CHAPTER 33.

5.6K 85 17
                                    

"asan si Ate Shine?" parang batang sabik na tanong niya sa kanyang Mommy pagkapasok nila ng gate

"nasa loob" sagot naman ng kanyang ina

patakbo siyang naglakad papasok ng kanilang bahay. natatawa't napailing na lang si Ana at si Mommy Divine sa kanya

"kailan pa nandito si Shine, Mommy?" tanong ni Ana

"nung nakaraang linggo pa"

pinagbuksan naman siya ng kanilang mga kasambahay ng ng pintuan "goodmorning po Ma'am Sarah.." bati ng isa nilang kasambahay "si Ate?" tanong niya

"ay nasa taa---------"

"----Ate!!!!!!!!" hindi na naipagpatuloy pa ng kasambahay nila ang sinasabi nito dahil ng makita niya ang kanyang kapatid na si Shine na pababa ng hagdanan, ay dali dali siyang napatakbo papalapit dito at mahigpit na niyakap ito

"Pot!! teka lang......hoy!!!!" natatawang piglat ng kapatid niya "..teka naman!!!!"

"namiss kasi kita!!!" sabi niya 

"pero wag mo naman sana akong patayin diba?!" natatawa pa rin ang kanyang kapatid dahil sa inaakto niya. humiwalay naman na siya sa kapatid "hanggang kailan ka dito?"

nakaangkla siya sa braso ng kapatid habang sabay silang naglalakad papunta sa sala "one month lang ako dito tapos babalik na ulit ako ng Paris"

"ay bat ganun? one month lang?" nakalabi niyang angal sa kapatid

"ang tagal na kaya nun!!" 

"aba!!! gumaganda ka ha?!" komento ng kapatid niya na sinuri pa siya mula ulo hanggang paa

"ay, thank you naman!" ngiting ngiti niyang sabi

"eto naman, joke lang!!" ngiting ngiting bawi ng kapatid. nawala naman ang kanyang napakalapad na ngiti dahil sa naging hirit ng kapatid

"eto naman, pikon agad!!"

"ikaw kababalik ko lang, tapos ginaganyan mo na ko agad"

"speaking of that, kamusta ang Baguio?"

"okay naman!" 

"anung okay naman? anung klaseng sagot yan? hindi ka man lang ba magkwekwen--" 

hindi na natapos pa ng kapatid niya ang sinasabi dahil napukaw ang atensyon nito ng boses ni Ana "Shine!!!!!!!!!" 

tumayo naman si Shine mula sa pagkakaupo at sinalubong ng yakap si Ana "kamusta ka na?" 

"okay naman Ate, ikaw?"

pasalampak namang umupo si Ana sa kanilang malaking sofa "nako!!!! eto pagod!!! ang haba ng byahe e. yung pwetan ko nga ngalay na ngalay na sa pagkakaupo"

natawa naman si Shine sa sinabi ni Ana

"buti pinayagan kang mag-bakasyon kahit papanu"

"pinagpilitan ko talaga! saka isang buwan lang naman yung hiningi ko, grabe naman kung ipagkait pa nila, diba"

"sabagay..."

"saka ang hectic din kasi ng trabaho ko this past months kaya humingi muna ako ng pahinga"

"nakwento nga sakin ni Bebe, minsan daw---"

"---mamaya na yang kwentuhan niyo. hali muna kayo sa kitchen, nakahain na yung hapunan" yaya ni Mommy Divine sa kanila

tumayo naman na sila mula sa pagkakaupo. nauna ng nagtungo si Ana ng kusina. silang dalawa ay naiwan pa saglit ng sala, "oy Pot?" tawag ng kapatid sa kanya

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon