Chapter 27

55.7K 2.1K 160
                                    

Nang dahil sa pangyayaring iyon, napagpasyahan namin ni Divine na umuwi muna sapagkat dumating naman na ang mga kamag-anak ni Padre Santiago.


Hindi naman na masyadong masakit ang paa ko kaya naman nakakalakad na ako ng ayos kaaya no worries.


Hapon na nang ako'y makauwi sa amin. Pagkarating ko, nagmano lang ako kay Lola Alette at dumiretso na ako kaagad sa kwarto ko. Hindi ko pinahalata sa kaniya na iika-ika akong maglakad dahil sisisihin na naman ni ang mga kaibigan ko.


Pagkabukas ko ng pinto ng aking kwarto, tumambad sa akin si Ethel na nakaupo sa aking kama. Nakangiti ito at parang masaya siya.


"Binabati kita sapagkat napagtagumpayan mong matalo ang ABaKaDa. Pero hindi ka dapat pumetiks-petiks na sapagkat marami ka pang kakaharapin." Aniya habang may banayad na ngiti ang namumutawi sa kaniyang mukha.


Nginitian ko lang siya kasi masaya rin ako. Umupo ako sa kama ko at tumabi sa kaniya.


"Again, ika'y aking binabati dahil nakapagligtas ka ng buhay. At dahil diyan, may isang tao ka nang maaaring buhayin matapos mamatay nang dahil sa Alphabet ni Ate Helga." Aniya at tsaka tumayo sa aking kama at niyakap ako. Hindi ko siya talaga nahahawakan pero nararamdam ko naman ang init ng kaniyang presensiya.


Tuwang-tuwa ako dahil maaari ko nang buhayin si Ate Roxette. Maaari ko na siyang muli kapag natapos ko ang ABaKaDa.


"Pero lagi mong tatandaan, pilitin mong mabuhay sa pagtatapos nito. May sorpresang hatid ang ABaKaDa kapag napanatili mong buhay ang iyong sarili." Dugtong pa niya.


"Oo naman. Kakayanin ko!" Masigla kong turan.


Matapos ang tagpong iyon, natulog na ako. Kinabukasan, nagising ako dahil sa pagkuliling ng alarm kong nagsusumigaw.


Bumangon ako kaagad para patayin ito. Nagulat ako dahil may note na nakasulat dito. Kinusut-kusot ko muna ang mata ko para siguraduhing hindi ako nananaginip.


"Sa pagmulat ng iyong mga mata, alalahanin mong may nagmamahal sayo sinta."


Napangiti naman akong bigla kaya ibinulsa ko ang papel na iyon. Pagtayo ko, may gatas naman akong nadatnan sa aking ulunan malapit sa aking kama. May sulat din sa tabi nito.


"Painitin mo muna ang iyong sikmura, para naman ang bad vibes ay iyong masupla."


Kinuha ko na ito at ininom nang walang pag-aalinlangan. Dumiretso kaagad ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush nang may madatnan na naman akong note sa may salamin.


"Mas maganda ka pa sa umaga kaya ako sayo'y laging nahuhumaling sa tuwina."


Kinilig naman ako kahit papaano. A for the effort! Sino naman kaya ang mangangahas na gumawa nito? Hindi pa naman alam ng parents ko na may boyfriend ako.


Matapos kong gawin ang lahat ng ritwal ko sa umaga, napagpasyahan kong bumaba na para kumain ng agahan.


Napatakip na lang akong bigla sa aking bibig dahil sa aking nakita. Dahan-dahan akong naglakad patungong hagdan habang gulat pa rin sa mga nangyayari.


Dahan-dahan akong bumababa sa hagdan habang dinarama ang moment na ito. Sa hagdan, may petals ng rosas na kulay ang dito'y nakasalansan. Naiiyak ako sa sobrang ligaya. Feeling ko, ang espesyal ng araw na ito.


Pagkarating ko sa baba, napaigtad akong bigla dahil may narinig akong pumutok. Iyon pala, confetti lang iyon na ngayo'y nalalaglag mula sa itaas. Napakasaya ko ngayon dahil dito.


Sa paglalakad ko sa sala, may bubbles namang nagsisipaglibutan sa loob ng aming bahay. Ang cute at sweet lang kasi romantic na ito para sa akin. Special day ever.


Hinanap ko kung saan nanggagaling yung bula, iyon pala, mula ito sa may kitchen. Naglakad ako patungo roon dahil wala pa talaga akong nakikitang tao.


Pagkarating ko roon, napaiyak na lang ako sa sobrang tuwa.


"Happy Birthday Morixette!"

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon