CHAPTER 9.

6K 66 29
                                    

"goodmorning po" bati niya sa ina ng makita niya ito sa may kitchen sink nila at hinuhugasan ang isang whole chicken na uulamin nila mamaya. 

humalik pa siya sa ina "o, gising ka na pala"

"si Daddy po?"

"may binili lang sa labas"

"A! e si Gab po?"

"pumasok na"

"pumasok? e Sabado ngayon a"

"oo. may training siya ngayon ng Badminton sa school nila"

binuksan niya ang katabing ref at kumuha ng orange juice "may pancake pa diyang natira. sayo yan" sabi ng ina sa kanya

binuksan naman niya ang platong tinutukoy ng ina habang hawak hawak sa kanang kamay ang baso ng orange juice 

"kamusta pala yung story con niyo kahapon?"

"ayos naman po" tugon niya sabay hila ng stool bar. pwumesto siya sa harapan ng ina

"desedido ka na ba talaga diyan sa desisyon mo?"

"alin po?" tanong niya sabay subo sa isang hiwak ng pancake na basang basa ng syrup

"pinag-isipan mo bang mabuti yang desisyon mo?"

"alin po ba?" tanong niyang muli 

"yung pelikula mo"

"My!! aatras pa ba ko e mag-sisimula na kami next week"

"bakit kasi tinanggap tanggap mo pa yang project na yan?"

"wala naman po akong nakikitang masama para hindi tanggapin yung project. maganda naman po yung story, tapos si Direk Cathy pa yung direktor. pati yung character ko maganda rin, gusto ko kasi naiiba siya sa mga nagawa ko. saka diba, dapat last year pa naman po talaga tong movie na to' ako lang naman po talaga yung nagpadelay e"

napabuntong hininga naman ang kanyang ina. hindi talaga ito sang ayon sa muli nilang pagtatambal ni Gerald, lalo pa't si Gerald nga ang makakasama niya

nakita naman niya ang pag-aalalang nararamdaman ng ina para sa kanya. binitawan niya ang kutsarang hawak hawak. bumababa siya sa kinauupuan at pumunta sa likod ng ina. niyakap niya ito patalikod

"My, okay lang po ako. kung anuman po yung nangyari noon, tapos na po yun. wag na po nating balikan"

"iniisip lang kita"

"kaya nga po. wag niyo na po akong alalanhanin. okay po ako"

"kasi naman yang puso mo, napakababaw--" napapiglat naman siya sa sinabi ng ina "huh?"

"---konting patawa lang, napakabilis mapatibok, napakabilis mahulog" binitawan naman siya ng ina at tinignan mata sa mata "anak, sinasabi ko sayo may nobya na yun baka naman---"

she place one finger in her mother's lips "alam ko po yun. tanggap ko na po yun"

"yung ngayon po, trabaho na lang po talaga to" dagdag pa niya

hinagod naman ng ina niya ang kanyang buhok "ayoko lang kasi na masaktan ka, masaktan kang ulit"

"My, anu ba yang mga sinasabi niyo?"

"kasi naman---"

"---hephephep" saway niya sa ina "pahug na lang ako" at yumakap siya ng mahigpit sa bewang ng ina "tighter" natatawa niya pang asal

~~o~~o~~

"Maj?!!!!!!!!!!!!!!"

napahawak naman siya sa dibdib sa gulat dahil sa biglaang pagsulot ng pinsan niya na si Peach

"anu ba bakla?" saway niya dito ng may kasamang hampas

"aray a" sabay himas ng kanyang pinsan sa braso nitong hinampas niya "nanggugulat ka kasi e"

"anung nangguglat? tinawag ko lang yung pangalan mo?"

bahagya naman siyang natawa sa expresyon ng mukha ni Peach "anu ba kasi yun?

"nabasa mo na ba to?"

"anu ba yan?" tanong niya. ipinakita naman sa kanya ng pinsan ang dyaryong dala nito

DATING NALINK SA ISA'T ISA NA SI SARAH GERONIMO AT GERALD ANDERSON, MULING MAGTATAMBAL SA PELIKULA

tumingin naman siya sa kanyang pinsan na nakatingin din sa kanya. para bang naghahanap ito ng explanation mula sa kanya, base sa facial expression nito

"totoo ba to?"

"u-uhm"

"alam mo to?"

"oo"

"siya mismo nagsabi sayo?"

"oo"

"tinanong ka rin ba niya tunkol dito?"

"panung tanong?"

"kung okay lang sayo na maka--"

"--hindi niya kailangang gawin yun" tugon niya sabay talikod sa pinsan. umupo siya sa isang upuan na nakapwesto malapit sa bintana

"kailangan!!!!! kasi girlfriend ka niya"

hindi naman na siya umimik. humugot na lang siya ng isang magazine sa ilalim ng kanyang study table

"pumayag ka?"

"bakit naman hindi?"

"Maj naman!!!!!!" bumuntong hininga muna si Peach "alam mo naman na dating sila diba?"

"Peach, walang sila. walang nangyaring sila"

"pero Maj, ganun na rin yun. naging sila man o hindi, alam mo naman kung anung namagitan sa kanila---"

"---alam ko"

"hindi ka ba natatakot?"

"saan?"

"sa kung anung pwedeng mangyari habang ginagawa nila yung pelikula"

"anu ba yang mga sinasabi mo bakla?"

"Maj, hindi sa nagpapakanega ako o naprapraning ako. hindi naman basta basta lang yung nangyari sa kanilang dalawa diba? hindi naman parang nag-promote sila ng pelikula then wala na. diba naglevel up from friends to you know...saka hindi naman parang long time ago na yun. ilang buwan pa lang ba ang nakakalipas--"

napakunot noo naman siya

"---panu kung, panu kung mahulog muli yung isa sa kanila?"

panu nga ba? 

panu nga bang gagawin niya kapag nangyari yun?

panu kung mahulog muli si Sarah?

panu kung si Gerald?

"alam mo tatawag na ko ng Doktor" sabi niya sabay dukot ng cellphone mula sa bulsa "emergency na to, nasisiraan ka na ng bait" biro niya

"Maj...seryoso ako" hinawakan naman siya ng pinsan sa magkabilang braso "anung gagawin mo kapag nangyari yun?"

parang biglang naging blanko yung utak niya. wala siyang mahanap na sagot. yung dila niya parang biglang umurong at hindi siya makapagsalita. hindi niya alam kung anung isasagot sa naging tanong ni Peach

siya naman ngayon ang humawak sa magkabilang braso ni Peach "bakla, hindi mangyayari yun. pareho na silang okay, pareho na silang masaya sa--sa kani kanilang buhay. iwasan na lang natin na mag-isip ng kung anu anu, okay?"

"saka isa pa.....mahal ako ni Gerald. sure ako dun" determinado niyang tugon

"sure ako dun" ulit niya pa

------------------

promise next na yung first shooting day nila...

commenst/votes

Happy Tuesday...

#522

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon