Chapter 85

42.9K 1.4K 180
                                    

Paghihinagpis ang aking tinatamasa ngayon. Isa akong malaking tanga dahil hindi ko man napigilan si Helga. Hindi ko rin nakumbinsi si Dibina na huwag siyang umayon sa sakit niyang dinadala. Balewala ang payo ko sa kaniyang huwag mawalan ng pag-asa. Nagpadaig siya sa lungkot kaya kadiliman sa kaniya'y bumalot.


Walang choice ang mga magulang ni Dibina kundi ipa-cremate ang kaniyang katawan nang malaman ng mga ito ang nangyari sa anak. Hindi ko alam kung anong utak ba ang mayroon sila dahil hindi man lang sila umuwi agad para asikasuhin ang bangkay ng kanilang anak. Tatapusin muna raw nila ang business meeting bago umuwi. Nakakalungkot dahil mukhang napabayaan na nang lubusan ng mga ito ang kanilang anak.


Si Thirdy naman ay iuuwi na sa kanila mamaya para sa burol nito. Sobrang lungkot ng kaniyang magulang at inasikaso kaagad ng mga ito ang kanilang papeles para makauwi sa Pilipinas. Masasabi kong swerte rin si Thirdy sa mga magulang niya dahil ang future talaga niya ang inaalala ng mga ito hindi magpakayaman na lang basta. Kawawa si Divine dahil nabulag ng pera ang kaniyang mga magulang kaya napabayaan siya.


Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Eksakto namang napadaan ako sa chapel ng ospital kaya nang makatapat ako sa may pintuan pa lamang nito ay napaluhod na ako. Doon na tuluyang umagos ang mga luhang kanina pa rumaragasa. Hindi ko alam kung may mailuluha pa ba ako, tila ba said na said na.


Walang tao sa loob ng chapel kaya pumasok na ako kaagad doon. Hindi ako napadaan dito para magdasal, sabihin na nating kailangan ko muna sa ngayon ng comfort ng katahimikan.


Habang patuloy ako sa pagtaghoy, bigla namang nagliwanag ang libro sa loob ng aking bag kaya dali-dali ko itong inilabas.


Hindi ka nagtagumpay. sumalangit nawa ang kanilang buhay.


Heto na ang verdict ng ABaKaDa.


Alphabeto: A

Mensahe: Kung ang aso ay aw-aw; Ang pusa ay ngiyaw-ngiyaw; Kanino naman ang bessssss. Maging mabusisi sa senyales

Kamatayang ipinataw: Ahas


Alphabeto: Wa

Mensahe: Ang tubig ay buhay

Kamatayang ipinataw: Water


Dahil sa nabasa kong ito, gusto kong punitin na lamang ang libro o hindi kaya'y sunugin ito pero hindi maaari. Kinausap na ako ni Ethel noon patungkol dito.


"Hindi mo pwedeng punitin ang libro ni sunugin ito dahil kapahamakan sa iyo at sa mga taong biktima ang idudulot nito."


"Mamamatay kayong lahat kapag gano'n ang ginawa mo kaya mas mainam na tapusin mo kung ano ang nasimulan mo."


"Kung gano'n, wala talaga akong choice kundi tapusin ito?"


"Oo."


"E paano kung mamatay ako habang hindi ko pa ito tapos? Anong mangyayari?"

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon