CHAPTER 28.

5.4K 77 17
                                    

"kumpleto na ba tayo?" narinig niyang sigaw ni Direk Cathy

umupo naman ang alaga sa tabihan niya. gustong gusto ni Sarah ang pwesto malapit sa bintana

ilang saglit pa ay sumakay na rin sila Nhila. bale napapagitnaan silang dalawa ng kanilang mga alaga. parehong gusto nila Sarah at Gerald ang pwesto sa may bintana

sumakay na rin ang iba nilang kasama sa van. si Kuya Imbo ang kanilang driver, si Direk Cathy naman ay nakasakay sa may passenger seat sa harapan. ang dalawang staff at crew na kasama nila ay nasa may likuran naman

"okay na tayo?" tanong ni Direk Cathy, habang inaayos nito ang kanyang seatbelt

"okay na Direk" sagot nilang halos lahat

"o sige na, Kuya" sabi ni Cathy kay Kuya Imbo. agad naman ng inistart ni Imbo ang sasakyan at pinatakbo ito. ngayon ay papunta na sila sa kanilang next location..sa Baguio

tahimik lang silang lahat habang nasa biyahe. si Sarah nagbabasa ng libro. si Nhila at Gerald naman naglalaro ng Versus sa Ipad

"uy Sars?" siko niya sa alaga. natigil naman sa pagbabasa si Saraha at nilingon siya "san ka natulog kagabi? nung nagising ako kanina...wala ka sa kama mo?"

napalingon naman ang lahat kay Sarah, na ikinatawa naman din ng dalaga "o bat lahat kayo nakatingin sakin?" humahagihik na tanong nito

"Ate ikaw!!!" sabi ng alaga sa kanya "kung anu anu yung mga sinasabi mo"

"e kasi naman wala ka sa kama mo e"

"baka nag-cr lang ako nun" depensa ng alaga "Ate talaga!!!!"

ibinalik muli ni Sarah ang atensyon sa binabasa. ngunit sandali itong lumingon sa nasa dulong si Gerald, na nakatuon sa Ipad nitong....

~~o~~o~~

nakakatatlong oras na sila sa biyahe, ngunit mukhang malayo pa rin sila mula sa Baguio. bakas na ang pagkabagot sa mga mukha nila

si Sarah ay nakasandal ang ulo sa bintana. nakapikit ito. ganun din naman siya sa kabilang dulo

si Nhila at Ana naman ay natutulog din sa gitna

"Direk, masyadong namang tahimik. wala ba tayong soundtrip diyan?" tanong ni Yani. isa sa mga staff nila

inabot naman ni Direk ang radyo ng sasakyan at pinindot ang on nito "o ayan na" sabi ni Direk Cathy

~~hindi mo ba naalala ang mga kahapon?

na dati ay anung saya't anung tamis~~

~~sadyang pag-ibig natin ay nakakapanghinayang

ngunit sa'ting mga mata ito'y kalabisan lamang~~

napamulat siya mula sa pagkakapikit dahil sa kanta sa radyo

~~wala ka man ngayon sa aking piling

nasasaktan man ang puso't damdamin

muli't muli sayo na aamining ika'y mahal pa rin~~

"oy ang ganda ng kanta" sabi ni Kuya Imbo na natatawa

~~at kung sakali na muling magkita

at madama na meron pang pag-asa

hindi na dapat natin pang dayain

hayaan nating puso ang magpasya~~

sinabayan naman nila Kuya Imbo at ibang mga staff ang kanta

~~wala na bang puwang sayo ang aking puso~~

"wala na ba?" natatawang butt-in ni Kuya Imbo

~~wala na bang ganap ang dating pag-suyo

mali ba ang maging tapat sa mga pangako

sa atin ang lahat kaya'y isang laro~~

"laro lang ba?" butt-in muli ni Kuya Imbo

~~sadyang pag-ibig natin ay nakakapanghinayang~~

"totoo!!!" butt--in naman ni Direk Cathy. pati ito ay nakisali na sa kakulitan nila Kuya Imbo. kanta pa rin ng kanta ang mga ito na para bang nanloloko, habang si Kuya Imbo ay panay ang comment sa kanta

kunwaring nakapikit at tulog lang siya. ganun din naman si Sarah ngunit naririnig nito ang mga kasama

iniaayos ni Kuya Imbo ang rare mirror. iginawi ito sa kanan, at pati na rin sa kaliwa "oy tulog!!!" sabi ni Kuya Imbo ng makita niya ang dalawang nakasandal at nakapikit

"lipat na nga natin" sabi ni Kuya Imbo. inilipat naman ni Kuya Imbo ang istasyon ng  radyo

napamulat silang sabay ni Sarah ng narinig nila ang sunod na kanta

~~Babe, I love You~~

mukhang nananadya ang pagkakataon at inaasar silang dalawa

..................

SORRY GUYS...YAN MUNA SA NGAYON!! 

SORRY DIN KUNG MADALANG NA LANG YUNG UPDATE!! 

BUYS BEE KASI E...

ANYWAY COMMENTS/VOTES

HAPPY SUNDAY!!! 

MAGSIMBA HA??....

#522

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon