CHAPTER 74.

3.8K 127 31
                                    

"so wala ka pang place na matutuluyan ngayong araw?" tanong ng kapatid ni Sarah sa kanya. siya naman ay umiling bilang tugon sa naging tanong nito sa kanya 

"uminom ka muna.." usal ni Sarah sabay lapag ng isang basong tubig sa harapan niya. ang dalaga ay umupo na rin sa tabihan ng kapatid 

"ang alam ko meron room for rent diyan, sa may katabing bahay" usal nito sa kanya "...teka sandali, titignan ko nga" tumayo si Shine mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa pintuan "....mag-usap muna kayong dalawa diyan"

ng tuluyan ng makalabas si Shine, sandaling nabalot ng katahimikan ang pagitan nilang dalawa. si Sarah na ang unang bumasag nito

"buti pinayagan ka nila" sabi nito sa kanya 

napakunot naman ang kanyang noo "ha?"

"sabi ko, buti pinayagan ka nila"

mas lalong napakunot ang kanyang noo "nila? sinong nila?"

"yung management" sagot nito sa kanya "...buti pinayagan ka nilang magbakasyon kahit na may trabaho ka pa"

"nadaan sa pakiusap" nakangiti niyang tugon

"papanu na yung teleserye mo?" tanong muli nito sa kanya "...tatanggalin ka na nila dun?" dagdag pa nito

umiling siya "sila na daw bahala...basta bumalik din daw ako kaagad"

"gaano ka ba katagal dito?" 

"two weeks. dapat talaga three, kaya lang yung unang linggo ko dito, naubos kakahanap ko sayo"

"e bakit naman kasi hinanap mo pa ko" bahagyang natawa ang dalaga "...i mean, pwede mo naman akong tawagan, diba"

"pinahirapan mo pa yung sarili mo" pagpapatuloy ni Sarah

"alam ko rin naman na mahahanap kita e..." usal niya sa dalaga

"but you know what..." he smirked "...it funny that I'm the one looking for you"

"but it turns out you're the one who have found me.." 

maybe that's what you call....

FATE.

~~o~~o~~

"okay ka na dito ha?" narinig niyang tanong ng kapatid sa binata. nakangiti naman itong tumango kay Shine "salamat, Ate Shine"

"kapag may kailangan ka, tumawag ka lang o kaya puntahan mo kami sa kabila. alam mo naman na papunta sa Appartment ko, diba?"

muling tumango ang binata 

"o sige na, babalik na kaming dalawa"

 "hatid ko na kayo..." usal ng binata 

"wag na" pagtanggi ng kapatid "...ang lapit lapit lang naman. hindi na. okay lang kaming dalawa, saka ang laki laki naman ng katawan nito si Sarah, lahat mangingilag dito sa amazonang to" natatawang asar ng kapatid sa kanya. binigyan niya ito ng nanlilinsik na mga mata na hindi naman ikinatakot ng kapatid, patuloy pa rin ito sa pagtawa 

"sige na, hatid ko na kayo. okay lang sakin....saka hindi rin ako mapapanatag kung hahayaan ko lang kayong maglakad diyan, mga babae pa naman kayo"

"anu ka ba? nasa Paris ka no. harmless yung mga tao dito, hindi katulad satin. kahit nga maglakad ka pa sa kalsada ng nakahubad, walang manghahalay sayo"

"e sino namang matinong taong maglalakad sa daan ng walang saplot" pagsisingit niya sa sinabi ng kapatid 

"Ako!! kaya ko yun" nanlolokong patol ng kapatid sa kanya 

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon