CHAPTER 17.

6K 70 19
                                    

pagkatapos ng guesting nilang dalawa sa Kristv, dumeretcho sila sa isang restaurant around ABS para sabay na magbreakfast. ngayon na lang halos silang dalawa muling nagkasama dahil halos babad ang mga oras nila sa kani kanilang trabaho. nakakapagusap man silang dalawa, sa text at tawag lang

umorder siya ng bacon and egg with two toasted bread and chicken macaroni salad samantalang si Gerald naman ay tuna salad lang ang pinili

"may kulang pa po ba sa order niyo Ma'am?" tanong ng waiter sa kanya ng mailapag nito lahat ng mga inorder nilang pagkain

"wala na"

"sige po. enjoy your meal"

"thank you" umalis na nga ang waiter sa kanilang table at naiwan silang dalawa

"may trabaho ka pa after nito?" tanong niya sa kasintahan

"wala naman na. bakit?"

"alis naman tayo, please?"

"wala ka na bang trabaho?"

umiling naman siya "wala na. kaya nga alis tayo e, sige na o? miss na kita e"

napangiti naman ang binata sa kanyang paglalambing "okay. sige. san tayo pupunta?" tanong nito sabay subo ng lettuce with cheddar dressing

"kahit saan. nuod na lang tayo ng sine"

"anung panunuorin natin?"

"kung anung palabas sa sine o kaya naman shopping na lang tayo. bahala na!"

tumango naman si Gerald "okay" nakangiti nitong sabi sa kanya

tumingin muna sandali ang binata sa kanya at bumalik muli sa pag-kain nito ng kanyang tuna salad. siya naman ay nakatingin pa rin sa kasintahan

"bakit?" tanong ng binata sa kanya ng mapansin nitong nakatingin pa rin siya dito

umiling naman siya "wala"

nakatingin pa rin siya sa kasintahan, ng tumingin naman ito sa kanya ay agad niyang ibinaba ang paningin sa kanyang kinakain

"kamusta yung anu---yung shooting niyo?" nakangiti niyang tanong

"okay naman. masaya sa set, dami laging pagkain. si Ate Nhila nga kain ng kain e" nakangiti niyang kwento

"tapos yung mga staff, mababaet naman. pag break kwetuhan lang talaga kaming lahat. si Kuya Imbo nga, yung cameraman namin, pag nag-kwento yun hagalpak tawa ka. si Direk Cathy ang kulit, puro jokes. masaya..masaya sa set" dagdag pa niya 

hindi naman niya mamalayan kung tatanungin pa ba niya ang kasintahan kung kamusta sila ni Sarah. wala pa kasi itong nakwekwento sa kanya patungkol dito

"e kayo ni---" nag-aalinlangan siyang ituloy

aktong painom ang binata ng kanyang pineapple juice "huh?"

"---ni...uhm..."

ibinababa ng binata ang hawak hawak na baso "nino?" 

ngumiti siya "---ni Sarah? okay na ba kayo?"

"kami ni Sarah?....."

".....okay naman kami. nakakapag-usap naman na kami" dagdag nito

"A!!!..well atleast okay kayo diba?" pinipilit niyang palaparin pa ang kanyang ngiti "hindi kayo mahihirapan sa trabaho"

"yeah" matipid na sang ayon ng kasintahan. nginitian pa siya nito at muli itinuon ang atensyon sa kinakain, siya naman ay nakatitig lang sa binata. hindi niya maipaliwanag ang nadarama niya. para bang may kung anung umiipit sa kanyang dibdib. kanina niya pa nararamdaman ito. kanina habang pinagmamasdan niya ang kasintahang ngiting ngiti habang nag-kwekwento ito tungkol sa kanila ni Sarah

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon