Said I Love You, But I Lied - Chapter 20

217 7 2
                                    

Chapter 20:

TONI’s POV

“Here’s the deal.” Inilapag ko ang folder sa kanyang harapan saka tahimik na naupo. “Dahil ako ang tutulong sa’yo, wala kang karapatang tumanggi. Susundin mo kung ano ang nakasulat dyan.”

“Ano ito?” Hawak nya ang folder na kanina ay hawak ko.

“Baka folder.” Sabay irap. Hello? Hindi ba nito alam kung ano ang hawak nya?

Hindi na sya sumagot. Tahimik nyang binasa kung ano ang nakasaad sa kontratang ginawa ko.

“Ano ito? Bakit may ganito?” nagtataka nyang tanong.

“Tulad nga ng sinabi ko, dahil ako ang tutulong sa’yo wala kang karapatang tumanggi.”

“Pero bakit kailangan may ganito pa?”

“Baka nakakalimutan mo magpapanggap lang tayo?”

“Kung wala kang tiwala sa akin, bakit gusto mo pa akong tulungan?”

“Tama ka. Wala nga akong tiwala sa’yo, pero gusto pa rin kitang tulungan. Kung bakit? Hindi ko rin alam. Mas naiisip ko kase rito ang kapakanan ni Ivy kesa sa’yo. Gusto kong mamulat sya sa katotohanan na nagsasayang lang sya ng panahon. Na wala kang kwenta. At hindi ka deserving.” Buti na lang nagpraktis na kami nina Mikki ng mga sasabihin ko. Hindi na ako nauutal. Parang natural lang ang lahat.

“Teka teka—Foul naman ata ang mga sinasabi mo?”

“At anong gusto mong marinig? Na nagkakandarapa sa’yo ang mga babae? Na layuan ka nya dahil hindi mo sya gusto? Na may girlfriend ka na? At mahal na mahal mo?”

“Wait? Anong girlfriend?”

“Ahh-wala lang. Nasabi ko lang yon. Proceed ba tayo.” Takte! Muntik na ako don ah. Madudulas pa ako ng wala sa oras. Pero itong si Kumag nangiti pa. Praning siguro.

“Rules to follow. Number one, Bawal akong halikan sa lips.”

“Pano sya maniniwalang girlfriend kita kung hindi kita hahalikan sa lips?” nakangiti nyang tanong. Akala mo ha! Mautak ata kami. Hindi ka makakaisa. Mahirap na.

“Conservative ako. Sa cheeks lang pwede. PERO--”

“Sa cheeks na nga lang may pero pa?”

“Rule number one pa nga lang yan umaangal ka na kaagad? Eh kung humanap ka na lang kaya ng ibang babaeng magpapanggap sa girlfriend mo para maitaboy mo na  ng tuluyan ang pugitang yon sa buhay mo?”

“Sabi ko nga. Ano iyong pero mo?”

“Sa cheeks lang pwede. Pero kung hinihingi lang ng pagkakataon.”

“What?”

“Aangal ka pa?”

“May sinabi ba ako?”

“Okey! Mabuti na iyong malinaw. Rule number two, Dahil nagpapanggap akong girlfriend mo, bawal kang lumapit sa ibang mga babae lalo na kung flirt. Selosa ako.”

“Okey lang. Ayoko rin namang lumapit sa kanila at waal ring balak. Really, magseselos ka?” nakatitig sya sa akin. Para tuloy akong tanga, napangiti ako.

“Syempre chika lang ‘yon. Rule number three, sweet lang tayo kapag nasa paligid si Ivy. Kung wala, kiber na.”

“Anong kiber?”

“Deadma lang.”

“Okey!”

“Rule number four, Bawal manghimasok sa personal na buhay ng bawat isa, except kung si Ivy ang involve.”

“Okey!”

“And the last, the rule number five. Top secret lang ang tungkol sa pagpapanggap na ito. Bawala ichismis at baka magthrending pa sa social media.”

“You mean tayo lang ang nakakaalam?” tila hindi sya sang-ayon base  sa pagkakakunot ng kanyang noo.

“Correction! Tatlo tayo. Pagdating kay Ivy magjowa tayo. Hindi nga lang nya alam na nagpapanggap lang tayo. Bakit? Gusto mo bang ipost sa facebook na In-A-Relationship ka na?”

“Sana. Okey lang ba sa’yo?” Nakangiti sya sa akin. Bwusit! Bakit lalo ata syang nagwapo?

“Hiyang-hiya naman ako sa’yo.” Saka ko sya inirapan. Pero deep within kinikilig ako. PUTA! “Pirmahan mo ‘to. Ang lumabag pwedeng kasuhan.” Binalik ko sa kanya ang folder para mapirmahan nya. Tig-isa kami ng kopya.

“Ano ito? Bakit may PS pa?”

“Oo nga pala. Ang PS, ang pinaka-importante sa lahat. PS, Wala kang babanggitin kay Jaypee kahit na ano. Remember, nagpapanggap lang tayo at hindi tayo close. Ito ang huwag na huwag mong kakalimutan. Kapag ito nakarating kay Jaypee, humanda ka sa akin.”

“Bakit hindi pwedeng makarating kay Mr. Sarmiento?”

“Huwag mo ng alamin. At huwag ka ng madaming tanong.”

Matapos magkapirmahan nagkamay pa kami bilang formality. Nagpalitan na rin kami ng mga cellphone number para makontak namin ang isa’t isa. Pero syempre hindi ko sya kokontakin, bahala syang tumawag. Hindi ko sya pag-aaksayahan ng load.

“May gusto lang akong idagdag sa mga rules na ginawa mo.” napatingin ako sa kanya ng marinig ko syang magsalita. Magkasama pa nga pala kami. “Iyong five rules na pinirmahan ko, pwede mong gawin sa akin. Pwedeng-pwede mong labagin”

Naiwan akong nakanganga doon. Anong ibig nyang sabihin?

Hanggang makauwi palaisipan pa rin sa akin ang huling sinabi ni Dennis. Naguguluhan na tuloy ako. Tama ba talaga itong gagawin ko? Hindi nya alam na nasaktan nya ako pero heto at lolokohin ko pa sya. Isa akong manloloko.

Nakahiga na ako sa kama at hawak hawak ko pa  rin ang kontrata. Pinag-isipan naming mabuti nina Khaye kung ano ang isusulat dito. Ginawa lang naming lima, para hindi naman gaanong OA. Pero para sa akin, anim ang rules na dapat sundin. Iyon nga lang, nakasulat ang rule number six gamit ang invisible ink.

Rule#6: Bawal mainlove. MULI!

Hindi nya mababasa ang rule number six. Alam ko namang malabo syang mainlove sa akin. Ang iiwasan ko naman ay ang MULI.

Dahil ayoko ng MAULIT MULI!

Said I Love You, But I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon