Chapter 5

78.5K 2.8K 526
                                    

"Huwag!" Sigaw ko at napaupo ako bigla sa aking kama. Pawis na pawis ako at para bang pagod na pagod.


"Hija anong nangyari sayo? Binangungot ka ba?" Wika ni Lola Alette habang hinahagod ang aking likod.


Hingal na hingal ako pagkagising ko. Akala ko, katapusan ko na. Pero isa lang ang ibig sabihin nito kung bakit nagpapakita sila sa akin. Maaaring ako ang tulay para makatawid sila sa kabilang buhay.


Kinabukasan, nakalabas na rin ako kaagad sa ospital dahil magaling naman na ako tsaka kaya ko na. Bukas na ako papasok sa eskwelahan para sigurado raw na kaya ko na.


Nabuburyo ako ngayon dito sa bahay dahil wala akong makausap. Busy silang lahat sa work, si Lola Alette naman, nakaupo lang sa tomba-tomba at naghahabi siya para makagawa ng kung anu-anong anik-anik.


At dahil doon, minabuti ko na lang na lumabas ng bahay at tumungo sa simbahan upang magdasal. Kailangan ko ng kasagutan kung bakit maraming multo ang nagpapakita sa akin. Si God lang naman ang makakasagot sa aking katanungan eh.


Dali-dali akong nagbihis at tinungo ang simbahan para humanap ng kasagutan. Pagkarating ko roon, nagdasal kaagad ako pero bakit ganun? Parang may umuusig sa aking likuran para maitanggal niya ang atensyon ko na dapat para sa nakatataas?


"Hija, napapansin kong may gumugulo sa iyong isipan kaya hindi ka makapagpokus ng mabuti sa Panginoon." Bungad ng isang pari sa gitna ng palinga-linga ko.


"Father kayo pala iyon." Nagulat ako kasi nakatayo siya ngayon sa aking harapan. Para bang pinapakiramdaman niya ang aura ko ganun.


Nagtaka ako bigla nang mapayrong bigla si Father sa kaniyang kinatatayuan. Yung ekspresyon ng mukha niya, hindi ko maintindihan. Para bang takot na natatae. "May mga sumusunod sayo, mag-iingat ka." Aniya at umakto siyang bigla ng sign of the cross sa akin na para bang kinatatakutan niya ako.


"May the Lord be with you." Pahayag niya at naghuhumadaling naglakad papalayo sa akin.


"Anyare kay Father?" Napatanong na lang tuloy akong bigla sa aking sarili.

Nagsign of the cross na lang ako at tuluyan ng lumabas dahil naguluhan lang ako sa sinabi ni Father. Habang naglalakad ako sa labas ng simbahan nang dahan-dahan, isang matandang babae ang lumapit sa akin.


"Sinusundan ka nila, humanda ka sa pag-atake nila." Turan ng matandang babae habang tarantang-taranta.


"Ano pong ibig niyong sabihin?" Pailing-iling kong tanong.


"Magpapapansin sila sayo hanggang sa sila ang piliin mo upang makabalik dito sa ating mundo." Aniya.


Huh? Mga multong papansin? Para piliin kong mabuhay? Oh no, dahil ito sa ABaKaDa!


"Magpapapansin na siya! Humanda ka!" Sigaw niya at huhurumintado pa.

Nagulat ako dahil may mga taong lumapit sa kaniya at dinampot siya.


"Pasensya na Ma'am, nakatakas ang pasyente namin eh. Paumanhin kung nagambala ka niya." Pahayag ng isang lalaki habang kalong-kalong siya.


"Hindi ako baliw! Pakawalan niyo ako!" Pagpupumiglas ng matanda habang isinasakay nila ito sa loob ng sasakyan.


Una si Father, tapos isang matandang baliw ang nagsabi na guguluhin nila ako. Sino ang susunod?


"Malapit nang mag-umpisa ang ABaKaDa, kailangan ihanda ang iyong sarili." Bulok sa akin ng isang pamilyar na tinig at tiyak kong si Ethel iyon.


Nagpalinga-linga ako sa paligid at mistulang pinagtitinginan ako nang bawat taong dumaraan.


Anong mayroon sa akin? May dumi ba ako sa aking mukha? May mali ba sa akin?


"Tumakbo ka na dali!" Sigaw ng isang tinig sa aking tagiliran. Paglingon ko sa kaniya, isang babaeng sunog ang mukha at may itak na nakatarak sa kaniyang ulo ang bumungad sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang sindak.


"Ahh!"

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon