Chapter 4

93.3K 3K 500
                                    

Tuwang-tuwa ako nang makita kong muli si Lola Alette. Na-miss ko siya kasi ang tagal ko ring hindi nagbakasyon sa Cebu.


Sa likuran niya, nandoon sina Mama and Papa. Nakaformal attire si Papa kaya tiyak na galing siya sa trabaho. Ganoon din si Mama, magbabalik na rin yata siya sa pagtatrabaho.


Lumabas muna ang aking mga kaibigan pagkapasok nina Mama't Papa na kasama si Lola. Kahit pitumpo't tatlong taon na si Lola, malakas pa rin hanggang ngayon.


"Anak, hindi namin inaasahang pupunta sa atin ang Lola mo." Bungad ni Mama.


"At nang malaman naming isang linggo muna siya sa atin, siya muna ang titingin sayo. Medyo nakarecover na rin naman ako kaya babalik na akong muli sa pagtatrabaho." Pahayag ni Mama.


Naiiyak ako ngayon sa tuwa dahil medyo nakapag-adjust na si Mama matapos mamatay ni Ate. Hindi ko namalayang naluha na pala ako.


"Bakit ka umiiyak apo?" Singit ni Lola.


"Tears of joy lang po." Pahayag ko sabay punas ng aking luha.


"Asus, nagdadrama ang bunso ko. Payakap nga." Turan ni Papa kaya ginawaran niya ako ng isang napakahigpit na yakap.


Nakiyakap din si Mama na mas lalong ikinatuwa ng aking puso. "Patawad anak, patawarin mo ako dahil na kita nabibigyan masyado ng pansin dahil sa pagkawala ng Ate mo. Nakalimutan kong may isa pa akong anak na ngayo'y napapabayaan ko." Pahayag ni Mama na mas lalong humipo sa aking puso. Hindi ko na napigilan pa kaya sumidhi bigla ang aking damdamin ang tuluyan na ngang rumagasa ang mga luhang kanina pa nagbabadya.


Emosyonal talaga ako lalo na kapag usapang pamilya. Ewan ko ba, naiiyak talaga ako kapag seryosohan ang usapan namin.


"Magpapahuli pa ba si Lola?" Singit ni Lola at nakiyakap na rin sa amin. Group hug, pakiramdam ko tuloy ngayon ay kumpletong-kumpleto ako dahil sa mga taong higit na nagmamahal sa akin.


Pagkahiwal namin sa pagyayakapan, biglang nagsalita si Papa. "Nagbigay ako kanina ng excuse letter sa school mo kaya wala kang dapat na ipag-alala pa." Aniya.


"Talaga Pa? Salamat po!" Ani ko at para akong kantatara na nagkakakawag dito sa aking higaan.


"O siya, papasok na kami ng Papa mo ah? Ang Lola mo muna ang magbabantay sayo. Palakas ka anak, I love you." Pahayag ni Mama sabay halik sa aking pisngi.


"I love you rin po." Turan ko. Pakiramdam ko tuloy ngayon, ang daming nagmamahal sa akin. Nagpapasalamat ako kay God dahil binigyan niya ako ng isang pamilyang mamahalin ako ng lubusan.


Pagkalabas nila ng pinto, bigla namang nagsalita si Lola.


"Sayang, hindi ko man lang napuntahan ang burol ng iyong kapatid. Ang bait ng Ate mo, walang puso lang ang papatay sa kaniya ng ganun-ganun lang." Pahayag niya habang nakaupo sa aking bandang kanan at hinahaplos-haplos ang aking buhok.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon