CHAPTER 43.

5K 98 28
                                    

ngayon ang araw ng pagpunta nila sa Palawan para sa isang eksenang kukuhanan nila doon. halos lahat sila ay nasa meeting area na at isang tao na lang ang iniantay nila. napagpasyahan kasi nilang grupo na sabay sabay ng umalis ng Maynila

"text mo nga ulit sila Sarah?" pakiusap ni Direk Cathy kay Jess "...baka kung anu ng nangyari sa mga yun"

"Direk, trapik daw po kasi" balik tugon ni Jess. tumango tango lang naman si Cathy

siya ay tahimik lang na nakaupo sa isang tabi bahagyang may kalayuan sa mga kasama

"pssst.." mahinang tawag ni Nhila sa kanya "....okay ka lang ba?" tanong nito sa kanya sabay hila ng upuan malapit sa kanya at duon umupo sa tabihan niya 

"oo naman" mahinang tugon niya 

"may gusto ka bang pag-usapan?" tanong ng handler muli sa kanya. kilalang kilala na siya ng kanyang Ate Nhila. alam na alam nito kung kailan siya masaya at kung kailan siya napapanggap na masaya lang. nitong mga nakaraang araw, napapansin na siya ng handler na medyo matamlay at para bang may iniisip. kahit na sa ibang tao ay nakikipagtawanan siya, nakikipagkulitan at kwentuhan....alam na alam ng kanyang Ate kung anu talaga ang nasa loob niya

umiling siya "wala" pilit na pinasisigla ang boses pati na rin ang sarili

"sigurado ka?" mata sa matang tanong sa kanya ng handler

tumango siya ng ilang ulit at tipid na binigyan ng ngiti si Nhila

"kamusta kayo ni Maja?" 

"kami?" tanong niya "..okay naman...okay--okay kami" pagsagot niya "bat mo naman natanong, Ate?"

"wala lang" sagot nito sa kanya sabay kibit balikat

"kayo ni Sarah?" nakayukong tanong sa kanya nito "....kamusta kayo?" sabay baling sa kanya. inalis naman niya ang tingin mula sa handler at yumuko "okay kami" sagot niya sabay ngiting pilit "...sabi naman niya okay kami e"

tumango tango na lang si Nhila sa sinabi niya. sandaling nabalot ng katahimikan ang pagitan nilang dalawa ng handler ngunit bigla rin iyong naglaho ng mapukaw ang atensyon nilang dalawa ng isang boses na tumawag sa pangalan niya 

dali dali siyang tumayo sa kinauupuan at nilapitan ang babaeng tumawag sa kanya "Maj?" bati niya rito. hinawakan niya ang magkabilang braso ng dalaga "..anung ginagawa mo dito? akala ko ba may trabaho ka?" sunod sunod na tanong niya 

"e ayoko namang sa phone lang magbabye sayo e" sagot nito sa kanya "..ilang araw din kitang hindi makikita" dagdag pa ng dalaga 

ngumiti naman siya "ang Baby ko nagpapakababy" sabi niya, pinisil pa niya ang magkabilang pisngi ng kasintahan "limang araw lang naman kami dun"

"kahit na" tugon ng dalaga na akmang maiiyak na "...mamimiss pa rin kita"

ngumiti siyang muli sa sinabi ng kasintahan 

"I love You..." sabi nito sa kanya na siyang unti unting nagpalaho ng ngiti sa kanyang labi

malambing naman ang pagkakasabi nito sa kanya ng mga salitang iyon ngunit bakit tila hindi man lang  natunaw ang kanyang puso, bagkus....

para itong naging bato na bigla bigla na lamang nanigas at tila napatigil sa pagtibok

"...I......" pagsisimula niya "I...uhmm..." napalunok pa siya sa kanyang lalamunan "..I...I---love you" pagpapatuloy niya sa kaninag nauutal niyang salita 

nagulat naman siya ng bigla siyang binigyan ng halik sa labi ng nobya

~~o~~o~~

"uy sorry guys talaga" pagpapaumanhin ni Ana sa mga kasama "..trapik talaga e" dagdag pa nito "sorry, sorry!!" 

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon