CHAPTER 73.

4.1K 140 35
                                    

"okay ka lang?" 

narinig niyang tanong ng dalaga sa kanya habang hinihimas himas nito ang kanyang likod. siya naman, ay panay pa rin ang ubo dala ng kanyang matinding pagkakasamid

ng makita niya kasi ang dalaga, ay bigla niyang naibuga ang kinakain at may ilang tinapay na bumara sa kanyang lalamunan...dala marahil ng kanyang pagkakabigla sa presensya ni Sarah 

"okay ka ba?" tanong muli ng dalaga sa kanya na tila nag-aalala na para sa kanya "teka nga, sandali..."  lumayo sandali si Sarah mula sa kanya upang bilhan siyang ng tubig na binebenta ng isang tinderong palakad lakad sa harapan nila. ng makabili na ang dalaga, ay dali dali nitong iniabot ang tubig sa kanya 

"okay ka na ba?" tanong ni Sarah ng matapos siyang makainom mula sa bote. tumango naman siya bilang tugon

tumayo siya mula sa pag-kakaupo at hinarap ang dalaga. hinawak hawakan niya ang kamay nito, pataas hanggang braso. napakunot naman ang noo ni Sarah sa kanyang ginagawa "huy?"

ang sunod naman niyang hinawakan ay ang magkabilang pisngi ng dalaga. iniharap niya ito sa kanan papuntang kaliwa

"anung ginagawa mo?" naguguluhang tanong ni Sarah sa kanya 

"Sarah?"

"ha?"

"si Sarah ka ba talaga?" tanong niya na parang maiiyak na

"ha?" nakakunot noong usal ng dalaga "...anu bang nangyayari sayo?" dagdag pa nito

ngumiti siya kasabay ng pamamasa ng kanyang mga mata "nakita na rin kita"

unti unting naglaho ang kakunutan sa noo ng dalaga dahil sa kanyang sinabi 

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon