CHAPTER 51.

4.4K 75 34
                                    

nakaupo siya sa isang upuan sa may veranda ng kanilang bahay. dito niya napiling hintayin ang kasintahan. niyaya siya  nito na sumama sa videoke night out ng mga kaibigan nito. nung una ay todo tanggi siya sa paanyaya ni Maja, ngunit dahil sa naging mapilit ang kasintahan, wala siyang nagawa kundi umayon na rin dito

isinandal niya ang ulo sa upuan at ipinikit ang kanyang mga mata. damang dama niya ang dampi ng hangin sa kanyang mukha. iminulat niyang muli ang mga mata at hinugot ang kanyang cellphone na nasa bulsa

sandali niyang tinitigan ang screen nito. tila may isang boses siyang hinahanap. may isang boses siyang gustong mapakinggan. may isang boses siyang gustong makausap

huminga siya ng malalim. ibinalik niya sa bulsa ang kanyang cellphone. muli, ay ipinikit niya ang mga mata. sa kanyang pagpikit, animo'y para siyang nakakarinig ng mga boses mula sa kanyang kahapon

Gerald makes me...Smile again

napangiti siya ng maalala niya ang interview na iyon, nilang dalawa. panay ang tawa nilang dalawa habang sumasagot sa mga nagiging tanong sa kanila. ang mga kamay nila ay hindi nila maiwasang hindi ihawak sa isa't isa; sa tuhod, sa pisngi, sa braso. ang mga ngiti nila, abot hanggang tenga. 

kapwa ay talagang masaya lang

hanap lang ako Babe, ay anung sabi ko???

kasabay ng kanyang muling pag-ngiti, ay ang pagtulo ng kanyang luha mula sa kanyang kanang mata. hinding hindi niya makakalimutan ang naging reaksyon ng dalaga ng makita siya nito sa loob ng Ferry. tila walang kaide-ideya si Sarah na naroroon siya. kaya ba't madalas sabihin ng dalaga sa kanya na lagi daw niya nitong ginugulat

hindi ako papayag na hindi ka kakanta....kakanta ka!

she's the only person who can make him do anything. with her, he feel carefree yet still feel appreciated

go up...de joke lang!!

the last good memory of them before things turn in chaos. upon reminscing that event, he supresses a smile....a smile with pain, with sadness...with regret

pinunasan niya ang kanyang mga luha na patuloy sa pagdaloy. ayaw niyang maabutan siya ng kasintahan na ganito't lumuluha

ngunit lingid sa kanyang kaalaman

kanina pa siya tinatanaw ni Maja sa labas ng kanilang tahanan

------------------

VERY SHORT UPDATE...

WALA TALAGA SA PLANO KONG MAG-UPDATE NGAYON!!

PERO DAHIL NATOUCH AKO SA ISANG COMMENT SA LAST CHAPTER

NAPAUPDATE AKO NG WALA SA ORAS!!

KUNG NAIINIS NA KAYO SA FLOW NG STORY...OR AYAW NIYO NA YUNG MGA SINUSULAT KO

FEEL FREE TO TELL ME GUYS, I SWEAR AKO MISMO MAGDEDELETE NG "JUST ONCE"  >.<

COMMENTS & VOTES

HAPPY WEDNESDAY & GOODNIGHT

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon