Chapter 62

56.3K 1.6K 425
                                    

Pagkarating ko sa tapat ng aming bahay, hindi ko pa rin makalimutan ang kaganapan sa pagitan namin ni Charlie. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Basta ang importante, nasabi ko sa kaniya ang lahat ng gusto kong sabihin. Siguro naman, maiintindihan niya ako.


Pagkapasok ko sa loob ng aming bahay, nadatnan ko roon si Jaycee na nagluluto ng almusal.


"Ang aga mo yatang gumising ngayon?" bungad niya.


"Naalimpungatan lang. Sige, balik muna ako sa taas. Tawagin mo na lang ako kapag kakain na," pahayag ko sabay baybay patungo sa hagdan.


Alam ko sa sarili kong hindi maganda ang pakiramdam ko. May parte sa puso ko na parang naiinis sa sarili ko na ewan.


Pagkabukas ko ng pinto ng aking kwarto, bumungad sa akin ang libro na nagliliwanag sa loob ng aking bag kaya kinuha ko ito kaagad nang walang sigla sabay bukas habang nakaupo sa ibabaw ng kama.


Hindi ka nagtagumpay, sumalangit nawa ang kaniyang buhay.


Isa pa 'to. Kasalanan ko na naman kung bakit mayroon na namang namatay. Hinayaan ko lang siya ng walang ginagawang aksyon. Puro pagsisisi na lang ba ang ibabato sa akin ngayong araw na 'to?


Sa paglipat ng pahina, isiniwalat na sa akin ng aklat ang hatol niya rito.


Alphabeto: Nga 

Mensahe: Huwag kang lilingon kung puso'y ayaw dumagundong. Kapag nagulat ka, kumusta na lang sa iyong panga. 

Kamatayang ipinataw: Nganga


Napangiwi na lamang ako nang mabasa ko ito. Hindi ko ma-imagine kung paanong kamatayan ba ang ipinataw sa kaniya ng ABaKaDa, ang brutal siguro no'n. Ngunit, sino kaya ang biktima?


Itinabi ko na lamang ang aklat saka ko napagpasyahang mahiga. May kinuha akong libro sa may ulunan ko, minabuti kong magbasa-basa na lang muna.


Masarap magmahal, kahit ano'y isusugal. Itataya maging ang dangal, basta't pagsasama'y maging pagal.


"Mahal mo ba talaga ako, Mimi?" Tanong ni Tom sa kasintahan.


Sila'y nakahiga sa bubong habang pinagmamasdan ang nagliliwanag na buwan.


Habang nakahiga, hindi maiwasang titigan ni Mimi ang napakagwapong kasintahan. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na nabingwit niya ito.


"Oo Tom, mahal na mahal. Alam mo namang gagawin ko ang lahat para sa 'yo dahil mahal kita," paliwanag ni Mimi.


Napangiti si Tom dahil sa tinuran ng dalaga.


"Sobrang saya ko, Mimi. Simula nang dumating ka sa buhay ko, puro pagpapala ang natatanggap ko. Ikaw ang lucky charm ko," aniya.


The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon