CHAPTER 62.

4.3K 110 22
                                    

"aray..putang---" piglat niya ng batukan siya ng kaibigan na si Fred 

"--anu??!!" nakakalokong sabi nito sa kanya "..tarantado ka talagang unggoy ka. pinag-alala mo lahat ng tao dito" dagdag pa nito "..san ka nagpunta?" 

"diyan lang" simpleng sagot niya sabay hawak sa ulong nabatukan ng kaibigan

napakunot naman ang noo ni Fred sa kanyang naging sagot "anung diyan lang??" bulyaw nito "..e halos hindi ka namin mahanap e. walang nakakaalam kung nasan ka"

"well except for Sarah" pag-sisingit ni Ken. sumalo na din ito sa usapan nilang dalawa ng bestfriend niya sa sala ng kanilang tahanan. umupo ito sa kaharap na upuan niya at inilapag sa lamesa ang hawak hawak na orange juice na dala nito 

hindi naman siya kaagad nakaimik sa sinabi ng kapatid 

"it's funny how all of us have no idea where you are, except to her" dagdag na litanya pa ng kapatid "..pati nga sarili mong girlfriend hindi alam kung nasan ka e" pagpapatuloy pa nito sa sinasabi

"ex..." he blurtted

parehong napakunot ang noo ng kapatid at kaibigan

"what do you mean by ex?" tanong ni Ken

"she broke up with me..." nakayuko niyang sagot "...four days ago to be exact"

sandaling nanatiling tahimik ang dalawa habang siya ay isinandal ang sarili sa sofang kinauupuan at pilit na nagpakita ng ngiti sa kanyang labi

"are you okay?" tanong ni Fred sa kanya na sinagot naman niya ng iling "it will never be okay to hurt someone, lalo na yung taong nagmamahal sayo. ang bigat dito" wika niya sabay turo sa kanyang dibdib

"nung time na wasak na wasak yung mundo ko, isa si Maj sa mga naging sandalan ko. kaya nga siguro nahulog yung loob ko sa kanya e, kasi tinulungan niya kong maging okay ulit...tapos sasaktan ko lang din pala siya" binalingan niya ng tingin si Fred na nakaupo sa tabihan niya 

"Bro, alam naman kasi nating lahat e, kung anung totoo. ikaw lang ang ayaw umamin. mahal mo pa rin si Sarah diba?" 

tinignan lang niya ang kaibigan dahil sa sinabi nito. tama si Fred, siya na lang ang hindi umaamin na mahal niya pa rin si Sarah. bukod tanging siya na lang....

"nung iniwan mo si Sarah...iniwan mo siya hindi dahil gusto mo diba? kundi dahil yun ang akala mong kailangan mong gawin. pero alam natin na nung bumitaw ka...kamay mo lang yung bumitaw pero hindi yang puso mo"

"tama si Fred, Kuya. kung di mo na mahal si Sarah nung binatawan mo siya, it would never be hard for you pero diba halos mawasak yung mundo mo nun. ayaw mo ng kausap, hindi ka lumalabas ng kwarto, alak lang laging laman ng tiyan mo...kasi diba, hindi naman talaga yun yung gusto mong desisyon...hindi mo naman talaga gustong iwan si Sarah"

"at inulit mo lang din yung sinabi ni Fred" sabi niya sa kapatid na ikinatawa naman ng dalawa "...pero alam niyo, kahit labag sa loob ko na sabihing tama kayong dalawa. pero tama talaga kayo e. dapat hindi ko siya binitawan...dapat hindi ako sumuko, dapat hindi ko siya iniwan. mali ako dun...maling mali ako dun"

"mali na tama din" wika ni Fred na ikinapukaw ng atensyon niya at ng kapatid "what do you mean?" tanong ni Ken sa binata

"sometimes, we need to be apart with the people we love....for us to grow up" sagot ni Fred "...you both, are sure about each other, but you're not sure about yourself, at yun yung naging problema. diba we always start with the self, before other people" pagpapatuloy nito 

"it takes two whole people, individually whole...to create a whole love story" pagsisingit ng kanyang ina na kanina pa pala nakikinig sa usapan nilang tatlong lalaki "...kasi kung hindi ka buo, palagi mo lang sisihin yung taong minamahal mo sa lahat ng pagkukulang mo. na ang pakiramdam mo siya ang nagkukulang where in fact ang pagkukulang ay na sayo, sa sarili mo" pagsisingit ng ina 

JUST ONCEWhere stories live. Discover now