Chapter 100 (part 2)

47.7K 1.3K 285
                                    

Humahangos akong sumakay ng elevator. Pagbukas ng pinto nito, sakto at walang tao kaya dali-dali akong pumasok sa loob.


Napatingin ako sa aking relo kung anong oras na.


"11pm," sambit ko.


Pinindot ko kaagad ang 1st floor. Kailangan kong magmadali at tumungo sa may park.


Mayamaya, nasa 4th floor pa lang ako nang biglang mawalan ng kuryente.


"Syaks! Malas!" giit ko.


"Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ko habang kinakalampag ang pinto.


"Walang makakarinig sa iyo kahit anumang ingay ang gawin mo," sambit ng isang babae.


Nanlaki bigla ang mata ko dahil sa pagkakaalam ko, ako lang ang tao rito.


Napasiksik tuloy ako malapit sa may pintuan. Inilabas ko mula sa loob ng aking bag ang aking cellphone para magsilbi kong ilaw.


Binuksan ko ang flashlight ng aking phone dahil sa sobrang dilim. Itinuon ko ito sa may sulok at...


Isang babae ang nakatayo rito habang may hawak-hawak na cepter. Ang kaniyang ulo ay mayroong koronang tinik. Hindi ko maaninaw ang kaniyang itsura dahil nakayuko siya.


Iginalaw ko pababa ang aking cellphone at doon ko natanglawan ang kaniyang katawan at paa.


Napasinghap akong bigla ng hangin nang makita ko ang dalawang dalagang nakatayo sa paanan niya, dalawang dagang nginangatngat ang laylayan ng suot niya at dalawang dagang nasa balikat niya.


"Ahhh!" sigaw ko. Naibato ko tuloy bigla sa kaniya ang aking cellphone pero tumagos lamang ito.


"Huwag kang mag-alala, magagaya ka rin sa akin," aniya at isang nakakatuyang ngiti ang pinakawalan niya bago siya tuluyang naglaho.


Magagaya sa kaniya? Anong ibig niyang sabihin?


Kinuha ko na lamang ang cellphone ko sa sahig para may magamit akong pananglaw ngunit nakayuko pa lamang ako, may nakita na akong ipis na umaaligid sa phone ko.


"Ahh!" tili ko.


Ang ayoko sa lahat, ipis. Nakikita ko pa lang siya, napapatili na ako.


Napatakip ako sa aking mukha dulot ng pandidiri. Ilang saglit lang, nagkaroon na ng ilaw dito sa loob pero hindi pa gumagana ang elevator.


Nakahinga na ako ng maluwag nang mawala na ang ipis sa sahig. Dinampot ko kaagad ang cellphone ko sa inilagay sa loob ng aking bag.


"Hindi ko kinaya," sambit ko habang nakahawak sa aking dibdib.


The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon