Chapter 52

50.9K 1.5K 280
                                    

Denise's POV


Nakakapanggigil talaga yung Morixette na iyan. Simula nang maging sila ni Charlie, lagi na lang akong iniitsapwera ng ex ko. Parang kailan lang, si Charlie ang naghahabol sa akin. Pero ngayon, ako naman itong patay na patay at gustong mabawi siyang muli.


It's my fault naman kasi talaga kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin. Nahuli lang naman niya akong may kalaguyong ibang lalaki. Oo aaminin ko, makati akong babae. Yung tipong hindi satisfied sa isa? Ewan ko ba sa sarili ko, napaka-explorer ko. Gusto ko lang namang subukan ang mga bagay-bagay dito sa mundo.


Si Charlie kasi sweet na tao at puro lambingan lang ang alam. At dahil na-impluwensiyahan ako ng mga kaibigan ko na maging wild, marami akong hinahanap sa isang tao.


Sa ngayon, hindi ko pa rin titigilan si Charlie hangga't hindi ko pa siya natitikman. Makati na kung makati, wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa akin. Who are they to judge me?


Isa sa ipinapasalamat ko ay naging close kami ni Ate Rochaes. Gusto ko siyang maging ate dahil nagkakasundo kami sa halos lahat ng bagay. I want to be a model soon. The famous one, like her.


Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko nababawi si Charlie. I need him na. Kung kailangang magpabuntis ako sa kaniya, gagawin ko maisalba lang ang business namin. Hindi ko kaya maging mahirap. Naaawa rin ako sa mga magulang ko sa tuwing nakikita ko silang malungkot.


Sa pagbagsak ng business namin, ito lang ang naiisip kong way para makatulong sa pamilya ko. May puso rin naman ako kahit walang hiya akong anak. Oo, marami lalaki riyan na pwede kong huthutan kaso wala akong assurance sa kanila.


"Denise, sigurado ka na ba talaga rito?" Tanong ng kaibigan kong si Ej.


Oo, kaklase ni Ej ang Morixette na iyan. Kay Ej din ako nakakakuha ng balita patungkol sababaitang iyon. "Yes naman. Itong gamot na 'to ang magiging solusyon sa aking problema."


Binigyan ako ni Ej ng isang gamot na tinatawag na sex pills. Kapag pinainom mo ito sa isang tao, mag-iinit at mag-iinit siya yung tipong magiging hayuk na hayuk sa kama.


Hanep din itong baklita kong friend. Hindi ko alam na may ganito pala. Dinaig niya pa ko. Siguro, suking-suki na siya sa dami ng kaniyang naging boylet na naikama. Hindi ko kinaya ang galing ng diskarte nitong gaga. Salamat sa kaniya.


Ngayong araw ko isasagawa ang aking plano. Sigurado akong hindi ako papalya para na rin sa kinabukasan ng aking pamilya.


Pagkarating ko sa bahay nila, pinadiretso kaagad ako ng maid sa kwarto niya dahil hindi pa raw ito bumababa simula kaninang umaga.


Nagulat ako sa tinuran nito kaya dali-dali kong tinungo ang kaniyang silid dahil akala ko, nagpatiwakal na siya. Hindi niya iyon pwedeng gawin dahil mawawalan talaga ako ng pag-asa na maisalba ang aming business.


Pagkabukas ko sa pinto, naawa ako sa kaniyang itsura. Mukha siyang problemado at wasted. Dahil ba ito sa paninira ko sa date nila ng girlfriend niya?

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon