Chapter 13

60.4K 2.3K 263
                                    

"Ahh!" Napasigaw ako nang may lumapat biglang kamay sa aking balikat.


"Hoy Morixette, anong nangyari sayo?" Bungad ng isang pamilyar na tinig.


Sandali, si Divine ba ito? O imahinasyon ko na naman?


"Tumayo ka nga riyan. Ano bang nangyari sayo at nagkakaganiyan ka?" Tanong niya. Nang lingunin ko siya, hindi nga ako nagkakamali. Si Divine nga!


Napayakap akong bigla sa kaniya dahil natutuwa ako.


"May tiyanak kasi dito kanina at may babaeng nagmumulto at pilit na tinatakot ako." Bulong ko habang nakayakap sa kaniya.


"Multo? Tiyanak? Haha, huwag ka ngang magpatawa. Hindi totoo ang mga iyon." Turan niya. Ngayon, magkaharap na kami.


"Maniwala ka sa akin! Nakikita ko sila!" Pagpipilit ko.


"Naku, gutom lang iyan. Halika na sa canteen, nandoon yung dalawang bugok." Aniya.


Ayaw niyang maniwala sa akin. Siguro nga gutom lang ito. Pero, marami na talaga akong nakita.


"Sige, tara na." Pahayag ko habang nakapoker face. Dinampot ko na ang bag ko sa sahig para makaalis na.


Pagkuha ko rito, nagulat ako dahil may nagliliwanag na bagay sa loob nito. Dulot ng kuryosidad, binuksan ko ito para malaman kung ano iyon.


"Paano ito napunta rito?" Sambit ko nang matagpuan ko yung ABaKaDa book sa loob ng bag ko.


Kinuha ko ito at kusang nagbukas. Isang clue na naman ang ibinigay nito sa akin.


Ang hindi tumingin sa daan,

Hatid sa kaniya'y kapahamakan.


Ano ang ibig sabihin nito?


Lumipat na naman ito sa bagong pahina na mas lalong nagpasakit sa aking ulo.


Ang sarap maupo,

Pero 'di marunong mag-opo.

Kumain ng upo,

Baka buhay ay sakaling mabago.


Hatid mo'y karunungan,

Sa mga estudyanteng maraming katanungan.

Hindi mo mapunan ang pangangailangan ng iba,

Sa exam sila'y kakaba-kaba.


Hatid mo'y pasakit,

Mahirap ka pang magbigay ng pagsusulit.

Marapat lang na ika'y maukit,

Sa kalupaang nagngingitngit.


Sa iyong pagkawala,

Estudyante'y magpapatila.

Tainga'y papalakpak,

Tatawa pa sila ng pagak.


Sa iyong biyahe,

Huwag nang magbayad pa ng pamasahe.

Sa kabilang buhay ang iyong tuloy,

Kaya buhay mo'y 'di na magpapatuloy.


Sa lugar na malalim,

Buhay ay maitatanim.

Babalutin ka nang karima-rimarim na lagim,

Sa iyong pagragasa pailalim.


Oh my god! Nakakashock naman ito. Parang naiintindihan ko yung iba pero hindi ako sure kung iyon nga ang nais nitong iparating. Kawawa ang unang biktima nang ABaKaDa.


"Morixette! Bilisan mo!" Sigaw ni Divine sa labas.


"Oo, ayan na!" Sagot ko at isinilid ko na ulit sa loob ng aking bag yung libro. Maaari naman siguro akong tulungan ng mga kaibigan ko.


Dali-dali na akong lumabas at tinungo na namin ang daan patungong canteen.

Habang naglalakad kami sa daan ni Divine, biglang nagpakita sa akin si Helga.


"Mamamatay siya! Haha!" Sambit niya kaya napahinto akong bigla sa paglalakad.


"Tandaan mo, 'Kung ano ang nasa puso mo sundin mo.' Naniniwala ako sa kakayahan mo." Bulong naman ni Ethel.


"Napatigagal ka? May sakit ka ba?" Singit ni Divine at sinipat ang aking leeg.


"Wala 'to. Tara na." Pahayag ko.


Nagpatuloy na kami sa paglalakad kahit na lutang pa rin ang aking isipan.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon