CHAPTER 66.

4.2K 138 37
                                    

napalingon muli si Ana sa may bintana nang may marinig siyang tunog ng sasakyan na pumarada muli sa harapan ng tahanan nila Sarah. tumayo siya sa pag-kakaupo at sinilip kung sino ito. nanlaki muli ang kanyang mata ng makita kung sino nga ito

"si Gerald ulit...." usal nito. mas nanlaki ang mga mata nito ng makita niya na may mga kasama ito "...with company??..."

siya, ay napatayo din sa kinauupuan ng marinig ang sinabi ni Ana. lumapit siya sa may bintana upang tignan ang tinitignan nito. pati siya ay nagulat ng makita niyang muli ang binata, this time, kasama na nito ang ina, kapatid at ang kaibigan

"Sir, si Sir Gerald po nasa---" hindi na niya pinatapos pa ang sinasabi ng kasambahay. inutusan niya itong papasukin na agad ang binata pati na rin ang mga kasama nito 

"Sir, Goodafternoon po..." bati nito sa kanya. lumakad ito palapit sa kung nasaan siya "Sir, pwede ko bang malaman kung nasan sa Paris si Sarah?" tanong ng binata sa kanya "....kailangan ko lang po talaga siyang makausap" dagdag pa nito

"hindi ba makakapag-intay yang sasabihin mo?" tanong niya dito "....hanggang sa makabalik siya?" dagdag pa niya 

"kaya naman pong mag-intay" sagot nito sa kanya "...pero mas gusto ko na pong sabihin sa kanya ngayon, kung anuman po to"

"anu ba yun?"

nakita naman niya ang alinlangan sa mukha ng binata. tila hindi ito kumportable na sabihin sa kanya at sa kanilang lahat kung anuman ang nais nitong sabihin sa dalaga. at mukhang naamoy na niya kung anung gustong sabihin nito 

"sabihin mo na, Kuya" narinig niyang buyo ni Ken sa kapatid

"sssssa....sa kanya ko po gustong sabihin to e" nasambit ng binata 

"hindi mo nga kayang sabihin samin e, panu mo makakayanang sabihin sa kanya, kung anu man yan?"

"hindi po ba dapat mas kaya kong sabihin sa kanya kaysa sa iba, kung anuman nga po ito?" tanong ng binata na bahagya niyang ikinangiti. he can see that thing again in the eyes of Gerald, that one thing he wants to see in him for such a long time...

he can see now the bravenest and the determination....that once he doubted he has. though, he still play the father's card of a girl who has been hurt by man which is by the way just infront of him, he pretended as if nothing stroke him by Gerald's eagerness 

"Sir...." panimula niya "...naiintidihan ko po kung wala kayong tiwala sakin. naiintindihan ko rin po kung ayaw niyo na pong makausap ko o kahit makita pa si Sarah. alam ko po na nasaktan ko siya...sobra sobra. pinaiyak ko siya, tinarantado ko siya...ako yung dahilan kung bakit siya nandun at kung bakit pinipilit niyang ayusin yung sarili niya. ang dami pong nangyari saming dalawa..." yumuko saglit ang binata at muling hinarap ang kanyang mga mata "...nasaktan ko siya, pinakawalan ko, pinagpalit ko....at maiintindihan ko po kung hindi niyo ko paniniwalaan kung sasabihin ko sa inyo na....."

"....mahal na mahal ko pa rin po yung anak niyo"

"...siya pa rin po yung nasa puso ko"

"...mahal na mahal ko pa rin po si Sarah"

halos maiyak iyak na si Gerald ng sambitin niya ang mga salitang binitawan niya. siya, ay nanatili lang na nakatingin sa mga mata ng binata. he can see the soul of his words in his eyes and that makes him even more convince

"...nagmamakaawa po ako sa inyo, kailangan ko pong makausap si Sarah. bago pa man po maging huli na talaga ang lahat" dagdag pa ng binata 

kung tutuusin...alam naman na talaga niya ang gustong sabihin ng binata. hindi pa man nito binibigkas ang mga salita, alam na niya kung anung ipararating nito sa kanila. alam na rin niya, noon pa....na talagang mahal pa rin ng binata ang kanyang anak. nakita na niya ito nung ipinagtanggol ni Gerald si Sarah, ilang linggo na rin ang nakakaraan. kitang kita niya sa mga mata at emosyon nito, kung gaano pa rin pinahahalagahan ng binata ang kanyang dalaga 

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon