CHAPTER 54-A.

4.3K 120 14
                                    

"start na ba?" tanong niya sa handler ng makalapit siya sa table nito

ngayon ay nasa birthday celebration sila ni Ms.Cory na ginanap sa isang event place somewhere in Taguig. the said event was filled of award winning actors, best actresses, notable singers, popular lovetem, well admire real life couples, versatile hosts, well known press people and a lot more 

"kanina pa" sagot naman ni Nhila sa kanya "...punyeta Ge!!! anung oras na o!! late ka nanaman!! wala ka na bang ipagbabago?!!" sarkastikong sabi nito sa kanya 

"anung magagawa ko, e trapik diyan sa may Ayala" rason niya "...saka hinintay ko pa si Maj matapos sa shoot niya e" dagdag pa niya 

"o e asan na siya? bat di mo kasama?" takang tanong nito sa kanya 

"dun daw muna siya sa mga kaibigan niya" sagot naman niya

bakas naman ang pagkagulat ni Nhila sa sinabi niya "o bakit? magkaaway kayo?" 

napakunot naman ang kanyang noo sa narinig "ha?!!" 

"mag-kaaway ba kayo?" tanong muli ng handler

"hindi!!!!!!!!" depensa niya "..san naman galing yan?"

"wala lang. naisip ko lang!" ang tanging nasabi ni Nhila sa kanya. bahagyang nabalot ng katahimikan ang pagitan nilang dalawa. kapwa, pinapanood lang nila ang iba pang mga bisita na naruruon at sumasayaw sa gitna ng dance floor

binalingan siya ng tingin ng handler, habang ang mga mata niya ay nasa mga tao pa rin "okay ka na ba?" tanong nito sa kanya 

napabaling naman agad ang kanyang paningin sa katabi "ha?" inilapit pa niya ang tenga sa bibig ng handler

"sabi ko, okay ka naman na ba?"

imbis na sagutin ang naging katanangunan sa kanya ng handler, ay binigyan na lamang niya ito ng isang ngiti sabay halik sa noo nito 

hindi naman na rin humirit pa si Nhila. alam niya na alam ng kanyang handler ang sagot sa naging tanong nito sa kanya. alam niya na alam nito, na sa likod ng ngiting ipinapakita niya ngayon, sa likod nun, ay nakatago ang sakit ng kanyang puso

~~o~~o~~

"hoy Maj?...dahan dahan lang!!!" saway sa kanya ng kanyang handler. kinuha pa nito ang baso ng alak na hawak hawak niya, ngunit agad din niya itong itinaas palayo kay Jerry

"anu ba kasing problema mo?" mahinang tanong nito sa kanya "...kanina ka pa inom ng inom diyan!!" dagdag pa nito sa sinasabi "akin na nga yan!! tama na yan!!" akmang hahablutin muli ni Jerry ang kanyang iniinom ngunit maagap niya itong nilayo sa handler

"malalasing ka niyan e" patuloy na litanya ng handler. ngunit siya naman ay parang walang naririnig. panay lang ang inom niya ng alak. nakakatatlong baso na siya ng alak at tila ayaw pa rin niyang tumigil sa paglaklak

"asan ba tong si Gerald?" narinig niyang sabi ni Jerry. para namang dinurog ang kanyang puso sa sinabi ng kanyang handler. oo nga naman. asan nga naman ba si Gerald? asan nga naman ba ang kanyang boyfriend? hindi ba dapat katabi niya ito ngayon. hindi ba dapat nasa iisang lamesa lang silang dalawa, malambing na nag-uusap katulad ng kung paano sila, noong umpisa

ngunit asan nga ba ito? bakit wala ito sa kanyang tabihan? 

magkasabay nga silang dumating sa event, pero parang hindi rin sila magkasama dahil ibang tao naman ang kinasasalumuha nila at hindi ang isa't isa

"huy Maj????!!! akin na nga yan!!" awat muli ni Jerry sa kanya. ngunit ang kanya yatang kokote ay kasing tigas ng puno ng Narra. sa bawat tangka ng handler na kuhain sa kanya ang ngayo'y ikaapat na baso na niya ng alak, ay mas inilalayo pa niya ito

"Kuya Jerry??!!!!" piglat niya 

"ang dami mo ng naiinom kasi" sabi nito sa kanya "...malalasing ka na niyan"

"okay lang ako..." kumbinsi niya sa handler "..kaya ko. promise" dagdag pa niya 

akmang iinumin na niya ang natirang alak sa basong hawak hawak niya ng may isang babaeng sa kanyang mga mata ay nakapukaw ng atensyon. nakasuot ito ng pulang semi-formal dress na hindi lalagpas sa tuhod nito. napakasimple lang ng pagkakaayos ng buhok nito, halos nilagyan lang ng curls ang dulo ng buhok ng babae at ang makeup nito ay hindi naman kakapalan, tama lang upang bigyang kulay ang kanyang mukha

sinundan niya ng tingin ang babaeng nakapula habang ito ay naglalakad sa direksyon na hindi naman niya tiyak. panay ang bati ng mga taong nakakakita sa babaeng ito, all smile naman ang babae sa mga bumabati sa kanya

bigla siyang nakaramdam ng kaba habang patuloy pa rin na pinagmamasdan ang babaeng kanina pa niya hindi inaalisan ng tingin. ang kabang kanyang nadarama ay unti unting nadagdagan ng takot...

..takot na baka sa gabing ito

ang babae at ang kanyang nobyo'y magtagpo

at hindi kayanin ng kanyang puso na makita 

ang katotohanang ikinukubli ng dalawa

dahil  lang....

sa KANYA

-----------

THIS IS THE FIRST PART...

LATER NA YUNG KASUNOD

ACTUALLY TONG CHAPTER NA TO' AY 3 PARTS

SO MEANING TO SAY, MAY DALAWA PANG NAIWAN

KAPAG NAPILIT NIYO KONG IPOST PAREHO

THEN IPOPOST KO

PERO THIS TIME MAY KONDISYON NA KO...

FOR ME TO POST THE LAST PART...

I NEED 50 VOTES FOR THIS CHAPTER

DEMANDING NA KUNG DEMANDING PERO TRIP KO KASING MANG-HIRAP NGAYON

KAYA NIYO BA? 

COMMENT AND VOTE....AS IN

.

.

.

.

VOTE

VOTE 

VOTE XD

HAPPY SUNDAY

WAG KALIMUTANG MAG-SIMBA :)

#522

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon