Chapter 56

51.8K 1.9K 446
                                    

Maaga akong gumising dahil kailangan ko na namang pumasok sa school. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin pinapansin ang mga text at tawag ni Charlie. Kung pwede lang sana, ayoko na siyang makita sapagkat hindi ko alam ang gagawin ko sa kaniya.


Maaawa ba ako dahil sa pagkamatay ng ate niya? o Magagalit dahil sa panibughong itinanim niya rito sa aking puso. Kahapon nilibing si Ate Rochaes pero ni pumunta sa lamay nito ay hindi ko ginawa. Hangga't kaya ko siyang iwasan, gagawin ko. Masakit pa rin kasi talaga, hindi madaling hilumin ang sariwang sugat na nakabuka pa.


Hindi niyo naman ako masisisi dahil kahit sino namang wasak ang kalooban ay nanaising huwag munang balikan ang nakaraan. Isang bangungot sa aking isipan ang kawalang-hiyaang ginawa nila. Para akong baliw sa isang sulok na umiiyak sa tuwing naaalala ko iyon.


May side naman sa isipan ko na nagsasabing bakit hindi ko muna siya bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Siguro, soon. Hindi ko pa rin kasi kayang harapin at pag-usapan ang bagay na iyon.


Pagkarating ko sa may gate, nagulat ako dahil nandoon si Jerico at nakasandal sa bisikleta niya habang nakahalukipkip pa. Hindi ko maiwasang hindi mangiti dahil nakatingin siya sa langit na para bang malalim ang iniisip.


"Pssst!" sitsit ko sa kaniya pagkabukas ko sa gate.


Napa-impit ako ng tawa dahil mukha siyang aligaga noong makita niya ako. Pero kahit na gano'n, isang ngiti ang pinakawalan niya.


Natatawa ako sa kaniya dahil mukha siyang batang naghihikahos.


"Anong ginagawa mo rito?" Bungad ko.


Napakamot siyang bigla sa ulo niya.


"Ano pa nga bang gagawin ko rito? Malamang, sinusundo ka..." aniya habang nakasuksok ang kaniyang kamay sa magkabila niyang bulsa. Hindi pa rin nawawala ang kaniyang matamis na ngiti.


Lihim akong napangiti dahil sa kaniyang tinuran. Ayokong mag-assume pero hindi ko alam kung bakit pa niya ako kailangan sunduin? Ano ang nais niyang ipahiwatig? Nililigawan niya ba ako? Maraming tanong ang gumugulo ngayon sa aking isipan pero hindi mo muna iyon inasikaso dahil deep inside, hindi ko maipagkakailang kinikilig ako.


"Tara na nga, baka ma-late ka pa niyan," segunda ko sabay hawi sa aking bangs.


Siguro, infatuation lang itong nararamdaman ko. Humahanga ako sa kaniya dahil pinupunan niya ang kilig na nais ko na dapat ay si Charlie ang gumagawa.


Umangkas ako sa kaniyang bisikleta pagkaayos niya nito. Syempre, nasa harapan ako. Feeling ko tuloy, ang cute ng posisyon namin at mukha kaming lovers. What if, si Jerico ang naging boyfriend ko? Sasaktan niya rin kaya ako?


"Hindi ka ba natatakot na makita ng mga magulang ko o kaya ni Lola na naghihintay sa labas ng gate namin?" Pagbubukas ko ng topic habang nakatuon ang kaniyang atensiyon sa pagsikad at pagmamani-obra ng aming sinasakyan.


Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking batok matapos niyang magbuntong-hininga. Nanunuot ito sa aking balat na para bang gusto kong samyuin.

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now