Chapter 40

52.9K 1.8K 90
                                    

Pagkauwi sa bahay, naabutan kong nakabusangot na naman ang mukha ni Lola. Nagmano na lang ako sa kaniya at dumiretso kaagad ako patungo sa may hagdan.


Hindi pa ako nakakahakbang sa unang baitang ay may narinig na akong kumakaluskos sa may kusina. Napahinto ako sa aking kinatatayuan at masugid kong pinakinggan ang kaluskos na iyon.


"Ang sarap talaga rito. Hmmm..." rinig kong sambit nito na para bang may nginunguya pa.


Napangiwi kaagad ang aking itsura dahil sa narinig kong iyon. Nagtataka ako dahil mukha itong hayuk na para bang hindi pinakain ng isang buwan kung makaasta. At dahil dito, tinangka kong puntahan ang kusina.


"Ahhh! Walang hiya ka!" Sigaw ko rito nang makita kong nakabukas ang refrigerator at nilalantakan niya ang mga pagkain dito.


"Lumayas ka rito!" Sambit ko pa sabay palo sa kaniyang katawan at ulo.


"Ah, itigil mo na iyan! Masakit!" Daing niya habang nakadepensa ang kaniyang kamay.


"Anong nangyayari rito?" Bungad ni Lola Alette kaya napahinto kaming dalawa.


Tinitigan ko ang lalaking ito ng masama dahil panlalapastangan niya sa aming ref. Mantakin mo ba naman, sa kanang kamay ay may hawak na fried chicken at pakwan naman sa may kaliwa. Damuho talaga, masyado siyang matakaw.


Pero kahit matakaw siya, maganda pa rin ang katawan niya kahit na papaano. Mukhang ka-edad ko lang din siya pero mukha siyang gusgusin. Hindi niya kayang ayusin ang kaniyang sarili.


"Morixette, nakalimutan kong sabihin sayo na dito muna titira ang pinsan mo. Anak iyan ng Tita Dipsy mo. Nandito iyan sa Manila para magtrabaho." Paliwanag ni Lola habang nakapameywang at nakakunot pa ang noo.


"Okay." Tangi kong sambit na may halong panunuya.


"Iwan ko muna kayo riyan. Mag-usap kayo." Dugtong pa nito at umalis na.


Hay, ang tanda-tanda na ni Lola Alette pero ang sungit pa rin. Kay Ate Roxette lang yata siya mabait. Minsan iniisip ko kung may period ba si Lola kay menopause na siya.


"Hoy! Ang siba mo!" Turan ko nang mapansin kong bumalik na naman siya sa pagkain.


Nakahalukipkip ako sa gilid niya habang patuloy sa pagkalkal sa ref namin.


"Sorry ah? Gutom lang. Nga pala, ako si Jaycee ikaw?" Aniya nang huminto siya saglit at iniabot sa akin ang kanang kamay niya.


"Morixette." Matipid kong sambit habang nakataas ang kanang kilay ko.


"Hindi ka ba makikipagkamay man lang? Nangangawit na ako oh." Dugtong pa niya na nasa ganoon pa ring posisyon.


"Sa tingin mo ba'y makikipagkamay ako sayo kung ang dugyot ng kamay mo?" Pagtataray ko.


"Ang arte mo naman pinsan. Sige, sa susunod na lang ako makikipagkamay sayo kapag malinis na kamay ko."


"Baka madungisan ko pa ang maganda mong kamay kapag nagkataon, kasalanan ko pa." Dugtong pa niya sabay talikod sa akin at nagwalk-out.


Aba, ang kapal niya talaga! Ang sarkastiko niya. Kung wala lang dito si Lola, kanina ko pa iyan nabatukan. Amp!


Nang dahil sa tagpong iyon, minabuti ko nang umakyat sa aking silid para makapagpalit ng damit at makapagpahinga.


Pagkapasok sa kwarto, ginawa ko na ang lahat ng aking gagawin tapos nahiga na ako sa aking kama.


Habang nakahiga, iniisip ko pa rin kung ano bang mangyayari bukas lalo pa't ipapakilala na ako ni Charlie sa ate niya. Usapan kasi sa school, sosyal daw ito masyado at ayaw dumidikit sa mga taong walang class. Mukhang mapapahiya ako sa kaniya bukas.


Sabi nila, napakaganda raw ng ate ni Charlie at sikat na sikat ito sa school. Dyosa kung dyosa, madedegrade ka raw talaga kapag tumabi ka sa kaniya.


Pero teka nga, bakit ko ba iniisip ang mga ganitong bagay? Nagmumukha akong paranoid eh. Dapat hindi ako matakot sa kaniya dahil tao lang din naman siya. Kung hindi niya ako magustuhan, ade okay lang. Hindi ko naman dapat ipagsiksikan ang sarili ko sa ate niya para magustuhan ako nito. Mahirap magpakaplastik kaya kailangang magpakatotoo.


"Good night, pinsan! Haha!"


Nagulat ako dahil nakadungaw sa may pintuan si Jaycee at inuurat pa ako. Napatayo tuloy akong bigla sa aking kama.


"Tse! Matulog ka na!" Sigaw ko at ngingisi-ngisi itong umalis.


Nakalimutan ko palang i-lock yung pinto kanina. Pero kahit na mukhang maloko si Jaycee, mukha naman siyang mabait.


Hihiga na ulit sana ako nang biglang makita kong nagliliwanag na naman ang libro sa loob ng aking bag kaya dali-dali ko itong kinuha.


Pagkabukas ko rito, may panibagong mensahe na naman itong ipinarating.


"Dapat lang na palamigin ang nag-iinit na ulo bago pa ito makagawa ng kung ano sa kapwa niya tao."




The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon