaeng pumukaw sa kanyang atensyon. napalingon siya sa kanan at nakita nga niya ang kasintahan na nakaupo sa may pool side nila

napangiti siya ng pagkalapad "hey??" lumapit siya sa kinaroonan ng kasintahan at dinampian ito ng halik sa labi "why are you here?"

"bakit? hindi mo ba ko gusto dito?" kunwaring nagtatampong tanong sa kanya ni Maja

natawa naman siya ng bahagya "you know that's not true" 

natawa rin naman ng bahagya si Maja. tumayo ito sa kinauupuan at yumakap sa kanya "i miss you yesterday"

"ows?"

"uh-uhm" malambing na sagot ng kasintahan. kumalas na ito sa pagkakayakap sa kanya. bumalik ito sa kinauupuan nito kanina. umupo na rin naman siya sa katabing upuan nito "so how was the party?"

"okay lang. saka hindi party yun, kainan lang"

napatango tango lang si Maja "don't you have work?" tanong niya sa kasintahan

"mamaya pa. may mallshow kami sa Trinoma. ikaw?"

umiling siya "wala. gusto mo sunduin kita sa mall show mo mamaya? para naman makabawi ako kahapon"

"okay lang ba sayo?"

"ofcourse"

napangiti ng pagkatamis si Maja "okay"

tinawag niya sandali ang kanilang kasambahay. pinakiusapan niya ito na hainan na lang siya ng almusal sa may pool side nila. ilang sandali pa ay dinala na ni Manang ang mga pagkain sa kung nasaan sila at inaayos iyon sa lamesa

pinagsasandok niya ng kanin ang kasintahan "Bie, not to much" reklamo ni Maja. napakarami kasi ng kaning inilalagay niya sa pinggan nito

"bakit ba kayong mga babae, napakahina niyong kumain?"

"excuse me. don't generalize it. mahina lang talaga ko kumain!" depensa ni Maja sa kanyang sinabi "nga pala, kamusta yung meeting niyo?"

"well...." panimula niya. kumagat muna siya sa hotdog na nakatusok sa kanyang tinidor "...pinag-usapan yung movie"

napakunot noo naman si Maja

"pupunta daw kami sa Sagada"

"Sagada?"

"uh-uhm" kumagat siyang muli sa hotdog na nasa kanyang tinidor "dun daw kasi kukuhaan yung kasal"

"sinong ikakasal?" napakagat labi si Maja "kayo ba ni Sa--Sarah?"

natawa siya ng bahagya "no. yung common friend namin sa movie"

"A..." ang tanging nasabi ni Maja "gano naman kayo katagal sa Sagada?"

"2 weeks. more or less"

sumubo naman siya ng isang tumpok ng kanin "after pa nga nun, dederetcho kami ng Baguio" dagdag pa niya 

tumango tango lang si Maja "kailan kayo pupunta dun?"

"next week"

tumango tango lang ulit si Maja "well atleast...okay din yun diba? pareho tayong busy habang--habang magka--magkahiwalay tayo. atleast hindi natin masyadong mamimiss yung isa't isa" nakangiti sabi nito

ibinaba naman niya ang kurbyertos na hawak hawak. inabot niya ang kamay ng kasintahan at hinawakan ito pareho "busy man o hindi, mamiss pa rin kita" malambing niyang sabi. dinampian pa niya ang kamay ng nobya ng halik 

napangiti naman si Maja sa kanyang ginawa 

~~o~~o~~

pumasok silang dalawa sa loob ng bahay dala dala ang kanilang mga kinainan, pagkatapos nilang mag-almusal sa may pool side. sila na rin mismo ang naghugas at nagligpit ng kanilang mga ginamit

pagkatapos makapag-ayos, dumerectho sila sa may entertaiment room. sinalang ni Gerald ang napili niyang pelikula na panonoorin nila

ng maiayos na ni Gerald ang kanilang panonoorin, lumapit na ito sa kung nasaan siya nakaupo. humiga ito na ang ulo ay nakapatong sa kanyang mga hita

tahimik lang silang dalawa habang nanunood. bigla bigla namang pumasok ang ina ni Gerald na si Mommy Vangie sa kung nasaan sila 

"Rj?! Rj?!" tuloy tuloy na pasok nito. wala itong kamalay malay na naroon siya "ay Maja!!andito ka pala!!!!"

tumayo naman si Gerald at ganun din naman siya "hello po Tita" bati niya. lumapit siya rito at humalik sa pisngi nito "o Ma? bakit?" tanong naman  ng binata sa ina

"aalis kasi ako. hihiramin ko sana si Budoy" ang tinutukoy nito ay ang van niyang itim na hindi na niya nagagamit

"san kayo pupunta?"

"sa Bulacan. birthday kasi ng kumare ko na nakatira doon. inaya ako at may hinanda daw siya" sagot ni Mommy Vangi

"kararating niyo lang galing GenSan aalis nanaman kayo?" nakakunot noong tanong ng binata sa ina "sige na naman. paminsan minsan nga lang ako umalis e" katwiran naman ni Mommy Vangie. napangiti naman siya sa kakulitan nito

"o sige. pasama kayo kay Ken"

"ay nako!! wag na!! ako na lang. kasama ko naman yung driver natin"

napabungtong hininga naman si Gerald. anu nga naman ba ang labang ng binata sa kakulitan ng ina? 

"o sige na" lumapit si Gerald sa ina at hinalikan ito sa noo "ingat kayo ha? saka wag kayong magpapagabi"

"anu bang tingin mo sakin ha? minor de edad at binibigyan mo ko ng curfew?!" nakapamewang na sabi ni Mommy Vangie sa anak. natatawa tawa naman siya sa gilid habang pinapanood niya ang mag-inang magbanter

hinalikan muli ni Gerald sa noo ang ina "sige na alis na kayo" papalabas na sana ng pinto si Momm Vangie ng tawagin muli ito ng binata "Ma?"

"o?"

"Bulacan kayo pupunta diba?"

"o bakit?"

"bili niyo nga ko ng chicharon dun. masarap daw yung chicharon dun e" 

"chicharon?"

"uh-uhm" tango pa ng binata

"kumakain ka ba nun?"

"basta bili niyo na lang ako" sagot ng binata "bili niyo ko mga.....dalawang box"

"bat ang dami?"

"basta bili niyo na lang ako ha?!!" lumapit muli ang binata sa ina "ingat kayo dun" at muling dinampian ng halik ang ina sa noo

siya naman biglang napaisip. bakit nga naman gustong magpabili ng binata ng chicharon? parang never naman niya itong nakitang kumain ng pagkain na iyon

umupo na muli ang binata sa tabihan niya "o san na yung pinapanood natin?" 

"kumakain ka pala ng chicharon?"

tumingin ang binata sa kanya. nginitian siya nito ngunit hindi naman siya sinagot

-------------

GUSTO KO LANG I-CLARIFY NA HINDI PO AKO MAJARALD...KAILANGAN LANG TALAGA SIYA SA STORY!! KAYA TIIS TIIS NA LANG...PLEASE!!

comments/votes is a must...hahaha!!!

HAPPY WEDNESDAY..

#522

JUST ONCEWhere stories live. Discover now