CHAPTER 30.

5.9K 82 21
                                    

"break muna tayo" sabi ni Direk Cathy sa kanilang lahat. pangalawang linggo na nila ngayon sa Baguio. so far, so good naman. halos matatapos na nila yung mga eksenang kinukuhaan nila dito

"asan na si Ian?" nakapamewang na tanong ni Ms.Miles, ang kanilang assistant director "siya yung pinabili ko ng pagkain e, asan na ba yung mokong na yun?"

"o ayan na yung hinahanap mo" sabi ni Kuya Imbo ng matanaw niya mula sa malayo si Ian na kakaripas ng lakad, may bitbit pa itong dalawang bilao sa magkabilang kamay

"ang tagal mo naman" komento ni Ms.Miles ng makalapit si Ian sa kanila "sorry, sorry..naligaw kasi ako e"

"nuh ba yan?!!" nakangiting komento ni Direk Cathy "gutom na kami o, tirik na mata nung mga artista natin, wala ng energy o" sunod sunod na komento ni Cathy, siya naman ay panay ang hagikhik. napakadali talaga na siya ay patawanin

inilapag na ni Ian ang bilao ng pancit na dala niya. binili niya pa ito sa Star Cafe sa may Session Road. the best daw kasi ang pansit dito. tinulungan naman siya ng ibang staff sa pag-aayos

"oy, kuha na kayo" sabi ni Ms.Miles sa kanila

"tara, Ate!!" yaya niya sa assistant "uy, Nhila, tara kain" yaya naman ni Ana kay Nhila. tumayo na silang lahat at lumapit sa may lamesang mahaba. isa isa silang umupo roon. sa kanan niya ay nakapwesto ang assistant na si Ana, habang sa kabila naman ay si Gerald

"pahingi nga ko ng pinggan" pasuyo ni Gerald kay Fred, inabutan naman siya nito "isa pa" suyo niyang muli. iniaabot niya ang isang plato kay Sarah. nginitian naman niya ang binata sa naging akto nito sa kanya 

"oy, Ge. kumuha na kayo. nako!! baka maubusan kayo pag kumuha na si Imbo" sabi ni Direk Cathy. nagtawanan naman silang lahat. ang sunod na ginawa ni Gerald, ang nagpatigil sa kanilang lahat sa pag-subo ng pagkain, sa pagkuha ng pancit, sa pagsasalita, sa pagtawa...sa lahat lahat na

tumayo ito at kinuha ang pinggan niya, ang binata na mismo ang kumuha ng pancit para sa kanya "tama na ba to? o dagdagan ko pa?" tanong nito sa kanya 

nag-tinginan ang mga kasama nila sa isa't isa. kapwa ang lahat ay may matamis na ngiti sa kanilang mukha. siya rin ay hindi napigil ang mapangiti 

JUST ONCEWhere stories live. Discover now