CHAPTER 8.

6.3K 81 19
                                    

pinagbuksan niya ng pintuan ang handler. ng makapasok si Nhila sa loob ng sasakyan ay nagtungo na rin siya sa kabilang side at pumasok na rin sa loob

"so san tayo?"

"kain tayo. gutom na ko e"

"san mo gusto kumain?"

"kahit saan"

inistart na niya ang sasakyan ng biglang humirit si Nhila "ay teka, wala ka bang lakad? baka lalabas kayo ni Maj after ng story con mo?"

"nasa shooting siya. kaya ikaw ang date ko ngayon"

"so libre mo ko ha?"

"kailan ka ba nanlibre?"

"aba" piningot ni Nhila ang kanyang tenga 

"hey, not my ears"

natawa naman si Nhila sa naging reaksyon ng alaga "buti na lang may nakapagsabi sakin kung anu ang weakness point mo--"

napangiti siya sa sinabi ng handler

isang tao lang naman ang unang nakaalam kung anu ang weakness point niya sa katawan. it's not his mom, not his dad, not his sisters, not Ken, not Fred not even his girlfriend

"---buti na lang nasabi sakin ni Sarah"

yes. si Sarah. aksidenteng nalaman ito ni Sarah ng pingutin siya nito sa tenga ng ayaw niyang tigilan sa kakakiliti ang dalaga. tawa ng tawa si Sarah sa naging reaksyon niya ng piningot siya nito, panu ba naman? sobra siyang namula

"papingot pa nga" at muli siyang piningot ng handler. nawala naman ang pagkakangiti niya sa ginawa ng handler. tawa naman ng tawa si Nhila

"i said, not my ears"

"isa pa" akmang pipingutin siya ng handler muli kaya lang mabilis siyang nakaiwas sa kamay nito 

"Ate? stop"

~~o~~o~~

"okay ka lang?" tanong ni Ana sa kanya. nasa loob sila ng elevator papuntang Studio 6

"oo naman. bakit?"

"sure ka?"

napakunot noo siya. hindi niya maintindihan ang ibig pakahulugan ng assistant "bakit ba?"

"e kasi nagkita na ulit kayong dalawa"

"o?" nakakunot noo pa rin siya

"wala namang naganap na palpitation diyan sa dibdib mo?"

napatingin naman siya sa kanyang dibdib dahil hinawakan ito ni Ana "anu ba, Ate?"

"chinecheck ko lang"

"wala. okay?"

"o bat galit ka?"

"hindi ako galit?"

"moved on na talaga?"

taas kilay na humarap naman siya kay Ana

"okay. i believe you. ikaw pa? alam ko naman kapag sinabi mong wala na, wala na talaga e. sila lang naman ang mapilit e. sige na, ibaba mo na yang kilay mo. sure ako nakamove on ka na talaga"

kung may palpitation mang naganap sa dibdib ko

yun ay dahil sa kinakabahan ako sa magiging....anu...a

concept ng story. yon!! tama!!! dahil sa story saka sa magiging character ko

but not because of him

ofcourse...not him

~~o~~o~~

pasulyap sulyap naman si Nhila sa kanya habang siya ay nagmamaneho. napansin naman niya ito "bakit?" sumulyap siya sandali sa handler at ibinalik rin sa daan ang paningin

"wala naman. iniisip ko lang kung okay ka lang?"

"okay?"

"u-uhmm. siyempre ang tagal niyo ring dalawang hindi nagkita"

"okay naman a"

"kaya nga e. nakakagulat. parang walang nangyari"

"kahit ako nagulat e. akala ko hindi niya ko papansinin. dedeadmahin niya ko---"

"--yun din ang akala ko e" pagsisingit ni Nhila

"--pero hindi e. alam mo yun, nginitian niya ko tapos binati pa niya ko"

"bawal ba?"

"hindi" nakakunot noong tugon niya "pero---kasi---" humarap siya sa handler "alam naman natin Ate diba, na malaki yung galit sakin ni Sarah dahil sa mga nangyari. kinantahan niya pa nga ko ng womanizer sa show niya diba"

"green lights na" sabi ni Nhila sa kanya. itinuon niyang muli ang paningin sa daan "pero ngayon Ate, parang---para talagang walang nangyari?" sumulyap siya sandali sa handler "diba?"

"e baka....baka okay na talaga siya. wala na sa kanya yung nangyari dati sa inyong dalawa"

"tingin mo?"

tumango naman ang handler bilang tugon 

"so hindi na siya galit sakin?"

"bat di siya ang tanungin mo?"

pag tinanong ko siya?

mauungkat pa yung nangyari dati?

tama pa bang pag-usapan ang isang bagay na tapos na?

para saan pa?

"tapos na yun e"

"natapos ba talaga?"

napabalikwas siya ng tingin sa handler dahil sa narinig "focus on the road" nakakalokong ngiting saway ni Nhila sa kanya

"anu?" nakakalokong ngiti pa rin ni Nhila sa alaga. nakatingin pa rin siya sa handler

--------------

medyo sinisipag ako kaya ayan update agad....agad agad!!!

excited na ba kayo  first shooting day nila????

taas ang kamay ng excited na?!!!!!! XD

comments/votes

TY...happy saturday :)

#522

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon