CHAPTER 76.

4K 122 35
                                    

"kayo na lang kaya umalis.." sabi niya sa dalawa

"ha?" nakakunot noong tanong ni Sarah

"kayo na lang umalis..." usal niyang muli

"anu namang alam namin dito, Ate?!!" himutok ng dalaga "...maligaw pa kami e"

"diyos ko Sarah...anu ka bata?!!!!" wika niya "...pagnaligaw kayo, o di tumawag ka sakin..o kaya magtanong tanong kayo sa daan" 

"hindi mo naman pababayaan yung kapatid ko diba?" baling niya kay Gerald. ang binata naman ay mariing umiling bilang tugon sa naging tanong niya 

"o ayan..may bodyguard ka na" baling niyang muli sa kapatid. tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagtungo  sa loob ng silid. lingid naman sa kanyang kaalaman ay nakasunod pala ang kapatid sa kanya 

akmang isasarado na niya ang pinto ng kanyang kwarto ng maumpog niya ang kapatid dito "aray ko..." piglat ni Sarah

siya naman, na imbes na mag-alala sa naumpog na kapatid ay natawa pa

"salbahe ka talaga..." usal ni Sarah habang hawak hawak ang noo

siya ay patuloy pa rin sa pagtawa "...bat kasi nandiyan ka??"

"Ate, sumama ka na.." wika ng kapatid at tuluyan ng pumasok sa loob ng kanyang silid 

"kaya niyo ng dalawa yan.." kontra niya. umupo siya sa kanyang kama at tiningala ang kapatid upang ito ay makita 

"anung alam ko sa Paris?" naghihimutok pa rin, na tanong ni Sarah sa kapatid "...wala akong alam na tourist spot dito, panu ko ipapasyal si Ge"

"e di dalhin mo na lang siya sa mga napuntahan na natin.."

"hindi ko alam papanu pumunta dun.."

"search mo sa net.."

"Ate naman e!!!!!!"

"anu??!!!!"

"sumama ka na...." buyo ng kapatid "...sige na.."

"hindi na..." sagot niya "...kayong dalawa na lang"

"wala nga kong alam dito" giit muli ni Sarah "...san kami pupunta?"

"Pot..." tawag niya sa kapatid 

"...hindi naman Paris ang pinunta niya dito..." 

"..ikaw.." usal niya kay Sarah 

~~o~~o~~

"so san tayo?" tanong niya sa dalaga

"ikaw? san mo ba gustong pumunta?" balik tanong ng dalaga sa kanya habang patuloy lang silang dalawa sa paglakad

"wala akong alam dito..."

"wala din naman ako e"

"well, I guess...we have to figure it out" usal niya

nag-simula na silang maglakad dalawa. kapwa parehong walang kaalam alam sa kung saan sila paparoon. parehong sumasabay lang sa kung saan sila nais dalhin ng kanilang mga paa. panay rin ang sulyapan nilang dalawa....at kapag nagtatagpo ang kanilang mga mata ay binibigyan nila ng isang matamis na ngiti ang isa't isa at agad na ibabalik ang paningin sa daan

sumulyap siyang muli sa dalaga na agad din naman niyang iniiwas ng lingunin siya nito

ipinasok niya ang kanyang kanang kamay sa loob ng kanyang bulsa upang mapigilan ang kanyang kamay na hawakan ang kaliwang kamay ng dalaga. ganun din naman ang dalaga, inilagi nito ang kaliwang kamay sa likod. tila may maliit na espasyo na namamagitan sa kanilang dalawa....ngunit ang espasyong ito ay hindi sapat upang hindi nila madinig ang tibok ng kanilang mga puso; 

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon