Chapter 54 - Untitled.2

420 15 0
                                    

" Untitled.2 "

- Daniel's POV -

Nakasalubong ko pa sa may sala si Tita Katrin na nakaupo at seryoso ang mukha. Alam ko naman na sa simula pa lang aware siya sa mga nangyayari ngayon dahil na din kay tito Lionel. Parehas lang naman kami ng iniisip at marahil maging ang maaaring kalabasan ng gulong ito. Hindi ko naman pwedeng itanggi sa sarili ko na ginagawa nila ang lahat ng ito just to protect Shayne na alam naman natin na walang kaalam alam sa mga nangyayari maging ang kumpanyang pinagtatrabuhan ng kanyang mga magulang. Lahat isinikreto nila sa kanya kaya pati nga ang magiging wakas ng kwentong ito ay hindi ko alam kung magiging maayos ba o taliwas sa iniisip ng karamihan o pwede din na happy ending kaso mukhang malabo!

Ngayon pa lang, malaking gulo na ang kinakaharap naming dalawa pero ano magagawa ko? Ang mga pagsubok na ito ang magpapatatag sa amin ni Shayne at maging sa mga taong nakapaligid at malalapit sa amin. Tama! Umpisa pa lang ito. . Kung may nalalaman na ang tropa ni Shayne, alam ko mauunawaan nila ako.

Lumapit at tumabi ako sa kanya na siya namang ikinagulat nito.

" Iho, nandyan ka pala? Pasensya na hindi kita naramdaman kanina na tumabi sa akin. Sa dami ba naman ng iniisip ko. " Malungkot at walang kabuhay buhay nitong sinabi sa akin. Umusog ako ng kaunti papalapit sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay bilang pagpapakita ng may pag-asa pa at huwag sumuko.

" Tita. . Huwag na po kayo mag-alala pa. Gumagawa na po tayo ng paraan para maresolba ang problemang kinakaharap natin ngayon. Ginagawa na po ni Daddy ang lahat ng kanyang makakaya para manatiling nangunguna ang kumpanya natin. Kung hindi pa po nasasabi ni tito Lionel sa inyo, pumayag po ako sa kagustuhan ng daddy ko na maging kasintahan ulit ang tagapagmana ng kalaban nating kumpanya kahit na ang kapalit nito ay ang masaktan kami pareho ni Shayne. " Nakaramdam ako ng kirot. Masasaktan at masasaktan talaga kami dito at pagkatapos ng B.A Week na sisimulan na ang paghahanda nito by next week, iyon na din ang hudyat para kalimutan ang lahat ng mga bagay bagay na meron at nag-uugnay sa aming dalawa.

Ngumiti muna siya bago magsalita. Pinipilit lang niya na maging maayos ang kanyang postura para  sa gayon ay hindi ko mahalata na malalim ang iniisip niya at alam ko na bukod sa kumpanya ay may iba pa siyang pinoproblema.

" Daniel, hindi mo naman kailangan na isakripisyo ang nararamdaman mo sa anak ko hanggat maaari, ipaglaban niyong dalawa ito at kung mismong anak ko na ang unang bumitaw, sana galangin at respetuhin mo ang nagawa niyang decision. " Napayuko ako bigla at unti unti ko nang binawi ang kamay ko.

May punto naman talaga ang sinasabi ng Mama niya pero kahit anong paglaban ang gawin ko, wala pa din pinagbago! Mahina pa din ako at talunan gaya ng dati. Umpisa pa lang may mali na dito sa mga pangyayari pero anong ginawa ko? Nagsawalang kibo ako! Kaya ang resulta? Saktan ang sarili ko at ang taong pinakamamahal ko !

" Please! Ikaw lang ang makakagawa ng paraan para matapos na ito. " Pagmamakaawa nito.

" Huwag na po kayong mag-alala! Manalig lang po tayo sa Panginoon. "

Nagpaalam na ako na aalis na ako at sinabi ko din na natutulog pa hanggang ngayon si Shayne. Pagkalabas ko sa bahay nila ay padabog akong nagpunta sa kotse. Naihampas ko ang manibela ng sasakyan sa sobrang inis. Bakit pa kasi kailangang mangyari ang lahat ng ito! Bakit kasi pati mga taong walang kamalay malay nadadamay!

" Kailangan kong makausap si Dad regarding this!! Hindi ko na pwedeng patagalin pa ito! " Pinaharurot ko ang kotse ko pauwi sa mansion.

Eksakto namang pagkadating ko ay nasa labas pa ang kotse nito at mukhang kararating lang. Agad agad akong bumaba ng sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob ng mansion at puntahan sa mini-office nito na matatagpuan malapit sa kwarto nila ni Mom. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako pumasok. Humugot na din ako ng malalim na hininga at lakas ng loob.

Thanks For The Memories (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora