CHAPTER 37.

5K 79 34
                                    

pagpasok niya sa tent ay nakita niya ang alaga na nakaupo sa isang sulok. nakayuko ang ulo nito sa lamesa

"Sa?" tawag niya dito. lumapit siya sa kung nasaan ang alaga "andito ka na pala hindi ka man lang nagpapakita sakin" sabi niya rito. wala namang kakibo kibo si Sarah, nakayuko pa rin ang ulo nito sa lamesa

"huy? Sarah?" tawag niyang muli dito. marahan pa niya itong tinapik sa balikat "okay ka lang ba? may masakit ba sayo?" tanong niya dito. ngunit wala nanaman siyang nakuhang sagot mula sa alaga 

"Sarah? huy?" marahan niyang niyugyog ang dalaga "huy?? tulog ka ba? Sarah?"

nag-angat naman ng ulo ang alaga at nakita niya ang namumugtong mga mata nito na halatang halata na galing sa pagkakaiyak "bakit? anung nangyari sayo? bakit ka umiiya--?" hindi na niya naituloy pa ang sinasabi ng bigla bigla yumakap si Sarah sa kanyang bewang. naramdaman niya ang paghikbi nito

kung hindi siya nagkakamali, mukhang alam na niya ang dinaramdam ni Sarah. hindi naman na siya nagtanong pa. hinimas himas na lang niya ang likod nito at niyakap niya ang alaga ng buong higpit

umaasa siya na kahit paano'y maiibsan ng yakap niya ang lungkot na nararamdaman nito sa puntong ito

"sige. iiyak mo lang yan" sabi niya sa alaga "andito lang ako"

~~o~~o~~

nakaupo silang dalawa sa may tabi ng mga camera. hawak hawak niya ang isang plato ng pancit na pinagsasaluhan nilang dalawa ng kasintahan. actually, si Maja lang nga ang kumakain ng hawak hawak niya. siya ay kanina pa pagala gala ang mga mata

"so kamusta ka naman dito nung wala ako?" tanong ng nobya sa kanya 

"ha?" tila hindi niya yata narinig ang katanungan ni Maja dahil ang mga mata niya ay naglalakbay sa ibang lugar

inulit naman ng kasintahan ang tanong "kamusta ka nung wala ako?"

binalingan niya ito ng tingin "anu yon?"

"sabi ko kamusta ka nung wala ako?" ulit muli ni Maja

"okay naman" tipid na sagot niya sabay gala muli ng mga mata 

"kamusta yung Baguio nyo?"

muling niyang binalingan ng tingin ng kasintahan "okay naman din" tipid na sagot niya at iginala nanaman muli ang mga mata 

binalingan niya ng tingin si Maja "kanina ka pa dito?" tanong niya sa kasintahan. tumango naman ito bilang tugon "hindi naman. actually kadarating ko lang din nung dumating ka" sagot nito sa kanya "gusto mo?" alok ni Maja sa kanya ng ilang hibla ng pancit na nasa kutsarang hawak nito. nakangiti naman siyang umiling dito 

"san ka ba galing, Bie?" tanong nito sa kanya sabay subo ng pancit

"uhmmm...ano, bumili ng pancit" sagot niya 

"A..." nasabi naman ni Maja "masarap ha" komento nito sa kanya

"bat hindi ka pala nag-sabi na ngayon ka uuwi?"

"kasi gusto kitang isuprise" nakangiting tugon nito sa kanya "nasuprise ka ba?" tanong nito sa kanya "wag na magdeny" panunukso pa ng kasintahan sa kanya. tumawa na lang siya ng bahagya

"yung tour niyo pala kamusta?" tanong niya dito

"yung tour?" nakangiti panimula ng nobya "nako Bie...sobrang overwhelming! ang daming nagsipunta sa mga shows namin. ang daming sumuporta. yung mga games, sobrang enjoy saka yung mga tao talagang game sila sa lahat ng favor namin. meron nga dun Bie e, trineat niya kami ng isang fan sa isang famous restaurant sa Okie, grabe ang sarap nung pagkain, mahal nga lang. pero, grabe lang talaga yung experience namin. nakataba ng puso yung dagsa nung mga tao"

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon