CHAPTER 36.

4.8K 85 33
                                    

nakangiting naglalakad siya papunta sa mga kasama

ngunit bigla siyang natigilan dahil sa nakita...

si Gerald habang yakap yakap ni Maja

pakiramdam niya ay binuhusan siya ng napakalamig na tubig. bigla siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan. hindi siya nakakilos. hindi siya nakahakbang. ni hindi siya nakahinga. para siyang istatwang biglang nawalan ng buhay 

nakita niyang humiwalay sa pagkakayap si Maja mula kay Gerald. hinaplos ng dalaga ang mukha ng nobyo at nakita niyang ngumiti ang binata. akmang ilalapit na ni Maja ang mukha kay Gerald ng bigla niyang ipinihit ang ulo sa kaliwa

kung hahalikan man ni Maja si Gerald.....ay ayaw niyang makita. bigla na lamang nanlabo ang kanyang paningin at parang may nagkukumpulang tubig sa kanyang mga mata. hanggang sa namalayan niya na lang na siya'y lumuluha na pala. pinunasan pa niya ang kaliwang pisngi pati na rin ang kabila. sinubukan niyang tumingin sa itaas upang mapigilan ang kanyang mga luhang hindi niya naman mamalayan kung bakit umaagos

muli niyang ibinalik ang paningin sa dalawa at nakita niyang muli na nakayap ang dalaga sa binata. parang sinasaksak ang kanyang dibdib sa kanyang pinagmamasdan

she thought, she doesn't care anymore....

she thought, it was nothing to her anymore...

she thought, she can handle it now...

she thought, she can just shrug her shoulder and say I'm okay now

BUT ONLY....SHE THOUGHT

it kills her still, knowing that he's already belong to someone else

it kills her still, knowing that he's already at home with someone else

much more it kills her to see it happening, right infront her very eye

tumalikod siya at bumalik sa kanyang tent. nanghihina siyang umupo sa harapan ng kanyang table. tinignan niya ang sarili sa harapan ng salamin. patuloy ang pag-agos ng mga luha sa kanyang pisngi, ngunit parang hindi naman niya maramdaman ang pagpatak ng mga ito. hindi mamalayan ng kanyang utak kung bakit nga ba siya umiiyak. at hindi naman matukoy ng kanyang puso kung anu ang nararamdaman niya 

minsan nga naman kasi...

may emosyon ang isang tao na hindi maipaliwanag ng utak at hindi masabi sabi ng puso

kaya idinadaan na lang natin ito....sa PAG-LUHA.....

-----------------------

O AYAN NA GUYS HA...

UPDATED AGAD AGAD!!!

LET THE RAIN STARTS TO FALL....

KAPIT LANG HA?

ANYWAY COMMENTS/VOTES....MAS MARAMING PANGUNGULIT, MAS MABILIS ANG PAG-UUPDATE :)

HAPPY WEDNESDAY

#522

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon