CHAPTER 44.

4.7K 75 18
                                    

"anung ginagawa mo dito?" halos nagpapanick na tanong niya sa binata ng makita niya ito sa labas ng kanilang tahanan

"mahal mo ba ko?"

napakunot naman ang kanyang noo sa narinig na tanong mula sa binata "ha?"

"mahal mo ba ko?" 

"Gerald....." 

"MAHAL MO BA KO?!!!" halos diin na diin na pagkakatanong ng binata sa kanya 

bigla namang bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa nakikitang matinding emosyon sa mga mata ng binata

"anu Sarah? mahal mo ba ko?" tanong muli nito sa kanya "..parang awa mo naman sumagot ka naman o" 

lalong kumunot ang kanyang noo. hindi niya alam kung paano at ano ang isasagot sa tanong sa kanya ng binata. gusto niyang sabihin oo, dahil yun naman talaga ang totoong nadarama niya ngunit 

kinakain siya ng kanyang takot; takot na baka masaktan lang siyang muli. takot na baka maulit lang ang kanyang nakaraan. takot na baka iwanan lang din siya nito at ipagpalit lang din sa iba

lalo pa ngayong ang kanilang sitwasyon ay napakagulo. pagkatapos ng kaniyang birthday, pinagbawalan na silang pareho ng kani kaniyang management na makita o magkasama. halos lahat ng mga tao sa paligid nila ay taliwas sa kanilang ugnayan. pilit silang hinahadlangan, pilit na pinaglalayo, pilit na sinisira

sa una, ay nagpaapekto sila. nagpadikta. ngunit kinalaunan ay napagkasunduan din nilang dalawa na hindi sila magpapauto sa mga taong wala naman talagang karapatan sa kung anumang relasyon na namamagitan sa kanilang dalawa

ngunit, mahina pa rin siya. tila naapektuhan pa rin siya ng mga boses sa kanyang paligid, mga boses na bumubulong sa kanya, mga boses na nagsasabing hindi siya ang karapat dapat na lalaki sa pagmamahal niya, mga boses na nagsasabing lolokohin lang siya nito't sasaktan, paglalaruan...

muling nagbalik ang kanyang diwa sa lalaking nasa harapan ng banggitin nito ang kanyang pangalan 

"...mahal mo ba ko?" mata sa matang tanong sa kanya ng binata. ang mga kamay pa nito ay nakahawak sa kanyang magkabilang braso

imbis na sagutin ang tanong nito, ay napatungo lang siya

bigla namang nakaramdam ng pagkahina si Gerald dahil sa kanyang ginawa. mariin itong pumikit at pilit na pinigilan ang paghagulgol ng damdamin

"hindi mo ko mahal" not a question but a statement, he said

"hindi sa ganun Ge. gusto kita..." siya rin ay nag-sisimula ng maiyak dahil sa nakikitang sakit sa mga mata ng binata 

"---iba ang gusto sa mahal, Sarah. nasan ako dun?"

muli, ay hindi nanaman siya nakatugon sa tanong nito sa kanya. halos hindi naman na makatayo ng maayos si Gerald dahil sa kahinaan na nadarama niya sa kanyang damdamin

bumitaw ang binata sa pagkakahawak sa kanya at pumihit patalikod sa kanya. nagsimula na itong lumakad palayo sa kanya na agad din naman niyang sinundan 

"Ge..sandali lang naman"

pumihit ito paharap sa kanya. halos durugin ang kanyang puso sa mga luha nakikita niya sa pisngi nito. gustong gusto niyang sabihin na mahal din niya ang binata. mahal na mahal. ngunit gusto niyang masigurado ang sarili na handa siya; handa siyang masaktan, maloka, mabaliw, maging tanga, sumaya at higit sa lahat...handa siyang lumaban

dahil kung hindi, hindi magiging buo ang pagmamahal niya para sa binata, dahil siya mismo, ang pagkatao niya mismo....hindi buo. yun lang naman ang hinihingi niya e, oras at panahon...para buuin ang kanyang sarili

sandali silang dalawang natitigan, mata sa mata. ang sunod na ginawa ng binata ang siyang nagpalala lalo ng kanyang mga hikbi...

ng tanggalin ni Gerald ang kanyang kamay na nakahawak sa braso nito at tuluyan na itong naglakad patalikod, palayo sa kanya

"Sarah?"

"Sarah?"

"Sarah?"

ang boses ng kanyang Ate Ana na nagpabalik sa kanyang diwa sa kasalukuyang panahon. binalingan naman niya ng tingin ang assistant 

"hmmm?"

"okay ka na ba?"

tumango siya at pilit na ngumiti 

"andito na tayo" sabi nito sa kanya 

tumango siyang muli. tumayo na si Ana mula sa pagkakaupo at hinugot ang kanilang gamit na nasa itaas ng kanilang kinauupuan

huminga siyang ng malalim sandali at tumayo na rin mula sa pagkakaupo. saktong pagtayo naman niya ay siya ding pagtayo ng binatang kanina pa gumugulo sa kanyang isipan. sandaling nagtama ang kanilang mga mata ngunit agad din naman siyang umiwas sa tingin nito. binaling na lamang niya ang sarili sa pagtulong sa kanyang assistant

ang binata naman ay nanatiling nakatingin sa kanyang mga kilos. ang buong akala ni Gerald ay tuluyan na talaga silang dalawang nagka-ayos, na tuluyan na talagang nabaon sa limot ang mga hindi magagandang alala ng kahapon nila, na tuluyan na talagang nanumbalik ang kanilang pagkakaibigan...

but as the saying goes, 

You can never be really friends...

....just friends

with someone you fell in love with

with someone you still in love with

------------------------

SIMULAN NA ANG DAPAT NA SIMULA...

KUNG ANUMAN PO YUNG MGA MANGYAYARI SA SUSUNOD NA CHAPTER...

MAIINTINDIHAN KO KUNG MAY ILAN NA HINDI SASANG-AYON

PERO SANA...

KAPIT PA RIN PO SA STORY!!

COMMENTS/VOTES....

P.S: THIS STORY IS PURE FICTION!!!!!!

OKAY??.....

HAPPY FRIDAY

#522

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon