CHAPTER 69.

4K 129 30
                                    

"are you sure, Sir?"

tumango muli ang lalaking pinagtanguan niya

"thank you.." usal niya na lang sa lalaki

mag-iisang linggo na siyang sa Paris ngunit hindi pa rin niya matagpuan ang kinaroonan nila Sarah. gustuhin man niyang tawagan ang dalaga ngunit gusto niya ring dumaan sa butas ng karayom

sabi nga ng kanyang kaibigan....

pinakawalan niya si Sarah 

at kapag pinakawalan mo ang isang tao sa buhay mo

tila napaka hirap na maibalik muli ito papunta sa iyo

minsan, kailangan mo pang libutin ang buong mundo

dahil kung saan saan na siya dinala ng sakit na nadama niya

napaupo siya sa may isang sulok. ang mga siko ay nakapatong sa kanyang magkabilang tuhod. napahawak siya sa kanyang tiyan, nadarama na niya ang kagutuman nito. ilang oras na siyang nalilipasan ng gutom dahil nakatuon talaga ang siya sa pag-hahanap sa dalaga....

muli niyang tinignan ang papel na hawak hawak. binasa niyang muli ang address na kinaroroonan ng dalaga. akmang tatayo na siya mula sa pag-kakaupo ng masangga siya ng mga binatilyo na nag-uunahan sa pagtakbo....

at sa di sinasadya....

ay nabitawan niya ang papel na hawak hawak

at ito'y nilipad ng hangin

tinangka niyang habulin ang papel

ngunit tila, inilalayo talaga ito sa kanya ni Haring Hangin

ng hindi na talaga niya...

kaya pang maabot ito

napaluhod na lamang siya sa kinatatayuan

ang kanyang mga ulo ay kanyang iniyuko

senyales na ba ito?

na tuluyan ng lumayo ang dalaga sa kanya?

kinapa kapa niya ang kanyang cellphone na nasa bulsa at hinugot ito sa loob. hinanap niya ang isang numero ng isang tao, na alam niyang makakatulong sa kanya ngayon

~~o~~o~~

"Dy, tumutunog yung cellphone mo" usal ng asawa sa kanya. itinigil niya sandali ang pakikipaglaro sa mga aso ng kanyang anak at lumapit sa kung nasaan man nakalapag ang kanyang cellphone

"o si Gerald, tumatawag" usal niya 

"si Gerald?" nakita niyang biglang nagliwanag ang mukha ng asawa at tumayo pa nga ito sa kinauupuan upang makalapit sa kanya

"baka nagkita na sila ng anak mo" sabi nito sa kanya "...sagutin mo na"

kanya namang sinunod ang asawa at tinanggap ang tawag

"Hello?" bati niya "....o Ge?"

Tito Delfin?

"o bakit??" tanong niya sa binata ng mapansin niya ang tono ng boses nito na parang nanlulumo "nagkita na ba kayo ni Sarah? anung nangyari?"

hindi pa po, e

napakunot naman ang kanyang noo sa narinig "hindi pa?? bakit hindi pa?? mag-iisang linggo ka na diyan ha?"

hindi ko po mahanap yung address nila dito

"bakit hindi mo mahanap?"

nagtanong tanong na po ako, pero wala naman pong makapag-sabi sakin kung saan ko mahahanap yung address nila

"teka, tinawagan mo ba siya?"

hindi po

"ay lintek ka!!! panu mo nga naman siya mahahanap kung hindi mo siya tatawagan?"

gusto ko pong mahanap siya sa sarili kong hirap. tama lang naman po to, Tito. kailangan ko din pong mag-hirap para malaman ko kung anung pakiramdam kapag pinakawalan mo ang isang tao sa buhay mo

napatango tango siya sa sinabi ng binata. sang-ayon siya sa sinabi ng binata. tama lang na maranasan ni Gerald ang hirap para lang mabawi muli ang kanilang anak. sabi nga niya, hindi basta basta ang ginawa nito....sinaktan at iniwan nito si Sarah kaya tama lang din na hindi basta basta ang danasin nito upang mapa-sa kanya muli ang dalaga 

"o e bat ka napatawag?"

Tito nawala ko po kasi yung address...

"anu??!!" gulat na usal niya sa binata 

"o bakit daw?" ang naging tanong naman ng asawa dahil sa kanyang naging reaksyon

Tito, hindi ko sinasadya na mawala yung address....

"...tulad ng hindi mo din sinasadyang mawala ang anak ko sa buhay mo? ganun ba?" 

sorry po, Tito

"so panu ka na niyan?? anu ng plano mo? ayaw mo pa rin ba siyang tawagan na?"

ayoko po talaga Tito. pero kung pwede po sana, mahingi ko po ulit yung address nila sa inyo po

sandali siyang nag-isip. tila ramdam na ramdam niya ang kanyang kagustuhan na dumaan sa butas ng karayom ang binata 

"...sabi mo nga, gusto mong dumaan sa hirap, diba? o di.....tuloy tuloy mo na yang adventure mo" natatawa niyang bigkas "..ayaw mong tawagan e"

"...saka.................sa pagkakataong ito, gusto ko mang tulungan ka...gusto ko ring turuan ka ng isang malaking leksyon...at yun ay..."

"wag na wag mong pakakawalan ang isang tao....kung hindi mo rin naman siya kayang mawala sa buhay mo ng tuluyan"

"mahirap man o madali ang sitwasyon...panatilihing mo pa ring nakakapit ang kamay mo sa kanya...dahil mas magiging mahirap ang lahat para sayo, kapag tuluyan na nga siyang nawala sa buhay mo"

"....kung sa tingin mo, na hindi ikaw ang nararapat para sa kanya..."

"....kaya mo rin kayang tignan, na para siya sa iba at hindi sa iyo..."

wala naman siyang narinig na salita mula sa binata. ngunit parang nakikita niyang umiiyak ito dahil naririnig niya ang mabining pag-hikbi nito sa kabilang linya

"hayaan mong dalhin ka ng mga paa mo sa mga lugar na tinahak niya. damhin mo ang bawat hakbang upang maunawaan mo ang pinagdaanan niya"

walang paalam na hinugot ng asawa ang kanyang cellphone mula sa kanya 

"..Gerald, Hijo??" usal ni Divine "..Tita Divine to....basta itong tatandaan mo..."

"...kapag hindi mo alam ang sagot, pakinggan mo lang ang puso mo. alam ko, alam ng puso mo ang daan patungo sa dalaga ko"

hinugot niyang muli ang kanyang cellphone mula sa asawa

"Gerald?"

Tito?....  garalgal ang boses na usal ng binata 

"humingi ka din ng tulong sa itaas. hingin mo sa KANYA ang tamang daan, hindi lang yung daan patungo kay Sarah kundi kung anu talaga ang daan na dapat niyong tahaking dalawa...kung anuman talaga ang nararapat para sa inyong dalawa...hiwalay na daan man yan o magkabuklod"

"mag-iingat ka...."

"Goodluck...." ang huling salitang ibinigay niya sa binata bago tuluyang maputol ang kanilang pag-uusap 

-------------------

comments & votes

night ">

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon