Chapter 84

41.4K 1.3K 271
                                    

Kaagad namang naagapan ng mga nurse ang pagsakit ng ulo ng kaibigan ko. Sabi ng doktor, kailangan daw na makausap na nila ang magulang ng pasyente dahil malala na masyado ang sakit ng kaibigan ko.


Hanggang ngayon, wala pa rin akong balita sa parents ni Divine kung may balak pa ba ang mga ito na dalawin siya. Out of town daw ngayon ang parents niya dahil sa business meetings. Ang hirap pala talaga kapag busy masyado ang magulang mo.


Heto, nakahiga ngayon si Divine sa higaan niya at mahimbing na natutulog. Sana bukas pagkagising niya, huwag niya munang indahin ang sakit pang physical, maging emosyonal man. Naniniwala akong magiging okay rin ang lahat.


Masyado nang malalim ang gabi kaya kailangan ko na ring magpahinga. Nahiga ako sa sofa sa loob ng kwarto niya at doon pansamantalang natulog. Nawa'y maging maaliwalas ang lahat pagkagising ko buhay. Kasabay ng pagmumuni-muni ko ay ang pagsarado ng talukap ng aking mga mata.


Kinabukasan, pagkagising ko ay tulog pa rin si Dibina. Lumabas muna ako saglit ng kaniyang silid para bumili ng kape roon sa may vendo machine na kung saan e huhulugan mo na lamang ito ng limang piso.


Pagkatungo ko roon, kaagad naman akong naghulog ng lima sa slot machine nito at pinindot ang kape. Hot choco sana ang gusto ko kaso mas mainam ang kape sa sitwasyon ko ngayon, bawal maging antukin.


Habang humihigop ako ng kape at naglalakad sa may hallway ng ospital, napagdesisyonan kong bisitahin muna ang dalawa kong kaibigan sa kanilang mga silid.


Una kong pinuntahan si Jerico. Pagkarating ko roon, nandoon ang tito niya sa loob at nagbabantay. Napangiti na lamang ako at hindi ko na tinangkang pumasok pa sa loob ng kaniyang silid dahil ayaw kong makaistorbo. Alam kong gagaling din kaagad ang paa niya, may tiwala ako sa Lord.


Siguro, kung ako ang nasaksak sa paa, baka naghuhuramentado ako magdamag. Malaki ang pasasalamat ko kay Jerico dahil hindi siya nag-alinlangang tulungan ako kahit na alam niyang malalagay rin siya sa panganib. Isa siyang tunay na kaibigan.


Kaagad din naman akong tumungo sa silid ni Jerwel para bisitahin siya. Pagkarating ko sa may tapat ng silid niya, bigla namang bumukas ang pinto nito at bumungad sa akin ang kaniyang ina.


"Magandang umaga po," bungad ko sabay mano sa mommy ni Jerwel. "Magandang umaga rin, hija."


"Ikaw ba ang kaibigan ng anak ko na tumulong sa kaniya?" aniya.


Ngayon ko pa lang nakatagpo ng personal ang mommy ni Jerwel at masasabi kong naumid ako habang kaharap siya. 'Yung tipong mapapalunok ka na lang ng laway sa kaba dahil na-starstruck ka sa kaniya. Medyo bata pa tingnan ang mommy niya kahit na nasa 40+ na ang edad nito. Mukha naman ding mabait.


"A-y opo. Kumusta na po pala ang kalagayan niya?" turan ko na wari mo'y nahihiya. Medyo nakayuko ako at hindi makatingin sa kaniya.


"Okay naman na siya, hija. Kailangan niya lang nang sapat na pahinga," tugon nito.


"A-h gano'n po ba? Hehe..."


Mukhang mabait ang mommy niya kaso malakas ang dating nito na paray strict na mataray kaya nakaka-intimidate. Dulot siguro ito ng kape kaya ako kinakabahan ngayon.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon