Chapter 45

46.4K 1.7K 168
                                    

Dali-dali kong nilapitan ang libro at tiningnan kung ano ba ang mensahe nito.


Kagandaha'y nagniningas ngunit dapat nang gawing pamparingas.


Isang ideya lang ang pumasok sa isipan ko. Babae ang susunod na biktima ng ABaKaDa. Ngunit, sino siya? Paano ko siya mahahanap?


Ilang saglit pa'y biglang lumipat na sa susunod na pahina ang libro.


.....


.....


.....


.....


.....


Hala, bakit ganito? Walang nakasulat? O wala akong mabasa? Bakit walang clue na ibinibigay ang libro? Paano ko maisasalba ito?


Muli itong lumipat sa susunod na pahina.


Ika'y dapat na pakuluan nang puso mo'y mapalambutan.


Dahil sa mensaheng ito, maaari kayang ang biktima'y mayroong pusong bato?


Jaycee's POV


Pagkarating ng pinsan ko, hindi man lang ako kinausap pagkakita niya sa akin. Agad siyang pumanhik sa kwarto niya. Ano kayang problema no'n? Hindi ba siya nag-enjoy sa lakad niya?


Ang daming tanong na gumugulo sa aking isipan kaya hindi tuloy ako makapagconcentrate sa pinapanood ko. Syempre, pinsan ko pa rin iyan kaya nag-aalala ako. Dahil hindi ako mapakali, minabuti kong puntahan muna siya sa kwarto niya para alamin kung ano bang nangyari sa lakad niya. Maybe maaari ko siyang matulungan sa kung anuman ang problema niya.


Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan para hindi niya ako mapansin. At dahil dakila akong hokage, nagsuot ako ng medyas para hindi niya marinig ang aking yabag.


Napapabungisngis ako habang umaakyat dahil may naiisip na naman akong kalokohan para tuyain siya.


Nang malapit na ko sa kwarto niya, nagulat ako dahil may liwanag akong napapansin. Nakabukas nang bahagya ang pintuan niya kaya naaaninag ko ang liwanag na nagmumula sa kaniyang kwarto.


Dulot ng kuryosidad, dahan-dahan akong lumapit at sumilip. Nagmumukha akong magnanakaw dahil sa ikinikilos ko.


Sa pagdungaw ko sa pintuan, nagulat ako dahil nakatayo siya at may hawak na kung anong bagay. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napapansin.


Napapakamot ako ng ulo dahil parang kinakausap niya yung bagay na nagliliwanag.


"May saltik na ba itong pinsan ko?" Sa isip-isip ko.


Ngayon lang ako nalinawan kung ano ba ang hawak niyang bagay dahil lumipat ito sa susunod na pahina. Kung tama ang hinala ko, isa iyong libro.


"Hala, libro? May lahi bang mangkukulam ang pinsan ko?" Tanong ko sa isipan ko.


Muli akong dumungaw nang biglang may makita ako na hindi inaasahan. Nanlaki bigla ang mata ko at halos matuyutan ako nang laway nang ngumiti ito sa akin.


Isang babaeng nakaputi ang nakalutang sa may tabi ng binta ang nakatitig sa akin. Syet, pinagpapamisan ako ng malagkit. Pati tuhod ko ngayon ay nangangatog.


Iniwas ko ang tingin ko at sumandal sa may pader. Ako'y nagsign of the cross dahil baka namamalikmata lang ako.


Makalipas ang ilang minuto ay dumungaw ako ulit at nagbabaka-sakaling wala na roon ang babaeng multo.


Hindi pa ko nakakadungaw ay hindi na ko makagalaw bigla sa kinatatayuan ko sapagkat kaharap ko na siya ngayon.


"Hi," nakangiti nitong sambit.


Tumindig bigla lahat ng balahibo ko sa sobrang gulat sa kaniya.


"Ahhh!" Sigaw ko at nagtatakbo ako pababa ng hagdan.


The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon