Chapter 12

58.5K 2.3K 628
                                    

Habang naglalakad ako sa corridor, sumisilip ako sa bawat classroom na madaanan ko. Karamihan sa mga estudyante talaga'y nababagot na makinig sa tinuturo ng kanilang guro. 10% lang ang interesado talagang matuto.


Pagkarating ko sa comfort room, biglang humangin nang malakas. Napahinto tuloy ako sa aking kinatatayuan. Iba kasi ang dating sa akin nung hangin.


Maya-maya pa, biglang may humaplos sa aking buhok. Nagpalinga-linga ako pero wala namang ibang tao. Class hours kasi kaya tahimik pa.


Sa paghakbang ko ng aking paa papasok sa loob ng banyo, nakaramdam na ako ng kakaibang presensiya. Isang tensyong napakalakas ang nararamdaman ko ngayon. Nanginginig ko tuloy na pinasok ang banyo.


Pagkapasok ko, humarap kaagad ako sa may salamin. Nginitian ko ang sarili ko. Inhale, exhale.


"Morixette, tatagan mo ang loob mo. Huwag kang papadaig sa takot. Multo lang sila, at tao ka. Hindi ka nila masasaktan." Sambit ko sa harap ng salamin para palakasin ang aking loob.


Lakas-loob kong binuksan ang aking bag at kinuha roon ang aking pabango.


"Hindi nila dapat malaman na hindi ako naligo, nakakahiya kaya 'no." Sambit ko habang iniispray ko ang pabango sa aking katawan.


Nagulat ako dahil may dugong lumabas sa salamin. Hindi lang ito basta dugo dahil may nagsusulat sa salamin gamit ang dugo.


"Nasaan ang hustisya?!" Iyan ang nakasulat doon.


Nabitawan ko bigla ang hawak kong pabango at nalaglag ito sa sahig. Napaurong ako bigla dahil sa takot.


Yumuko muna ako saglit para abutin ang pabango ko nang biglang may humawak sa aking wrist na kamay na puro dugo.


"Ahh!" Napasigaw akong bigla at naihagis ko tuloy yung pabango ko sa bintana.


"Sino ka ba? Bakit mo ako ginagambala?" Tanong ko habang nakasiksik sa sulok at nanginginig sa takot.


Nakarinig akong bigla ng sanggol na umiiyak. Nandito lang siya sa loob ng CR.


"Unga-unga." Iyak nito.


"Magpakita ka sa akin!" Sigaw ko.


Nagulat na lang akong bigla nang magsibukasan ang pinto ng mga cubicle. Isa lang ang hindi bumukas, yung nasa dulong parte.


Dahan-dahan akong tumayo at unti-unti akong naglakad para puntahan yung cubicle na maaaring kinaroroonan nung multo.


"Unga-unga!" Iyak nung sanggol.


"Tahan na baby, mahal ka ni mommy." Anito.


Naririnig ko na pinapatahan nung babae yung sanggol.


Nag-aalinlangan nga ako kung bubuksan ko ba iyon o hindi. May doubt pa rin sa puso ko.


Itutulak ko na sana yung pinto nung cubicle nang bigla itong bumukas.


Napatigagal ako dahil sa bumungad sa akin. Isang duguang babae na may karga-kargang fetus ang nakaupo sa toilet bowl habang inaagusan siya ng dugo sa kaniyang binti. Patay ang sanggol kaya paano ito iiyak?


Nanlaki ang mata ko dahil dumilat bigla ang sanggol at nilingon ako nito. Ngumiti pa, kaya mas nasindak ako't napasandig na lang sa may pintuan nito.


"Magbabalik siya't lilipulin niya kayo! Haha!" Ani nung dalaga.


Napaurong akong bigla at napahawak na lang ako sa aking bibig na nangangatal dahil tumayo bigla yung sanggol at naglalakad patungo sa akin.


"Huwag kang lalapit sa akin, tiyanak!" Sigaw ko.


"Hehe." Hagikgik nito at ipinakita sa akin ang matalim niyang ngipin.


Napaupo ako sa sahig nang bigla siyang tumalon para sunggaban ako.


"Huwag!"

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now